Chapter 14

3 2 0
                                    

Gaya nga ng napagusapan ay ihahatid niya ako sa airport ng 5pm. Maghahatid na nga lang may pa rose pa buti nalang talaga at isang pirasong rose ang binigay at hindi isang bouquet.

Awkward silence kru.. kru.. kru..

Nakakabingi talaga ang katahimikan naming dalawa parehas na nahihiyang magsalita eh. Para rin kaming takot na mailista sa noisy kaya kahit pag galaw limitado. Tanging music lang ang nakapagpabasag ng katahimikan na yun.

Hanggang sa pagdating ng airport wala paring imikan. Mag jowa na hiyaan sa umpisa pero nagiging madaldal naman kapag nakasanayan na.

Ipinagbuksan niya ko ng pintuan at binaba na rin ang maleta ko. Pagkababa niya nun parang robot na di na alis sa pwesto at straight body pa na nakatayo.

"Can you give me a hug babe??" Di nako sumagot at ako nalang ang lumapit pa sakanya. Ramdam ko na rin ang pag amoy niya sa buhok ko at pag bulong ng i love you sakin.

Ang higpit ng yakap kala niya naman mawawala nako o lalayasan ko siya eh magtratrabaho lang ako. Ako na mismo ang kumawala sa yakap at nginitian siya , rinig ko rin ang paghinga niya ng malalim ng makita akong tumalikod para kunin ang maleta ko .

Hinili ko yun papalapit sakanya, at siya naman nakatingin lang saking mga mata na pababa sa labi HAHAHAH alam na ang gusto neto. Dali dali akong lumapit sakanya at hinalikan siya pagkatapos nun tumalikod kaagad ako at nag lakad.

Mahinang natatawa sa ginawa halata kasing di pa naalis ang gulat sa mukha dahil pa nakareact sa ginawa ko eh. Binagalan  ko ang paglakad para sakaling mahabol niya.

At tama nga hinabol nga ako ng loko at ng hingi pa ng isa kasi daw di siya naka ready kanina.

"Please babe kiss me again, ang daya kasi di ako nakapagready kanina"  wews need bang mag ready??

"Di ko na yun kasalanan."

"please babe!!" kulang nalang ata lumuhod to eh kaya tumango na lang ako na ikinangiti niya. Agad niya rin naman akong hinawakan sa magkabilang pisnge at dahan dahan na hinalikan sa labi. Pagkatapos niya kong halikan ay ng hingi pa ng 5 minutes na yakap.

"Take care of yourself babe and magchat ka kapag nakarating ka...okay??" tumango nalang ako sakanya at kumaway bilang paalam.

Smooth ang naging byahe namin papuntang japan. Pumwesto nako sa pintuan ng eroplano para magpasalamat sa mga pasahero.

Sabay kaming bumaba ng mga piloto sa eroplano at nag hintay ng service na provided by company. Pagod nako pagkarating ng hotel na pagsta-stayan namin sa loob ng 4 days, higa kaagad ako sa kama at kinuha ang phone para mag send ng message .

to:Mavie
"Landed safely...im tired need to sleep"

to:Layrae
"hey wayd??"

sakanilang dalawa si lay ang unang nag reply.

from: Layrae
"plates aui my honey"

Naghabol siya kaagad ng picture ng plates na ginagawa niya.

Sunod naman na dumating ang message ni maive.

From: Maive
"Sleep tight baby iloveyou"

to:Maive
"i love you more"

Pagkatapos kong i send yun natulog na kaagad ako ,pagod na pagod eh. Sa spbrang antok ko ang haba na pala ng tulog ko kaya nagising ako ng gutom. Tinatamad ako na bumaba at bumili ng pagkain o di kaya mag ikot para kumain kaya napag isipan ko nalang na mag pa room service.

Pagkadating ng pagkain kinuhanan ko lang iyon ng litrato at pinadala kay maive para ipakitang kumakain ako ngayon. Agad niya naman iyon nireplyan ng eatwell babe.

KINABUKASAN ang aga kong nagising dahil tumatawag si maive. Di daw siya makatulog miss daw niya ako HAHAHA. Kaya ayun binantayan ko hanggang makatulog.

Naligo nako at nagbihis dahil mag iikot ikot ako ngayon. Kumain muna ako sa nakita kong ramen para sa breakfast ko di pa kasi ako naka kain. Sunod kong pinuntahan ay ang mga bilihan ng mga pasalubong pagkain lang din naman ang mga binili ko dun para kay layrae, hirap na mag reklamo na wala akong dalang pasalubong sakanya kahit pagkain lang.

Pumunta na rin ako sa mga expensive shops na nakikita ko. Perfume ang binili  ko ibibigay ko yun kay maive para naman may pasalubong ako sakanya. Ng mapagod kakaikot ay umuwi narin kaagad ako.




Di ko alam kung ano ng magiging takbo ng story ko basta alam ko magkakaroon to ng epilogue.
Aui-awi.....baka kasi nagtataka kayo sa pronunciation 

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now