Chapter 15

6 2 0
                                    

Sa apat na araw na layover na meron ako Shopping, Kain at punta lang sa mga magagandang place ang ginawa ko. Vc every morning and afternoon with maive and Chitchat with layrae yan lang talaga ang mga ganap ko dito sa japan.

Wala akong itenerary eh dahil ilang beses na rin naman akong pabalik balik dito. At wala akong kasama kaya boring na minsan dito, di kasi ako nakakasama sa ibang flight attendants eh gusto ko magsolo.

Naghahanda nako ngayon para sa japan to korea na flight namin mags-stay lang kami sa korea ng 24hours at korea to philippines na kaagad. Lobby na kami ng hotel nagkikita kita at sumakay na sa van na maghahatid samin sa airport.

As usual nakakapagod ang flight namin papuntang korea atleast nag enjoy. Di nako nakapagpahinga ng makarating kami sa hotel dahil punta kaagad ako sa tindahan para bumili ulit ng mga pasalubong para kay lay mahilig kasi siya sa maanghang eh, kahit yun lang may maidala nako sakanya masaya na yun.

Nang korea to philippines na yung flight namin ang daming pinoy na pasahero konti lang ata yung mga korean.Galing siguro sa bakasyon at pauwi na.

Kagaya ng laging ginagawa nagpasalamat kami sa mga sumakay sa flight namin at sa pagpili nila ng airline namin. Para na ata akong lantang gulay na naglalakad papuntang parking lot. Hinatid ako kaya wala akong sasakyan ngayon, kailangan ko pang antayin si maive na susundo sakin. Minutes lang di naman ang inantay ko at dumating na siya.

Yakap at halik agad ang sumalubong sakin miss na miss daw niya kasi ako. Tinanong niya ko kung pagod ba ko sa flight ang sagot ko naman medyo lang dahil halata sakanya na gusto niya pa akong makasama. Kumain lang kami sa labas at pina kwento niya sakin kung anong mga ganap ko nung nasa japan at korea ako at syempre ako naman kwento lang ng kwento.Nung inihatid ako papuntang airport nagkahiyaan pa ngayon na sinundo na, wala na daldalan na HAHAHAH.

Baka daw mapagod pako ng sobra kaya iuuwi niya na daw ako para makapagpahinga at gabi na rin kasi kaya dinadalaw na kaming pareho ng antok. Pagkarating sa bahay nakasara na ang ilaw tulog na ata si Layrae.

Siya na ang bumaba ng maleta ko at ipapasok niya sana sa loob ng may maalala ako.

"Weyt lang babe..."
Hinukay ko yung pinaglagyan ko ng box ng perfume na yun at ng makita ko ay binigay ko naman agad sakanya. Kahit di alam ang laman nagniningning parin ang mga mata neto at gustong gusto ng buksan

"Para saan to babe??"

"Wala, bigay ko lang sayo.... ayaw mo ba??

"Di ah gustong gusto nga ehh... Thank you so much babiiiii iloveyou." Pinanggigilan niya naman kaagad ako ng yakap.

"Bye babe..."

"Bye ingat sa byahe pauwi." lumapit ako kaagad sakanya para bigyan siya ng goodnight kiss at siya naman halik sa noo ang binigay.

Pagkaalis niya ay saka naman ako pumasok sa loob ng bahay dala dala ang maleta ko. Inilagay ko yun sa gilid at inalis na rin ang suot na heels bago gawin ang night routine para makatulog na rin.

Dala ng sobrang pagod at antok ayun tulog kaagad. 9 am nako nagising at himala na di ako ginising ni layrae , palagi niya kasi akong ginigising dati.

Brunch lang ako at nag chat kay maive gusto niya kasi ng update everyday kaya sabi ko maglalaba ako ang dami ko na kasing mga damit sa laundry sabi niya rin naman wag ko daw pagurin masyado ang sarili ko.

Binuksan ko ang maleta ko at inilabas ang mga pinamili para kay layrae. Stocks niya to lahat baka sakaling gutomin eh. Inarange ko na rin yun sa pantry at sa ref yung iba para ituturo ko nalang kaagad sakanya mamaya.

Washing ng damit, inuna ko yung mga puti ko at sunod naman yung mga di-color pagkatapos nun dinrain ko at naglagay ulit ng tubig at sabon sa washing para naman sa uniform ko. Di naman nakakapagod mag laba dahil washing at habang hinihintay ko na matapos yun at nag walis at mop narin ako ng sahig para naman ang linis tignan.

Gusto ko man na makipagdate ngayon kay maive ay di pwede dahil may trabaho siya at kasama niya daw si layrae para sa project na yun. Sinabi niya rin sakin na parang wala sa mood si layrae.

Ano kayang dahilan kung bat na wala sa mood yung babaeng yun?? Eh baka nag selos samin ni maive. Pero impossible yun kasi parehas lang yung time na binibigay ko sakanilang dalawa at ang saya niya pa kaya nung naging kami ni maive.

Hapon na at maputol ang pagiisip ko tungkol dun kaya nagsaing nako at nag prepara para sa dinner mamaya nang dumating si layrae. Totoo nga ang chismis wala nga siya sa mood ngayon kaya agad agad ko namang pinuntahan.

"Layrae may problema ba?? Magsabi ka naman oh sabi sakin ni maive wala ka daw sa mood??" Akala ko mag dedeny siya akala ko magiisip na naman siya ng topic para masabing okay lang siya

Ngumiti lang siya sakin, ngunit sa ngiting yun ang mga luha niya unti-unti ng nagpapaunahan.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now