Chapter 16

4 2 0
                                    

"Aui please tulungan mo naman ako oh....huhuhu" Ayaw parin tumahan kakaiyak. Pinapatahan nga para makapagusap ng maayos pero siya iyak naman ng iyak at sasabihin na tutulungan ko daw.

"Lay tumahan ka nga muna..." pasinghot singhot naman siya at pinilit na na tumahan ang sarili ngayon.

"Ano bang tulong yang sinasabi mo??May nangyari ba?? Sinaktan kaba??Pinagtulungan ka ba sa trabaho?? ano sabihin mo!" Kahit nag aalala ako di ko parin ata mapigilan na di tumawa kahit anong pagpipigil ang ginawa ko eh kasi naman itong si lay kagat-kagat ba naman ang labi habang umiiyak tas nagpapadyak pa ng paa sa sahig.

"Auiii!!!!Ayoko talaga eh!!" bat di niya nalang kaya sabihin ng tuluyan mas pinagaalala pa ako bago malaman ang totoo eh

"Ano ba kasi yun lay??!"

"Ayaw kitang iwan auiii!!" iwan?? bakit san ba siya pupunta?? Magaasawa na ba siya?? magtatanan ganon?

"Tumawag si mama gusto niya na dun na daw ako magtratrabaho. Ayoko ko nun Aui kahit kampante ako na aalagaan ka ni maive gusto ko nasa tabi mo parin ako" Uuwi na siyang canada kung ganon?? Maiiwan ngako kung sakali....

"Tulungan moko Aui ayaw kitang iwan eh!! Kahit anong rason ang sabihin ko ayaw nilang makinig huhuhu!!!! uuwi at uuwi parin daw ako!!" Naawa nako kay layrae parang bata na kung mag sumbong. Kung yan ang gusto ng mga magulang niya di ko sila mapipigilan at isa pa antagal ko din talaga kasing nakasama ang anak nila kaya panigurado namimiss nila ito. Pero ganon parin ang kalungkutan ko, iisipin pa lang na walang mangugulo at walang magpapaconcert dito sa bahay.

"Di mo ba sila na mimiss lay.... Ilang years na rin na ako kasama mo.... ayaw mo ba silang pagbigyan??Magkikita pa rin naman tayo oh.."

"Di ka magagalet kapag aalis ako??"

"Bat naman ako magagalit??" Feeling ko may kausap ako na bata na nagkaroon ng kasalanan

"Remember my promise na hindi kita iiwan. Pag umalis ako edi nasira yung promise ko" Nagsimula na naman na umiyak pero kung ganito din namang kaibigan ang meron ako napakaswerte ko naman. May trabaho na at magaasawa na to sa susunod pero minsan isip bata parin talaga.

" Layrae ano ka ba di ako magagalit....Pamilya mo naman muna lay ang tagal mong di sila nakasama eh ayoko naman na pairalin ang pagkamakasarili ko kung pati sa pamilya mo ipagkakait kita...Magkikita parin naman tayo promise ko yan." Ayoko sa lahat ang mangako kasi para sakin promise meant to be broken pero kung ito ang ikapapanatag ng loob ni lay gagawin ko

Gustohin ko man na maging makasarili ay di ko kaya. Kaibigan lang ako pamilya sila kahit baliktarin ang mundo sila ang mas importante keysa sakin.

"Kailan ba yun Lay??" kahit di na umiiyak yung mga mata niya puno parin ng kalungkutan

"Pagkatapos ng project namin na bahay."Ang alam ko malapit na yun matapos eh ang sabi kasi sakin ni Maive days nalang at tapos na yun ibig sabihin pintura nalang ang kailangan o kung ano pa na makakapagtapos sa bahay.

"3 day Aui....3 days nalang at flight ko na.Naipadala narin sakin ang ticket ko at yung mga flight details ko" Pwede ko bang gibain ang bahay?? Bat 3 days agad. Ok na sana eh kaso ang dali lang kaya lumipas ng mga araw at 3 days parang umidlip lang ako nun tas pagkagising aalis na agad si Lay.

Pinilit ko na maging masaya sa harap ni Lay kahit nakakalungkot na talaga. Sinabi ko nalang sakanya na maging masaya nalang muna kami sa susunod na yung iyakan. Pinakita ko na rin sakanya yung mga pagkain nq binigay ko at siya na rin daw mag luluto for dinner saing lang kasi ang ginawa ko.

Chineck ko ang next flight ko at sobra ang pasalamat ko na 2 days akong walang flight at pinakiusapan ko na rin ang airline na kung pwede ko i take ang flight papuntang canada kahit wala ng layover o kahit di na nila ako bigyan ng sweldo at laking tuwa ko talaga kahit papaano dahil pumayag sila. Di ko yun pinaalam kay lay dahil surprise na lang... surprise na may halong kalungkutan.

Inupdate ko na rin si Maive tungkol sa sinabi ni lay at ang sabi niya pa siya daw nag maghahatid samin. Nagluluto si lay sa kusina at pinag mamasdan ko naman. Magiging masaya pa ba ako pagkatapos ng 3 days?? May jowa ako pero iba ang kaibigan.

Makakaya ko bang magising ng walang Layrae sa tabi ko?? Na walang layrae na magsisilbing alarm clock ko sa umaga. Wala na ring free concert na nakakarindi dito sa bahay. Wala na rin ako kasamang mag simba na yung mga sakristan yung target. Hirap naman pero syempre kakayanin ko para di na mahirapan pang pumili si layrae kung ako ba o magulang niya.











Nawawala na talaga sa dating plano ang story na to pero kakayanin ko na bigyan to ng epilogue. Go with the flow nalang tayo para matapos to.

The Nectar of PainWhere stories live. Discover now