Hello, Enemy chapter 02

194 98 33
                                    

Chapter 2

Nakaupo ako sa loob ng classroom namin habang sinusuri ni Elis at Bri. Yung ID na nakuha ko, masyado silang interesado sa lalaking yun. Eh di naman kagwapuhan. Ang sarap niya lang ibitin ng patiwarik. Ah, lakas talaga makabadtrip ng pagmumukang yun, ang kapal pa ng muka niya'ng murahin ako kanina.

Diba n'ya ba alam na bawal minumura ang mga magaganda dahil iba sila ma-beastmode. Iba ang galit nila kung nagkataon, kaya kanina kung diko lang napigilan ang sarili ko baka nasa clinic na siya habang may hawak na icebag.

Sa amin nga wala pa ni isang minura ako, pero siya lakas ng amats niya dipa niya ako kilala minumura na niya. Pano kaya kung prof yung nakabunggo sa kanya sa tingin niya di siya sisistahin non. Malamang papuntahin pa siya non sa guidance office para magpaliwanag kung bakit siya minura.

Siguro mali lang talaga ako ng napuntahan na Univ, ang sabi kasi banal at mababait ang tao dito. Pero bakit hindi ganon yung nakikita ko. Don pa lang sa na-incounter ko kanina, malabo ng banal yung pagmumuka e. Pano pa kung tumagal kami magkakaibigan dito, edi lalo na walang ng pumasok sa utak namin kundi masamang asal.

Lumulutang pa ang utak ko sa lahat nangyari ngayon ng may tumabi saking babae, tinitigan ko siya. Maganda siya, maputi, mahaba ang buhok pero wavy ng unti.

"Hi, I'm Michelle and you are?" Inilahad niya ang kamay sa harap ko.

"Anaya, an na lang." Agad kong nilahad ang kamay ko din.

Natigilan sa pagsusuri sila Elis at Bri sa ID. Agad na tumingin sa kausap kong babae. "I'm Elisheva you can call me Elis." Si Elis ang unang nagpakilala sa kanilang dalawa.

"Briella, you can call me Bri," Si Bri.

"Ngayon ko lang kayo nakita, transfere kayo?" Tanong ni Michelle.

Nadismaya ako dahil sa tanong niya, malamang. Minsan talaga yung mga tao sa paligid mo sobrang tanga o bobo e. Di naman sa pagjujudge kasi naman sinong magtatanong na ngayon pa lang kami pumasok, so, understand niya na ngayon lang kami dito sa univ, hindi ba.

Pero kahit ganon sinagot ko parin ng matino, kasi matino yung tanong niya kaya natural lang na sagutin din ng matinong tanong. Di katulad ni Brie, bobo na talaga.

"Oum, transfere kame." Sagot ko.

Tumango tanong s'ya sa naging sagot ko. Sa totoo lang naiilang ako sa kanya sa tanang buhay ko kasi ngayon lang talaga ako nakasama ng hindi ko pa ganon kakilala. Di katulad nitong mga panget kong kaibigan with matching bobo pa si Bri. Diba san kan pa.

Lumulutang ulit ang mga bulate sa utak ko ng makita kong kapit parin ni Elis, yung ID na hindi naman sakin. Argg, naalala ko na namn yung damuhong yun na sumira ng umaga ko. Kaasar talaga abuh.

"I know him." Si Michelle.

"Kilala mo siya?" Paguulit ni Bri, sino pa ba.

"Oum, isa siya sa pinaka magaling na swimmer dito sa Univ, kaya nga lahat ng babae may gusto sa kanya. Sa pagkakaalam ko babaero daw yan." Nagloading naman ang utak ko don.

Yung lalaking yun hinahabol ng babae tapos babaero pa. Lakas naman niya kung ganon, pero di uubra sakin ang ganon niyang sytle. Alam kong babae parin ako pero never akong magkakagusto sa babaero, hane. Magkakapatayan talaga.

"Sa pagkakaalam ko di siya nagiisa may kaibigan yan dalawa lagi silang magkakasama na akala mo mga artista, kasi maiistarstruck ka sa dating nila. Para sa karamihang babae sila lang tatlo ang pinakgwapo di ko nga alam kung ano bang pinakain sa kanila ng mga lalaking yon." Patuloy pa ni Michelle.

"So, babaero di yung dalawa?" Tanong ni Elis.

"Oum, di naman sila magsasama-sama kung di sila parehas ng ugali. Di madaling lapitan si Bry, dahil allergic kuno daw siya sa tao. Sabi din ng kaibigan ko. Pero di ako naniniwala don." Tumigil siya saglit.

"Bakit naman malay mo totoo?" Matinong tanong ni Bri.

"Sabihin nating kilala ko si Bry. He's my cousin." Nanlalaki ang matang tumining kaming tatlo kay Michelle.

"Talaga pero bakit di mo siya kilala ng ganon?" Tanong ko.

"Kasi magpinsan lang kame pagkasama yung parents namin, pero dito sa univ hindi. Sa madaling salita hindi kame Close." Kwento niya ulit.

Natapos lang ang kwentuhan namin ng biglang pumasok sa room yung prof. Kaya dina kame nakapag-kwentuhan pa.

Grabe naman pala ano, ako nga yung pinsan ko binubugbog ko pa tapos siya hindi niya manlang ka-close. Pero kahit saan mo naman tignan may ganon talagang tao e, pero tama naman si Bry, sa ginawa niya. Wag na siya masiyadong lumapit dito sa pinsan niya.

Baka mahawa at maging lalakero, di babaero e. Kasi yung dalawang nakasama katulad din niya syempre di natin masabe at ganon nga ang nangyari, nagkahawahan na, kakaiba pa naman ang mga lalaki basta nakakita ng chicks sa tabi. Kung san-san na dadalin.

Buti na lang talaga bago ko pa siya makilala may atraso na siya sakin. Para madaling ilagan, katulad nga ng sinabe ko kanina babae parin ako. Handa parin akong mahulog sa kanya kung gugustuhin ko. Pero di yun mangyayari.

Ang hirap nga magpalaki ng kapatid, boyfriend pa kayang babaero, Hay, mas lalong sasakit ulo ko don. Pati asa pa na papatulan ko yung damuho na yun. Na din pa ako kilala ng mumura na, di maganda yun asal pa lang talbog na sakin.

Tapos nagkwento pa 'tong pinsan na babaero yung damuho na yun edi lalo na. Buti lahat ng babae na nakakalantari niya. Okay lang napagtapos ng nangyari ayos lang sa kanila na iwan sila kung saan sila kinuha. Myghad. Diko talaga kine-keri ang mga nangyayari.

Lumulutan naman sa ere ang utak ko ng maramdaman kong may kumukuhit sakin. Paglingon ko si Bri, ang nakita ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tara na kasi, breaktime na dimo ba narinig." Usal niya.

Ganon katagal ang tinagal ng pagiisip ko at, diko narinig ang bell. Hay, pati tuloy ang pag-aaral ko naapektuhan ng damuho na yun. Pag-talaga ako di nakapasa sa kanya ko lahat isisisi. Pero bakit nga ba, wala naman siyang kasalanan.

Pero kasi iba talaga yung dating sakin pag-babaero e, iba yung impack, diba sila aware na marami silang nasasaktan na babae. Dahil sa papalit-palit nila ng gf.

Hay, ayoko na ayoko na talaga. Di ko na talaga siya iisipin, sakit niya sa ulo. Makuha ko lang yung ID ko okay na ako. Kahit di na ako makaganti sa kanya basta. Ayokong mahulog sa damuhong yun.

Aminin ko man pero gwapo siya, ang lakas ng dating tapos nung minura niya pa ako my accent be, so, sino ang hindi mahuhulog sa damuho. Wala be, walang di mahuhulog don. Pero hindi ako.

HINDI AKOOOOOOOOO...

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now