Hello, Enemy chapter 08

89 54 4
                                    

Chapter 8

Nang makarating kame sa bahay-ay este mansion ata 'to, hindi pwedeng tawagin sa bahay. Kulang ang salitang bahay para sa mansion sa harap ko ngayon.

Bumungad ba naman sayo ang napakalaking gate, tapos pag-pasok mo pa sa loob makikita mo ang napakalawak na daanan, may fountain pa sa gitna na.

'Sosyal ah, halatang binabagsak ang kayaman ng pamilya ko'

Napapailing ako dahil sa naiisip. Agad ko na lang ulit nilingon si Elis at Bri, na katulad ko ay mangha-mangha din sa nakita.

"Anaya, hindi ka ba nagbibiro. Baka naman modus yang nagbigay ng sulat sayo ah. Wala yata tayo sa bahay ng kababata mo eh, sa bahay tayo yata ng presidente dinala." Si Bri, hatala sa kanyang naghehesterical dahil sa laki ng gate sa harapan namin.

Gate pa lang yan nalulula na kame pano kung nasa loob na kame ng mansion na ito. Pano na kaya, baka kung saan na kame pulutin na magkakaibigan dito. Nakakatakot pumasok.

"Eto ang sabi dun sa addres, ay teka pakita ko sa inyo." Agad kong nilabas ang cellphone ko at kinuha sa likod nun ang card na binigay nung kababata ko.

"Oo nga, REVILLION VILLAGE. Tama nakita ko yan sa gate kanina napakalaki." Namamanghang sabi ni Bri.

'Revillion Village, narininig ko na ang lugar na 'to pero 'di ko alam kung kanino.'

Wala kameng nagawa magkakaibigan kundi mag-doorbelle sa napakalaking gate na'to. May lumabas na katulong.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito.

Pano ko bang sasabihin na kababata ko eh, 'di ko nga alam kung anong pangalan niya.

"Dito ba nakatira ang mga Revillion?" Tanong ko.

"Opo Ma'am, sa katunayan nasa loob po ng bahay si Senyorito, Marco. Tawagin ko lang po. Para siya na ang makausap niyo." Dali-daling umalis sa harapan namin yung katulong.

Di rin naman kame nagtagal na nagintay sa labas dahil may naglalakad na papunta sa harapan namin.

"Ikaw si Anaya, diba?" Salubong na tanong samin nung Senyorito Marco ata.

Tumango ako. "A-ako nga, ikaw ba nagpadala nito?" Tanong ko, ngkakandautal-utal pa.

Natulala ako sa gwapong nilalang sa harapan ko ngayon, anong klaseng tao ang kaharap ko ngayon. Para gantuhin ang sistema ko, ang gwapo niya ang sarap titigan.

Marami naman na akong gwapo nakita, pero iba ang gwapo ni Bryce at ng kaharap ko ngayon. Pero teka bakit kasama ang nilalang na yun, hayy na ko ee.

"Ako nga, natanggap mo pala. Inaasahan ko na ngayon ka pupunta kaya nagpahanda ako ng makakain, nasa loob tara pasok muna tayo." Anyaya niya sakin.

"Ay, oo nga pala mga kaibigan ko nagpasama na ako dahil baka 'di ko mahanap ang bahay-este mansion niyo. Napakalaki kasi." Biro ko.

"Oo kilala ko sila, Ikaw si Elisheva Grace Laviña diba." Turo niya kay Elis, na tumango naman sa kanya. Titig na titig ang gaga.

"At ikaw naman si Briella Antonet Velasco, tama." At turo naman niya kay Bri.

"Ako nga. Ang ganda ng bahay niyo. Kahit wala pa tayo sa loob." Nababasa ang pagkamangha sa mga mata ni Bri.

"Ang totoo niya sa lola at lolo namin 'to. Dito lang ako tumira for a mean time, pinapaayos pa kasi yung condo na lilipatan ko." Sagot niya

Tumango kameng lahat, ang ganda nga ng bahay. Nasa labas pa lang kame nagtatayuan na ang mga bulaklak sumasabay sa pagsayaw ng mga puno dahil sa hangin.

Pagpasok sa bahay siyang mangha naming lahat ng bumungad samin ang napakalaking sala. At nagtataasang chandelir. Ang gaganda, nakikita sa sahig ang mga itsura namin. Pwedeng pwede kang magsalamin.

"Inyo ba talaga 'to, hindi sa presidente?" Tanong ko.

"Oo sa lola namin. Wala lang siya ngayon kaya 'di ko mapatunayan." Natatawa pang sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. Marami na din kameng napag-usapan. Katulad na lang nung nga nagawa na namin nung mga bata pa kame, pero yung iba 'di ko alam kung nakalimutan niya ba o 'di niya lang maalala.

Nasa kalagitnaan kame ng kwentuhan ng mga makaramdam ako ng pag-ihi. Agad ako nagtanong kay Marco, kung nasan ang C.R. Agad niya akong pinasamahan sa isang maid.

Maagap naman na sumunod yung maid. Iniwan na niya ako ng narating na namin yung C.R. Pagpasok ko agad akong umupo sa kubeta dahil ihing-ihi na talaga ako.

Pagtapos ko naghinaw lang ako ng kamay sa lababo at agad na lumabas ng C.R na yun.

Pabalik na ako sa mga kaibigan ko at kay Marco, ng may mabungaran ako ng pigura ng lalaki.

'Kilala ko 'to e? Nakita ko na talaga?'

Mga tanong sa isip ko.

Agad akong lumapit dun sa lalaki na dapat pala talaga hindi ko na ginawa. Isang damuho lang kasi ang makikita ko.

"Ikaw?" Sabay naming sigaw.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

Pati ba naman dito masusundan ako ng damuho na 'to, abuh kakaiba namang small word 'to?

"Diba dapat ako nagtatanong niyan sayo." Nakaturo pa siya sakin. "Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" Pinagkadiinan pa niya talaga yung "bahay ko".

"Hoy, anong bahay. Dito nakatira yung kababata ko. Kaya panong dito ka nakatira?" Natatanong parin ang tono ko.

"Kababata? Yan ba yung iniiyakan mo sa Mini Park nung nakaraan?"

"At bakit gusto mong alamin?" Taas kilay ko na tanong.

"Wala lang." Umiwas na siya ng tingin.

Siya lang din pala ang titigil dapat kanina niya pa ginawa ee. Pinahirapan pa ako magtaray ng kumag na 'to.

"Hello, couz. Nandito ka na pala!" Nakangiting bati ni Marco.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig, magpinsan sila. Bakit?

"Kanina pa Marco, 'di ko alam may bisita ka pala." 'Di ko alam kung tanong ba yun o sa tono lang ng pananalita niya.

"Hmm, this is Ayana Coleen Montecilio and her friends Elisheva and Briella." Pagpapakilala pa niya samin.

Kilala ko na yan, sa sobrang pagkakakilala ko sa kanya. Kilala ko na buong pagkatao niya. Bukod sa babaero ng muka pang manyakis, idagdag mo pang damuho, kumag, tanga.

"Kilala ko na sila." Wala sa sarili niyang sabi. Saka sumulyap sakin.

Agad ko nga siyang sinamaan ng tingin. Pero 'diko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

He winked at me.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now