Hello, Enemy chapter 23

42 2 0
                                    

Chapter 23

Third POV

"Doc, emergency. Nasagasaan ng truck." Sabi ng isang nurse.

"Dalin na yan sa emergency room, dali magmadali." Sigaw ng doctor sa mga nurses.

Nang malapit na sila sa ER, pinigilan ng isang nurse ang magkakaibigan na pumasok sa ER.

"Dito na lang po kayo, Ma'am." Sabi ng girl nurse.

Tumango ang magkakaibigan at inintay ang doctor na lumabas pero hindi napigilan ni Bri, na tumayo para kumprontahin ang mga kaibigan na kasama.

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Bri, sa mga kaibigan. "Ano? Walang sasagot? Mananahimik na lang kayo diyan, habang hinihintay natin magising si Anaya, sa ER. Bryce." Pagtawag niya dito.

"Pwede ba Bri, wag ka ng dumagdag pa. Masiyado ng kumplikado kaya wag mo ng pala---" Hindi natapos ni Eli, ang sinasabe ng sampalin siya ni Bri.

Agad naman na napatayo ang dalawang lalaki at isang babae, na sina Bryce, Marco at Larah. Dahil sa nagiinit na sagupaan ng magkaibigan.

"Maang-maangan kapa, alam naman nating lahat dito na ikakasal kana. Kala mo 'di ko alam. Masiyado kang naging kampante, kasi alam mo walang nakakalam. Pero bakit nga ba biglang magpapakasal si Elisheva Grace Laviña?" Tanong ni Bri. "Ano, bakit 'di ka makasagot? Gusto mo sabihin ko kung bakit magpapakasal ka na ngayon." Nagbabantang usal ni Bri.

"Wala kang alam, kaya tumahimik ka diyan." Usal ni Eli.

"Matagal na akong nanahimik Eli, sa sobrang pagtahimik ko yung mga kaibigan ko nasasaktan ko na." Huminto saglit ang babae. "Bakit 'di mo sinabe? Bakit ayaw mong malaman namin? Sa tingin mo magbabago yung tingin namin sayo. Kaibigan ka namin Eli, kaya kahit ano kapa tanggap namin." Naluluhang usal ng huli.

"Tumahimik kana Bri, ayoko pagusapan yan ngayon. Ayoko marinig yang mga salitang yan mula sayo." Naiiyak na usal ni Eli.

"Hindi, gusto ko maintindihan kung bakit dimo sinabe samin ang totoo. Bakit itinago mo ang totoo. Magsalita ka Eli. Makikinig naman ako--" Dina natapos ni Bri, ang sasabihin ng putulin ni Eli, ang kanyang sinasabe.

"Oo na, sasabihin ko na ang totoo. Buntis ako." Nanlaki ang mga mata ni Bri, dahil tama ang hinala niya sa kaibigan. Hindi man siya nagsasalita pero alam niya lahat. "Si Marco, ang Ama kaya pilit inaayos ng Pamilya Revillion ang kasal namin dahil kahihiyan yon sa Pamilya nila. Ganoon din ang kay Bryce, isa sa dahilan kung bakit ayokong ipaalam sa inyo, dahil baka isipin niyo na disgrasyada akong babae, sa ating lahat ako lang naman ang mahina. All this time, lagi tayong nakakampi kay Anaya, kaya natakot ako magsalita." Humikbing usal ng babae.

"Pero huli na bago marinig ni Anaya, ang lahat ng lumalabas diyan sa bibig mo. Ayon siya, nakaratay sa higaan ng ER, habang tayo nagaaway dito habang may kaibigan tayong nanghihingalo sa loob ng kwartong yan." Naluluha na ding sanaysay ni Bri.

"Nagtry akong kausapin siya pero di niya ako pinakinggan, hindi siya handa marinug ang lahat ng sasabihin ko. Sana mapatawad niya pa ako." Si Eli.

"Sana nga, baka sa susunod hindi ka na niya kilala bilang kaibigan." -Bri.

Umalis si Bri, sa harap ng mga kaibigan at lumabas ng hospital, kinuha ang cellphone sa loob ng bag at tinawagan ang parents ni Anaya, para balitaan sa ngayari.

Hindi nagtagal nakarating ang magaama. Agad sinalubong ni Bri, ang pamilya Montecilio. Agad siyang nagmano sa parents ni Anaya.

"Pasensiya na po Tito, Tita. Si Anaya po kasi nasa ER, nasagasaan po siya ng Truck." Naiiyak na sanaysay ng babae.

"Diyos ko, anong nangyari sa anak ko." Maiyak na usal ng ginang. Agad na sinaluhan ng ginoo ang kanyang asawa.

"Hinihintay po namin ang sasabihin ng doctor, tara po sa taas." Usal ng babae.

Sumunod ang pamilya Montecilio, kay Bri. Papunta ER, gusto nilang marinig ang sasabihin ng lalaking doctor na umasikaso kay Anaya.

Hindi rin nagtagal pagbalik nila siya namang labas ng doctor sa Er. Hindi maganda ang pagkakangiti ng doctor ng lumabas ito, kaya kinutuban na sila.

"Family of the patient." Ang doctor.

"Ako po ang Ama." Usal ng Ama ni Anaya.

"Mr, Montecilio, dadaritsuhin ko ho na kayo. Hindi po maganda ang lagay ng inyong anak. Base sa nakita namin sa ulo niya ay nagkaroon ng basag ang bungo niya, so meaning pwede po sumailalim ang inyong anak sa sakit na amnesia. Ang mas malala pa ho nito, nasa comatose stage po ang anak niyo sa ngayon.." Usal ng doctor.

"Magigising pa ho ba siya Doc?" Tanong ng ginang.

"Mrs, Montecilio, desisyon na po ng katawan ng anak niyo kung gusto pa niya magising. Pag hindi pa siya nagising ng 3-4 days, I'm sorry, katawan na po niya ang bumigay." Anang ng Doctor.

"Diyos ko po, wag naman po sana." Usal ng ginang.

Nagkatingin ang magasaw bago nagsalita ang Ginoo. "Salamat ho, Doc." Usal ng Ama ni Anaya.

"Sige, mauna na ako. Puntahan niyo lang ako sa clinic kung may kailangan pa kayo." Tumango silang lahat bago ito umalis sa kanilang harapan.

Hindi magkamayaw ang pamilya Montecilio, dahil sa nangyari sa unica hija nila. Di nila alam kung magigising paba ang anak nila. Pero sana magising pa, dahil hindi nila alam ang kanilang gagawin kung malagasan pa sila ng isang myembro ng pamilya.

"Ililipat na po sa ICU, ang pasensyente. 2-3 per head lang po ang pwede pumasok sa loob." Usal ng nurse.

Tumango silang lahat. Ng lumabas si Anaya, sa ER, may benda ang ulo nito at puno ng tubo. Agad na napahagulgol si Mrs, Montecilio ng makita ang anak. Yakap yakap naman ni Mr, Montecilio ang asawa.

Maayos naman na lipat ng mga nurse si Anaya, sa ICU. Sa hindi inaasahan may biglang dumating na isa pang ginang, kasama ang asawa nito.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now