Hello, Enemy chapter 30

48 2 0
                                    

Chapter 30

Maaga ako nagising kinabukasan para makapaghanda pa ako. Nagulat nga ako dahil gising na din sila Mama, e di naman sila tutuloy sa simbahan. Daritso reception na kasi sila. Para doon magintay, nung una nga ayaw ko pa dahil ako lang pupunta magisa doon sa simbahan.

Bumaba ako para magalmusal muna dahil maaga pa naman talaga 7:00 am lang kaya. Mamayang 9:00 pa ang kasal. Kaya may panahon pa ako para magayos mamaya. Nang matapos ako sa pagkain umakyat na ako sa taas para magayos.

Naligo lang ako saglit at tumutok na sa salamin na malaki. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung gusto ko pa ba pumunta o hindi na. Baka kung ano kasi ang maisigaw ko mamaya. Mag karoon pa ng eksena.

Pero ang sarili ko na ang sumunod. Hindi ang utak ko. Ano ba nagiisip pa ako ee. Tinuloy ko ang nais ng  sarili ko, nagayos ako hanggang sa nag kakulay ang mukha ko. Kanina kasi pale. Nagblower din ako ako ng buhok at inipitan ito ng bun.

Umalis ako sa harap ng salamin para makita yung damit na ayoko naman talaga suotin, dahil maiisip ko na naman na sana sinunod ko yung gusto ko, edi sana hindi ako nasasaktan. Tinuloy ko buksan ang napakalaking box, ako'y nagtataka kung bakit ganito kalaki ito. Eh pangabay ang susuotin ko hindi gown. Pagbukas ko ng box, agad nanlaki ang mga mata ko. Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Mama.

"Ma!" Pagtawag ko.

"Coleen, bakit?" Nakita ko si Mama, sa kusina.

"Ma, bakit gown yung nasa kahon na susuotin ko. Abay ako, hindi ako yung ikakasal?" Nakatingin ako kay Mama, habang sinasabe ko yan.

"Anak, hindi ko rin alam. Hayaan mo na, isuot mo kung ano ang ibinigay nila. Wala namang mawawala." Nakangiting usal ni Mama.

Wala akong nagawa kundi ang umakyat sa taas at titigan muli ang box, kumpleto ang nasa loob ng box. May stilletos, Vail and Gown. So, ano to baka ang labas nito kabit ako. Napapailing ako inilabas ang Gown.

Pagtayo ko siya namang may paghulog ng envelope sa loob nanggaling mismo sa loob ng Gown. Kinuha ko at inusisa may sulat akong nakita.

Dear Coleen

I know I made a wrong decision to surprise you today, especially since you still haven't forgiven me for what I did. But this is the only right way to come back to me, Anaya. I want to marry you, I can do all this, I can correct all my mistakes, just come back to me.

It's about my family and your family. They all agreed, I'm just waiting for your answer. So even though I've made a lot of mistakes with you, I'm ready to change that. Just marry me Anaya.

Eres mi enemigo favorito, Anaya. No me cansaré de pelear contigo todos los días.

Te amo, Anaya.

Ps: Casver...

Tumigil ako sa pagbabasa ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa aking mga mata. So, all this time pinagtutulungan na naman nila ako. Ano ba yan kainis.

Tumakbo ako palabas ng kwarto habang kapit-kapit ang envelope sa kamay ko. Lumabas ako ng bahay, tinatawag pa ako ni Mama, pero hindi ko sila pinanansin. Mas may importante akong pupuntahan.

Pagdating ko sa kalye pumara agad ako ng taxi, habang nakasakay sa taxi, tinawagan ko si Bri, alam kong alam niya kung nasan si Bryce, kaya sa kanya ako magtatanong. Saglit na ring lang ay sinagot niya na agad.

"Hello, Bri. Alam mo diba kung nasan si Bryce?" Tanong ko.

["Bilis naman, nabasa mo agad. Oo alam ko. Nasa Falls, siya ngayon bilian mo iniintay ka niya."] Saglit lang at pinatay ko na ang tawag.

Nakangiti ako ng sabihin ko sa driver kung saan ako. Saglit lang ang byahe ng makarating kami. Libo-libong kaba ang nararamdaman ko ngayon. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Nagbayad ako sa taxi at bumaba na. Dumaritso ako kung saan madalas ko ayain si Bryce, tuwing pupunta kami dito. Pero ng marating ko yun, hindi ko siya nakita.

Nasan yun. Wag mong sabihin na naisahan na naman ako. Bagsak ang balikat na tumanaw ako sa Falls, kala ko makikita ko siya dito. Paalis na sana ako ng may tumikhim sa likod ko.

Paglingon ko siya namang untog ko sa matigas na dibdib, muntikan pa akong mahulog. Pero agad naman niya akong nasalo.

"Hindi ka parin talaga nagbabago. Lagi ka na lang bang maa-out of balances sa lugar na to." Nakangisi niyang usal.

"Ikaw din, hindi ka bang nagsasawang saluhin ako pag-na out of balances ako." Panggagaya ko sa tono niya.

"Hindi, kasi Eres mi enemigo favorito, Anaya." This time nakita ko na ulit ang ngiti niya.

Ang tagal kong hindi nakita yan, simula makaalala ako. Lagi pag tumitingin siya sakin, ang sama ng mga mata niya. Yun pala may plano siyang gawin. This time alam kong talo ako sa kanya.

Handa ako maging defeat para lang makasama siya ng matagal at maramdaman ulit na mahal niya ako. Yan ang kilala kong Bryce, kahit laging talo sa asaran namin kayang ngumiti ng paulit-ulit.

Magsasalita na sana ako ng maramdam ko ang mga labi niya sa labi ko. Ngayon ko na lang ulit natikman yan. Agad pumikit ang aking mga mata at dinama ang pagmamahal niya.

Agad din kaming naghiwalay ng maubusan ng hangin. Tumungin ako sa mga mata niya na ngayon ay punong puno ng saya. Hinawakan ko ang pisngi niya at dinama ang init nito. Namiss ko kaya ang lalaking kaharap ko.

"Eres mi enemigo favorito, Bryce." Nakangiti kong usal.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now