Hello, Enemy chapter 27

37 2 0
                                    

Chapter 27

Kinabukasan sabay sabay kaming buong pamilya na kumakain ng umagahan. Nagpapagitnaan ako ng dalawang kong kapatid na kambal. Nasarap ang umagahan namin ng maalala ng dapat kong itanong kay Mama at Papa.

"Ma, Pa. Kahapon galing ako ng Mall, may nakita akong mga tao na sinasabe na An...uhm Anaya, ang tawag nila sakin, pangalan ko din po ba yon?" Tanong ko.

"Oo anak, Anaya Coleen. Ang pangalan mo. At kung sino man yung nakakilala sayo, baka iyon ay yung mga kaibigan mo. Hindi ko na kasi sinabe sa kanila na nakauwi kana dahil baka mabigla ang ulo mo sa mga sasabihin nila sayo. Pero kung gusto mo sila makita papapuntahin ko sila." Si Mama.

Agad naman akong umiling, ayoko muna sila makita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang gusto kong makita ngayon ay si Casver, ang kababata ko.

"Ayoko muna Ma, sa ngayon gusto ko maalala ang lahat ng nangyari at kung sino ako ngayon." Usal ko kay Mama.

"Oo anak gagawin natin yan, tapusin mo muna ang pagkain mo at kukunin ko ang lahat ng album natin at ipapakita ko sayo." Tumango naman ako kay Mama.

Tama nga ang sinabe ni Mama, dahil nandito kami ngayon sa terrace habang pinapakita ni Mama ang lahat ng Album namin. Ang iba ay tanda ko, kung saan at kailan kong nakilala ang kababata ko. At san kami madalas tumambay dito sa bahay namin.

Pero ang iba na nitong mga nakaraan na nangyari ay hindi ko matandaan. Ano nga ba ang nangyari bago ako na-coma ng dalawang taon.

"Ma, bago ako na coma anong nangyari?" Tanong ko.

"Mahabang kwento anak, baka mahirapan kang makaalala." Nakangiting usal ni Mama.

Nagkekwentuhan kami ni Mama, sa taas ng biglang tumawag si Papa sa baba. Sabay kaming bumaba ni Mama, yun pala ay may bisitang dumating.

"Magandang umaga po, Tita Ailyn." Nakangiting usal ng babaeng nakita ko kahapon. Lahat ng nakita ko ay nandito, at saka si Baby Leigh.

"Hello po." Bati nito sakin, agad naman akong napangiti.

Tumingin sakin si Mama. "Anak, Coleen. Sila yung mga kaibigan mo. Bago ka ma-coma." Si Mama.

Napatingin naman ako kay Mama. "Ma, sila din yung nakita ko kahapon." Usal ko.

"Ganon ba, anak wala ka naman naramdaman nung makita mo sila?" Tanong nito sakin.

"Wala naman po, pwera lang po don sa lalaking may chokolateng mata, nakita ko na po ba siya?" Tanong ko.

Nagkatinginan naman silang lahat pati nadin yung may chokolateng mga mata. Tumungin naman ito sakin, agad akong ngnitian.

"Bryce Lucas." Lahad nito ng kamay sakin.

Kakapit na ako sakanya ng maramdaman kong kumirot ang ulo ko, pero hindi ko pinahalata yun kay Mama, dahil baka magaalala sila sakin. Kinapitan ko ang kamay niya ng mapaluhod ako bigla.

Agad naman akong nasalo nung nagpakilalang Bryce. "Okay ka lang?" Tanong nito sakin.

"Ayos ka lang Anaya?" Tanong din nung babae na nakita ko kahapon.

"Ang sakit ng ulo ko." Mahina kong usal, hanggang sa nawalan ako ng Malay.

-----

Pag gising ko ay nakahiga na ako sa kama. Nakita ko si Mama, sa tabi ng kama ko. Tumayo ako at nakita kong hindi lang pala kami ang nasa loob ng kwarto ko. Nandito din kasi ang sinasabi nilang mga kaibigan ko daw.

"Coleen, okay kana ba? May nararamdaman kang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.

"Okay lang po ako Ma, kanina ay medyo masakit ang ulo ko." Usal ko.

"Inumin mo muna itong tubig." Pinakalma ako saglit nila Mama.

Hanggang sa may sinabe saglit isa sa mga kaibigan ko daw. Umalis saglit sila Mama at Papa at naiwan kami lahat dito magkakaibigan.

"Anaya, ako si Bri, at si Eli at Marco. Mga kaibigan mo kami. Gusto namin na malaman mo na masaya kami dahil bumalik ka." Nakangiti nitong usal.

Nakatingin lang ako sa kanila, iniintindi ko pa mabuti ang kanyang sinasabe. Bakit nga ba nakalimutan ko sila, dapat ay makilala ko sila dahil importante sila sakin.

"Kayo ba may alam bago ako ma-coma?" Tanong ko. Pero nagkatinginan lang sila lahat. "Si Mama kasi ay ayaw niyang sabihin lalo na yung naging dahilan." Dagdag ko.

"Anaya, sa ngayon kasi kailangan muna natin dahan-dahanin ang mga dapat mong maalala para hindi ka mabigla." Si Bri.

Tumango ako sa kanila. Dito na nagtanghalian ang mga kaibigan ko. Nang matapos kami ay tumulong sila sa pagaayos pero ayaw nila ako patulungin, baka daw mapaano ako.

Kaya lumabas akong bahay, hindi ko naman inaasahan na may kasunod pala ako. Yung may chokolateng mga mata, Bryce, ang pangalan na naaalala ko sa kanya.

"Masaya ako at nagising kana. Pero masakit na makita kang hindi mo ko naaalala." Hindi ko alam kung saakin ba siya nakatingin.

Tumingin ako sa gilid niya. "Ano ba ang dapat kong maalala sayo kung sakali mang na nakakaalala na ako?" Tanong ko.

"Lahat, para hindi kana mahirapan." Nakangiti niyang usal. "Gusto kitang mahalin kahit hindi mo ko kilala, Anaya, dahil gusto ko ako lang ang taong mamahalin mo kahit hindi mo na talaga ako kaya maalala." This time nakatingin na siya sa mga mata ko.

"Bakit, mahal ka ba nung Anaya, noon?" Tanong ko.

"Sabi niya, pero naniniwala ako. Dahil nararamdaman ko. Ganoon din ako sa kanya. Please Anaya, sana mapatawad mo ako kung ano man ang kasalan ko sayo noon." Hindi na siya nakatingin sa akin ngayon.

"Gusto kong hilumin kung ano man ang masakit diyan sa puso mo ngayon, pero hindi ko alam kung pano dahil wala akong maalala. Pero kung ano man ang nangyari ay baka mapatawad ka pa niya, hindi man ngayon baka sa susunod." Nakangiti kong usal.

"Salamat, nabawasan ang pangamba sa puso ko ng dahil sa sinabe ko." Tumango ako sa kanya.

Pumasok narin kaming dalawa sa loob. Tinatawag nandin kasi kami ni Mama, dahil mahamog na sa labas. Naabutan namin sila sa sala at doon narin naki-upo.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now