Hello, Enemy chapter 21

37 3 0
                                    

Chapter 21

Maaga natapos ang klase namin, kaya maaga din kame makakapunta kala Marco, dumaan muna kame ni Bri, sa bahay para magpalit at saka kame pupunta doon. Dumaan pa kame saglit magkaibigan sa bilihan ng prutas, baka kasi nandoon ang Pamilya ni Marco. Atleast may dala kameng pasalubong.

Sumakay kame ni Bri, ng taxi at nagpahatid sa Revillion Vilage. Makalipas ang kalahating oras papasok na kame sa Village. Nasa malaking gate na kame ng mapansin kong madaming sasakyan sa garahe, hindi lima kundi pito. Maliban dun sa ibang sasakyan sa gilid na iba-iba ang brand.

"Ang daming sasakyan, ano kayang meron?" Tanong ni Bri.

"Hindi ko alam, Bri wala naman akong maalala na may magbi-birthday sa Pamilya ni Marco." Usal ko.

"Wag na kaya tayo tumuloy. Baka andiyan yung Pamilya nila." Nagaanlinlangan ang tono ni Bri.

"Andito na tayo, pati sayang yung bayad sa taxi. Mahal kaya." Pagpupumilit ko.

"Sige na nga, pero mauna kana. May tatawagan lang ako." Tumangi naman ako sa kanya.

Umalis si Bri, sa tabi ko lumipat sa malayo. Ako naman hinanap ang doorbell, at pinindot yun. Nakakadalawang pindot pa lang ako ng lumabas ang isang maid nila dito. Agad ako nitong nginitian.

"Magandang hapon po, manang." Bati ko.

"Magandang hapon, din hija. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Manang.

"Bumibisita po, andito po ba si Marco?" Tanong ko.

"Nasa loob hija, kasama ang kaibigan mo. Ang alam ko nga ikaw ang girlfriend ng alaga ko, iba pala." Natatawa pang usal niya.

Ako naman tameme sa gilid, may girlfriend si Marco, at mas malala pa dito kaibigan ko pa. Tama ba ang narinig ko o guni-guni lang.

"Manang, wala pong girlfriend si Marco. Pati sino pong kaibigan ko ang tinutukoy niyo?" Tanong ko.

"Hija, matagal na ako sa mansiyon na ito, simula bata ako na ang nag-aalaga kay Senyorito Marco, kaya alam ko kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Pati yung kaibigan mo nakalimutan ko ang ngalan niya." Si manang.

Tumango na lang ako sa kanya. Kahit naguguluhan parin. "May bisita po ba sa loob?" Tanong ko.

"Ayy oo hija, hindi ko nasabi sayo. Dumating kasi ang Fiance ni Senyorito Bryce, kanina lang kaya nagpahanda ang Mommy niya at Lolo at Lola niya." Ngiting-ngiti si Manang.

Ako naman ang laki ng pagkakabukas ng mata, may Fiance si Bryce. Agad naman akong may naramdaman na kung anonsa dibdib ko. Bakit hindi ko alam? Pati bakit ko nga ba dapat alamin.

E sa una pa lang magkaaway na kame ni Bryce, hindi kame bagay. Isang siya mayaman na tao sa mundo ako naman may kaya lang. Pati gwapo siya aminado ako doon, pero maganda kaya ako.

Ayoko isipin na totoo ang sinasabe ni Manang, malabo kasi ang sinasabe niya. Alam ko, ramdam ko na totoo lahat na ipinapakita ni Bryce, sakin. Alam kong gusto ako ni Bryce.

Kaya malabo na may Fiance na siya. Dapat kung gusto niya ako, ako lang dapat ang pwedeng babae na lumapit sa kanya, ako lang. Kasi ako mahal ko na siya, kaya hindi pwedeng may Finace si Bryce.

"Hija, tutuloy ka pa ba?" Kuhit sakin ni Manang.

Nalulula man, pero nakatango parin ako kay Manang. Pinatuloy niya ako sa mansiyon, pero sa ibang way na siya dumaan.

Kahit nalulula parin ako sa mga narinig na may girlfriend si Marco at may Fiance si Bryce. Nagawa ko paring maglakad ng daritso. Nakapasok parin ako sa mansiyon ng mga Revillion.

Paakyat na ako ng pinto ng maulinagan ko sa pinto na may tao sa sala. Sumilip ako bago buksan sana ang pinto ng makita ko si Eli, sa loob. Kasama ang Pamikya ni Marco, Bryce at Eli.

Magkatabi si Marco at Eli, sa upuan habang si Bryce naman may katabing babae. Yun yata ang Fiance niya. Makikita sa mga mata ng lalaki na okay sa kanya ang ginagawa nila. Natigil lang ako ng magsalit ang lalaki na nakaupo sa unahan. Sa pagkakaalam ko yun yata si Don Fransisco, ang lolo ni Bryce at Marco.

"Nagpagkasunduan ng dalawang Pamilya na mauunang ikasala si Bryce at Larah, sa simbahang malaki at sa susunod na taon ay si Marco at Eli. Matagal na ang kasunduan na ito. Kaya wala ng magagawa ang dalawa pang pamilya na humindi." Si Don Fransisco.

"Lo, pano naman yung gusto ko. Ayoko pa matali." Si Bryce.

"Bryce, unang una sa lahat ayoko sinusuway ang aking nais kaya sumunod ka na lang. Pati nakakahiya sa Pamilya Anderson. Matagal na napag-usapan ang planong ito. Kung bakit ba naman hindi ka nakikinig, edi sana walang mangyayaring ganito, ikaw ang sumuway, hindi kame. Marami ang ang nagsasabi sayo na tumigil ka sa ginagawa mo, pero hindi ka nakinig kaya sumunod ka."

Walang nagawa si Bryce, ng tumataas na ang boses ng Don. Bakit ano ba ang ginawa ni Bryce, noon at kailangan niyang pagbayaran yon ngayon. Tumayo ang Don sa upuan at umakyat sa ikalawang palapag.

Nagalisan ang lahat ng Pamilya at sumunod na sa ikalawang palapag. Para magpahinga yata. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok sa pintuan na ito.

Lalo na dahil sa aking mga narinig. Dapat ko ba talaga na marinig ang lahat ng iyon, ang sakit lang na mauunang ikasala ang taong mahal mo sa iba. Pati ba naman ang kababata ko ikakasal na din. Pero bakit hindi ko alam, at ang mga malala pa sa kaibigan ko pa. Bakit hindi sinabe samin ni Eli?Bubuksan ko na sana ang siradura ng magsalita si Marco.

"Umamin na tayo kay Anaya, ikakasal kana Casver. Hayaan mong malaman na niya ang totoo." Rinig kong usal ni Marco.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now