Hello, Enemy chapter 18

33 2 0
                                    

Chapter 18

Matapos magluto kumain na rin kame para makapag-babad kame sa talon. Nagpasama sakin si Eli at Bri, para magpalit. Kanina ko pa kasi sinasabi ng suotin na nila yung swimmsuit para huhubarin na lang nila yung nakapatong e.

Sinamahan ko sila sa malapit na CR, na matatanaw mo rin naman agad. Sa labas na lang ako nagintay habang sila ay nagbibihis na sa loob.

Nang matapos bumalik lang kame sa mga boy's. Parehas na two pieces ang suot na dalawa. Magkaiba nga lang ang kulay. Pabalik na kame ng harangin ako ni Bryce.

"Ikaw hindi ka maggaganon." Nakatingin siya kala Eli at Bri.

"Bryce, hindi naman ako nagsusuot ng ganon." Hampas ko sa kanya.

"Bakit, bagay naman sayo a. Maputi ka medyo matangkad, maganda." Ngayon nakatingin na siya sakin. Agad naman may gumuhit na ngiti sa labi ko.

"Eh, ayoko ng ganon. Masakit sa mata." Pagmamaktol ko.

"Edi ako tignan mo para hindi masakit sa mata." Nakangisi niyang usal.

"Mas masakit Bryce." Natatawa kong saad.

"Talaga lang ha." Sabay halik sa pisngi ko.

Agad naman akong nagulantang dahil sa ginawa niya. "Bryceeeee...." Sigaw ko, habang hinahabol siya.

Nakarating kame sa mga kaibigan ko, at agad ko siyang hinablot sa balikat. Pero ang ginawa ko, parehas kameng nahulog sa talon. Agad naman na may pumulupot na braso sa bewang ko.

Ang bagsak namin ay sa tubig... Basa na tuloy ako. Sabi ko mamaya pa ako tatalon e....

"Nakakainis ka Bryce." Umahon kame ng nakayap parin ang braso niya sakin.

"Nice, ang kulit mo kasi e." Natatawang usal niya.

Agad ko naman siyang tinamsikan ng tubig sa mukha. Agad din naman siya gumanti. Habang naggagantihan na lang kameng dalawa. Hindi nagpatinag si Bryce, dahil bigla na lang niya ako hinigit at sabay kameng lumubog. Ang bigat kaya niya.

Agad ako umahon ng makaramdam ng hindi makahinga. Pero sa pagkakataon na yun ako lang ang umahon. Nasan si Bryce.

"Bryce... Bryceee.... Nasan ka." Sigaw ko.

Pero walang Bryce, na nagpakita. Nasan na ang damuhong  'yon. Iniwan ako dito mag-isa. Agad ko naman nakita si Bri, Eli at Marco na nakatingin sakin.

"Anaya, bakit sigaw ka ng sigaw?" Tanong ni Bri.

"Nakita niyo ba si Bryce?" Tanong ko.

"Diba ikaw ang kasama niya kanina pa." Sagot ni Eli.

"Oo nga e, pero wala siya dito. Hindi niyo ba napansin na umahon?" Tanong ko.

"Wala naman, baka andiyan lang yon. Lumalangoy." Si Marco.

Tumango-tango ako sa kanila habang naghahanap parin. Hanggang sa may humigit sakin pailalim. Doon ko lang din naramdaman ng may malamig na bagay na lumapat sa mga labi ko.

Agad akong napapikit dahil sa pagkakaalam na si Bryce, yun. Ayaw ko man tanggapin sa sistema ko. Gusto ko ang ginagawa niya. At gusto ko din siya, ay mali mahal ko 'tong lalaking nasa harap ko.

----------

Maaga kameng umuwi, bandang alas-singko na. Walang tao sa bahay ng dumating kame, pero kala ko lang pala 'yon. Yung kambal kong kapatid andito.

"Ace, sila Mama?" Tanong ko sa isang kambal.

"Nasa groceries ate. Bumibili ng kailangan bukas." Sagot niya sakin.

Tumango lang ako sa kanya at umakyat na sa kwarto ko. Yung mga kaibigan ko at yung magpinsan ay naiwan sa labas may pag-uusapan daw sila.

Nagpalit ako ng damit at bumaba na agad. Naabutan kong naghahain ng sila Eli at Bri. Kakain lang namin tapos pakain na ulit ee.

"Dumating na sila Mama?" Tanong ko sa kanila.

"Wala pa, Anaya. Baka kakaalis lang ng mga iyon. Kaya naman mauna na tayong kumain." Si Bri.

"Pakitawag na lang yung dalawa sa labas." Usal ni Eli. Tumango ako sa kanila at lumabas na.

Naabutan ko yung magpinsan sa may bakuran namin, seryosong naguusap. Palapit na ako ng may biglang nagudiyok sakin na wag maingay, gusto ko silang gulatin na dalawa.

"You have no intention of letting her know?" It's Marco.

"For what else, this is okay. I'm happy with her." Bryce said.

"Anong pinaguusapan niyo?" Sabay na lumungon ang dalawa mula sakin.

"Anaya, ginugulat mo kame." Si Marco.

"Sorry, parang masiyadong importante ang pinaguusapan niyo at ayaw niyo sa loob pagusapan." Seryosong usal ko.

"Dahil hindi mo naman pwedeng malaman yon." Biglang akbay sakin ni Bryce.

"Tara na nga kakain na." Usal ni Marco.

Umiiling ako umusad sa kinatatayuan ko. Habang akbay-akbay sakin si Bryce. Magkatabi kameng dalawa na dumulog sa hapagkainan.

"Kala ko mamaya pa kayo papasok." Si Eli. "Bakit kasi hindi niyo na lang dito sa loob ng bahay pagusapan yang importanteng bagay?" Dagdag na tanong ni Eli.

"Isa kapa masiyado talagang matanong ang mga babae, kumain ka na nga lang." Si Marco, habang pinagsasandukan ng pagkain si Eli.

Masaya kameng kumain magkakaibigan hanggang sa nauwing asaran namin ni Bryce, hindi talaga nabubuhay ang tao pag-walang kaaway ano. Isa na 'tong katabi ko. Kanina pa ako inaaway.

Natapos kame sa pagkain siya saktong dating nila Mama at Papa. Tinanong ko sila kung kakain sila pero ang sabi nila katatapos lang. Masaya kinewento sakin ni Mama, na excited na daw siya para bukas. Baka daw kasi dumating ang matalik niyang kaibigan.

Pero hindi ko pa nga pala naitatanong yun kay Marco, kung dadating ba ang Mommy niya. Sana naman ay dumating ayokong paasahin si Mama. Baka magbago ulit ang mood at mag-walk out.

Bukas na lang maaga naman akong gigising para matulungan si Mama. Umakyat na ako sa taas para matulog. Hindi, na sakin tatabi si Bryce, dahil ipinahiram na ng kambal ang kwarto nila kay Bryce.

Naglinis at nagbihis lang ako saglit at nahiga na sa kama. Agad akong nakaramdam ng antok kaya nakatulog ako ng mabilis.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now