Hello, Enemy chapter 26

37 3 0
                                    

Chapter 26

Nang magising ako kanina ay Alasdose na ng tanghali. Pero hindi sagabal yun para hindi ko makita si Casver, ngayon. Bumaba ako sa sala ng nakabihis. Nagulat pa sila Mama.

"Saan ka pupunta Coleen?" Tanong ni Papa.

"Kala Casver po." Nakangiti kong usal.

"Pero anak kakarating lang natin. Tapos aalis kana." Si Mama.

"Pa, Ma, kaya ko na po. Strong kaya ako. Pati saglit lang naman po ako, gusto ko siya sorpresahin." Nakangiti kong usal.

Walang nagawa si Mama at Papa, kundi ang pumayag. Pupunta ako sa kabilang kanto pupuntahan ko yung bahay nila. Baka kasi nandoon sila ngayon.

Pagkarating ko doon nakasarod ang gate at mga bintana. Hanggang sa may lumabas na kapit bahay tinanong ko kung may tao ba. Pero ang sagot niya ay...

"Umalis ang may ari ng bahay Hija, kanina pang umaga. Ang alam ko uuwi yata ng Manila. Pero dalawang tao lang iyon." Usal nito.

Tumango ako don sa kapit bahay at umalis ng malungkot. Pero hindi parin ako umuwi, nagpunta ako sa malapit na Mall, dito samin. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya tatambay muna ako doon at magpapalamig na din.

Tuloy-tuloy ako sa loob ng Mall, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa mapadpad ako sa arcade ng Mall. Papasok na sana ako ng may mabunggo akong batang babae.

Napaupo ito sa sahig na agad ko namang nasalo. Paiyak na sana ito ng buhatin ko siya. Agad akong napangiti ng ngumiti ito sakin. Nasa 3years old ang tansya ko sa edad ng bata.

"Bakit naman naggagala ka magisa. Nasan ang mga magulang mo?" Tanong ko dito.

"Mommy, Daddy." Sigaw nito.

Pero wala naman akong nakikitang tinatawag niya. Hanggang sa naisipan ko siyang dalin sa isang restaurant para kumain. Mamaya ko na lang hahanapin ang mga magulang ng batang ito, qyut naman siya kaya pag walang naghanap sakin na lang.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa bata.

"My name is Leighton Savannah. Can you please bring Mommy here?" Tanong niya sakin.

Agad naman akong ngumiti. "Sure, finish your food muna. Tapos hahanapin natin si Mommy mo." I said.

Masaya kami kumakakain na dalawang hanggang sa matapos na. Ang sarap kumain ng batang ito, sana magkaanak din ako ng katulad niya. Ang qyut, medyo Pamilyar sakin ang remembrance ng batang ito pagtinititigan ko.

"I'm done, can you please bring Mommy here now?" Paguulit na tanong nito sakin.

Tumango naman ako sa kanya. Nagtawag ako ng waiter at nagbayad na. Pinababa ko siya sa upuan at lumabas kami ng restaurant. Nakapit ang maliliit na kamay niya sakin.

Nagiikot lang kaming dalawang ni Leigh, ng may humigit nito mula sakin. Nagsusumigaw naman si Leigh ng Mommy Daddy. Agad akong napatingin sa mga taong nakapalibot samin. Dalawang lalaki at tatlong babae ang nabungaran ko.

Makikita sa mga mata nila ang gulat ng humarap ako. Bakit, may dumi ba ako sa mukha. Kaya kinapitan ko ang aking mukha pero wala naman akong nakapa. Inalis ko ang iniisip at tumingin ulit sa kanila.

"Kayo ba ang magulang ng bata? Wala kasi siyang kasama kanina kaya isinama ko na muna." Nakangiti ko usal.

"Anaya, you awake? Kailan pa?" Tanong nung lalaking may kulay chokolateng mga mata.

"Ako ba yun tinatanong mo?" Tanong ko pabalik.

"Yes, ikaw si Anaya. Kaya ikaw ang tinatanong ko." Nakangisi nitong usal.

"I'm sorry, mister pero hindi ho Anaya, ang pangalan ko. Ni hindi nga kita kilala. Sino ba kayo? Ang saakin lang naman ibabalik ko yung bata, kung kayo ang mga magulang niya." Usal ko.

"Anaya, hindi mo kami nakikilala?" Tanong nung isang babae sa dulo, maganda siya.

"Anaya, na naman. Hindi ko naman kilala kung sino yun. Ang pangalan ko ay Coleen." Pagpapaintindi ko sa kanila.

"Anaya o Coleen, ang pangalan mo pero namiss kita. Sabi ko na nga ba ay babalik ka at gigising muli." Agad na dumamba ng yakap ang babaeng nasa dulo kanina.

Pero hindi ko agad nagawang pigilan ang pagyakap niya dahil may nagsasabi sa puso ko na kilala at miss na miss ko na ang babaeng itong nakayakap sakin. Inilihis ko ang kamay ko doon sa babae para mayakap ko din siya. Ang saakin lang naman ay para hindi mapahiya ang babae na yakap ko.

"Pano mo nalaman na galing ako sa matagal na pagtulog?" Nagtataka kong tanong sa babae na kaharap ko.

"Kasi isa ako sa mga kaibigan mo, hindi mo ba talaga ako nakikilala. Pati ang necklase na binigay ko sayo ay suot mo na." Nakangiti siyang nakatingin sa necklase na suot ko.

"Sayo ba galing ito, pag gising ko kasi nasa higaan ko na ito, hindi naman alam ni Mama kung kanino galing?" Tanong ko.

"Hindi akin yan, ang totoo kay Anaya, yan. Na si Coleen, na ngayon." Nakangiti niyang usal.

Humiwalay ako sa babae. At nagpaalam na aalis na. Pero ang dalawang babae at isang lalaki ay nakatingin lang sakin.

"Paano mauna na ako. Anong oras na kasi, babalik pa ako doon sa bahay nila Casver, hindi ko kasi sila naabutan kanina." Paalam ko.

Agad akong umalis dahil baka magtanong pa sila. Tumingin ako saglit doon sa baby at nginitian ito, kinapitan ko pa ang kamay niya.

"Bye, baby leigh." Paalam ko.

"Babye." Kaway nito sakin.

Nginitian ko sila lahat. Dahil sa sobrang pagod ko hindi na ako nakabalik sa bahay nila Casver, at dumaritso na ako sa bahay. Nakita ko pa sila Mama na naghihintay sa labas ng pintuan namin.

"Coleen, bakit ang tagal mo. Kanina ka pa namin iniintay?" Tanong ni Mama.

"Nagpalamig lang Ma." Usal ko.

Hindi ko na nasabi sa kanila yung mga taong nakita ko kanina. Baka bukas na lang inaantok na kasi ako ngayon. Pinapasok ako nila Mama sa bahay at pinakain.

Uminom lang ako ng gamot bago natulog, pero hindi agad akong nakatulog nga mga oras na yon. Dahil nasa isip ko parin yung itsura nung lalaking nakausap ko kanina.

Bakit ng makaharap ko siya kanina ay parang ang sakit ng mga ginawa niya sakin at the same time, parang minahal at nagkaroon na kami ng ugnayan noon.

Kilala ko nga ba siya noon pa o naguguluhan lang ako ngayon. Pati yung ibang nakaharap ko. Ang saya ng puso ko ng makita ko sila. Lalo na si Baby Leigh, ang cute niya.

Nakangiti akong natulog ng gabing yun, dahil sa ngiti ni Baby Leigh, ng mga oras na yun.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now