Hello, Enemy chapter 14

37 4 0
                                    

Chapter 14

11year's before...

"Uyy bata, bakit ka naiyak?" Tanong ko sa batang lalaki na nakaupo sa labas siguro ng bahay nila.

Tinignan lang ako nito at yumuko ulit. Iiwan ko na sana siya ng may maalala ako. Tumakbo ako kay Mama, at may kinuha sa loob ng bag niya.

Pagbalik ko agad kong nilagay sa tabi nung bata yung bibingka punong-puno ng cheese.

"Aalis na ako bata kainin mo yan a, masarap yan. Dapat pagnakita kita hindi ka na naiyak. Ang panget mo e." Pang-aasar ko sa kanya, habang natawa.

Bumalik ako kay Mama at kumapit sa kamay niya. Nagulat si Mama, dahil bigla akong nawala.

"San kaba galing bata ka!?" Naiinis si Mama, pero nasa tono niya ang pag-aalala.

"May pinuntahan lang Ma." Naiinis din na sagot ko, pero nakatingin dun sa batang lalaki na kapit-kapit ang iniwan kong bibingka na maraming cheese.

Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko...

"Anak, bumaba ka muna diyan. Andito Tita Brenda mo." Sigaw ni Mama sa baba.

"Opo Ma, pababa na." Sigaw ko din sa kanya.

Iisa kame ng ugali ni Mama, kaya okay lang ang ginagawa ko sa kanya. Basta ba hindi ako nakakatapak ng pagkatao ng ibang tao. Walang mangyayari sakin.

Pati kahit may mangyari sakin, kaya ko ang sarili ko. Bumaba ako, naabutan ko sila sa sala. Pero hindi ako doon dumaritso kundi sa kusina.

Naamoy ko kasi ang niluto ni Mamang bibingka. Kumuha agad ako ng tatlo at tumakbo sa sala.

"Ma, bat hindi mo ko tinawag. Nagluto ka pala ng bibingka." Nagmamaktol na sabi ko sa kanya habang nanguya.

"Tignan mo 'tong bata nato. Kanina pa kita pinababa ayaw mo ko sundin." Naiinis din ang tono ni Mama.

"Hayaan mo na, Ailyn. Ganyan na talaga ang mga bata ngayon. Kahit ang unico hijo ko ayaw narin ako sundin." Si Tita Brenda.

Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Tita yung anak mo nasan?" Walang galang kong tanong.

"Nasa labas hija, ayaw pumasok gusto niya daw sa labas." Tumango ako sa kanya at tumakbo na palabas.

Kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang anak ni Tita Brenda, lagi siyang pumupunta dito pero hindi niya sinasama ang anak niya. Ngayon lang.

Hindi ko alam kung bakit naiisipan na sumama nun ngayon. E ang sabi ayaw daw non na laging nasa lansangan. Dahil mainit daw.

Pinasa-walang bahala ko ang aking iniisip at tumakbo palabas. Tinulak ko ang pinto at hindi inaasahan ang-

"Aray, ano ba." Sigaw ng bata sa labas.

May natamaan yata ako, 'AHAHHAHAHA'. Agad akong lumabas ng pinto at nakita ang batang lalaki na nakaupo sa sahig.

"Anong ginagawa mo diyan?" Maang-maangan kong tanong sa kanya.

"Did you push the door!?" Nakasimangot siya ng harapin ako.

"Oy, s-sorry na hindi ko naman kasi alam na nandiyan ka pala. Pati ikaw yung bata dun sa kabilang kanto diba, anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko ng ihip ng hangin.

Pero hindi niya ako pinansin. Kala niya titigilan ko siya manigas siya 'AHAHAHAHAHAH.' bumalik siya sa pagkaka-upo doon kaya naman tumabi ako sa kanya.

"Ikaw yung anak ni Tita Brenda, diba?" Pangungulit na tanong ko sa kanya. "Gusto mo maglaro tayo, tumbang preso o kaya tagu-taguan. Gusto mo baril-barilan, maraming ako non sa loob ng bahay." Pero 'di man lang niya ako tinignan.

"Will you please shut up." Naiinis ang tono niya pero this time lumingon na siya.

"Arte mo naman, wag mo kong iniingles diyan." Naiinis na din ang tono ko.

Inirapan ko lang siya at bumaba ulit ng upuan. Kinuha ko sa lamesa yung bibingka na mainit-init pa. Bumalik ako sa upuan ko na katabi nung kanya.

Pinagkakaabalahan ko yung ng mapansin na nakatingin siya sakin- ay mali sa bibingka pala. Nakaisip agad ako ng gagawin, hindi ko siya inalok tinatakam ko siya habang ako ay sarap na sarap kumain.

"Sarap, buti na lang walang kaha-." Naputol ang  pagmomoment ko ng agawin niya sakin ang platito na merong bibingka. "Ano ba, bat mo kinuha." Naiinis kong sita.

"I wan't this, penge ako wag kang madamot." Napatulala ako dahil sa galing niyang magtagalog. Kung yung pagiingles niya meron ng accents, pano pa yung tagalog na buong-buo na meron pang slang.

Nang mahimasmasan agad kong inagawa sa kanya yung platito. "K-kumuha k-ka sa loob marami don." Utal-utal kong sagot.

Pero inagaw niya din sakin. "But this is what I want, you understand." May diin ang mga salita niya.

"Pero marami nga sa loob, akin 'to." Nagtitimpi ako dito sa lalaking 'to naiinis na ako.

"Let it go and it might spill, there's nothing for the two of us to eat." Tinignan niya ako ng masama, at nakipag-titigan nga ako hanggang sa nag-agawan na kaming dalawa. Walang tumigil saming dalawa hanggang sa natapon yung pagkain. Hindi nga siya nagkakamali.

Bakit kasalan niya din kasi nakikipag-agawan siya. Nakaka-asar sayang yung niluto ng Mama ko.

"I told you, you silly." Dinampot niya ang natapon at ipinagpag niya ito. At kinain na parang walang nangyari.

Hindi ko na dapat siya papansinin ng bigyan niya ako. Kahit natapon yun kinain ko parin para walang sayang. Kahit may kaya ang pamilya namin, dapat hindi parin ako nagsasayang ng pagkain lalo't ang mahal ng sangkap non.

Simula din ng araw na yun, laging na kaming nag-aaway kahit anong klaseng bibingka pa yan. Dahil yun ang favorite namin dalawa. Kaya yung away namin napupunta sa agawan. Kaya pag-natapon kakainin namin kahit marumi na, sayang kaya yun.

[End of flasback]

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now