Hello, Enemy chapter 05

139 66 5
                                    

Chapter 5

Kinabukas, ganon ulit nagising ako dahil sa ingay ng mga kaibigan kong mapapanget. Sa tingin ko ang routine na'to ay tatagal ng habang buhay. Kahit hindi na ako bumili ng alarm clock.

Sila na kasi ang gumigising sa diwa ko, araw araw na pabor naman sakin. Minsan nga lang, wag madalas dahil mahirap yun. Sakit kaya sa ulo, baka gusto nila sila ang bangayan ko ng boses ko, na napakaganda.

"Ayy shala, gising kana ulit. Aga ah." Salubong sakin ni Elis.

"Pano ba naman boses niyo na lang ni Bri, ang laging gumigising sa diwa ko." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Atleast nagigising kapa." Nakangiti pang-aasar niya pa.

Hindi na ako nagsalita pa at dumaritso sa kusina para magmumog. Naghahain naman si Elis, ng umagahan namin. Si Bri, ata ang naliligo.

Matapos kumain, ako naman ang naligo. Tapos na kasi yung dalawa. Agad kameng punasok sa Univ. Pero na sita na naman ako ng guard dahil wala akong ID.

Ganda na sana ng umaga ko, kung 'di ko sana nakita ang damuho. Naglalakad kame ng mga kaibigan ko paakyat na sana ng harangin ako ng kaibigan ni Bryce. 'Di ko siya kilala.

"Bry, isn't this the girl you had a fight with yesterday?" Tanong nung lalaki sa kaibigan, pero sakin nakatingin.

"Dude, back off. She's mine." Si Bry, nakangisi pa ang damuho.

Agad naman nanlaki ang mata ko dahil sa sinabe niya, hindi sa sigaw niya. 'Kapal' sa kanya daw ako. Ano ako bagay, pag-aari na dapat kanya lang. 'Abuh' ano siya gold.

"Hoy, anong sayo ako. Hindi mo ba naiintindihan yung sinabe ko. Gusto mo ipaintindi ko pa." Naiinis na sabi ko.

"Alam mo babae, kahit sampung beses mo pa ipaulit-ulit yan sa mukha ko. Mahuhulog at mahuhulog ka sakin. Sa gwapo kong to, 'di malabo." Bilib na bilib sa sarili na sabi niya.

"Di ka lang pala manyakis, makapal pa ang mukha mo. Akala mo naman lahat ng babae makikita yang itsura mo, magluluksa dahil hindi ka nila na kuha. Pwes ibahin mo ko." Sigaw ko, naglapitan na sa amin ang mga estudyante.

Nakiki-chismis sa nangyayari. Kahit magalit pa sila sakin dahil nakikipagbangayan ako dito sa iniidolo nilang muka namang manyakis. Wala akong pake, di nila ikinaganda yun. Ako lang ang maganda.

"I'll change you all right, you'll fall in love with me for just one month." Nakangisi pa ang damuho.

"Yun ay kung kaya mo. Sabihin man natin na kung yung ibang babae, nahuhulog agad sayo. Pwes ako hindi, malabo pa sa patis labo. Naiintindihan mo." Bulyaw ko.

"Kung naaasar mo ko ngayon, sige lang. Mas gusto ko nga yan." Agad naman akong napasimangot.

Mukhang may baon ang damuho, pumapanget ang mood ko. Naasar ako ngayon. So, hindi imposible na ituloy niya ang plano. 'Abuh abuh' hindi pwede, hindi ako magpapatalo sa manyakis na to.

Hindi ako ma-fa-fall sa kanya ng ganon kabilis. Kasi hindi ko naman siya gusto, kasi manyakis na makapal pa ang mukha. 'Arggg' kaasar. Aga aga sinisira ng damuho na 'to ang araw ko.

Natigil lang ang paglalakbay ng isip ko ng may kumapit sa balikat ko. Kala ko si manyakis, si Bri, lang pala. Agad kong din nakita si Elis, na nagsorry dun sa lalaki na yun.

"Ano ka ba naman Anaya, alam mo naman na bago lang tayo dito sa Univ. Puro away yung nakukuha natin, kaibigan ang kailangan natin. Hindi gulo." Kakamot-kamot pa sa ulong sabi ni Bri.

"Malay ko bang may sasagupain pala tayong tigre na mukang manyakis dito sa Univ, kung alam ko lang edi sana matagal na tayong wala." Balik ko sa kanya.

Nagdaret-daretso kame sa paglalakad hanggang sa makarating sa room, wala pa ang prof kaya nakapag-kwentuhan pa kame magkakaibigan. Lumapit din samin si Mitch.

"Nabalitaan ko yung nangyari kanina, inaasar ka na naman niya?" Tanong ni Mitch.

"E ano pa nga ba, wala bang gamot yung pinsan mong yung para mabawasan ang kaabnormalan niya." Sigaw ni Elis, naunahan ako sunagot.

"Pwede ba, Elis wag ka sumigaw 'di alam ng lahat dito na pinsan ko siya." Lumilingon pang sabi ni Mitch.

Mukha nga, dahil kanina hindi namin naaagaw ang atensyon ng lahat, pero ngayon nasa amin na halos lahat. Napapailing akong lumingon kay Mitch, at nag-'peace' sign.

Dumating ang prof namin kaya agad nagbalikan sa pwesto. Nagturo lang si prof, nagbigay ng gawain, at  break time na. Plano ko sana na sa library na lang gawin ang mga iniwan samin. Tatamadin lang ako sa bahay, pag-doon pa.

Dito ma-i-inspire ako dahil lahat ng tao sa library nag-aaral. Pwede ko din ayain si Elis at Bri, sasama sakin yung dalawa na yun. Natulungan ko na yung sarili ko, nadamay ko pa sila.

Iba talaga nagagawa ng matatalino, ano. Napapailing akong sumunod kay Elis at Bri, patungo kame ngayon sa cafeteria na hindi ko type ang mga pagkain nila. Pero dahil dito kame napasok, eto ang kakainin namin.

"Ano sayo?" Tanong ni Elis.

"Kahit ano, 'di ko gusto pagkain nila." Nakamaktol kong sabi.

"Ikaw Bri, 'di ka bibili?"

"Samahan na lang kita, titignan ko mga pgkain nila." Sagot ni Bri.

Naiwan ako sa pwesto ko ng may tumabi sakin, ng lingunin ko to na dapat 'di ko na lang ginawa. Ang damuho nakatabi sakin. 'Di na nga maganda ang mood ko kasi hindi ko gusto yung pagkain dito tapos may lumapit pa na damuho sakin.

'Asan ang hustisya' Sigaw ng utak ko.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now