Hello, Enemy chapter 19

36 2 0
                                    

Chapter 19

'Goodmorning everybody'

Sigaw ng utak ko, ang ganda kasi ng gisng ko. Ang bumungad sakin ay ang napakagandang araw na nagmumula sa bintana ko. Ang sarap nilang titigan, hindi ka magsasawa.

Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at agad na pumasok sa banyo. Saglit lang ang inilagi ko sa loob at lumabas na din, nagbihis lang ako ng shorts short at over size t-shirt.

Pagbaba ko nagkakagulo ang lahat. Naalala ko ngayon pala ang kaarawan ng pinaka-mamahal ko Ina, ang nagsilang sa akin sa mundong ibabaw

Agad akong tumakbo ng makita ko siya. "Happy Birthday sa pinakamaganda kong Mama." Sigaw ko sa kanya.

Napangiti na lang si Mama, dahil sa ginawa ko. "Ikaw talagang bata ka, akala ko mamaya kapa gigising, buti na lang maaga nagising ang mga kaibigan mo." Umiiling na naglakad si Mama, papuntang kusina.

Pero siyempre 'di matatapos ang araw na hindi ko siya guguluhin. Sinundan ko si Mama, sa kusina. Nakita ko pa sila Eli at Bri, na may hinahalo at nag-gagayat. Nginitian ko sila at lumapit kay Mama.

"Ma, anong wish mo ngayong birthday mo?" Nakangiting tanong ko.

"Marami Coleen, isa na don ang pumunta sana ang Tita Brenda mo." Makikita sa mga mata ni Mama, ang kasiyahan pag-nangyari yun.

"Ma, pano pag-hindi pala makakapunta si Tita Brenda?" Baka-sakali kong tanong.

"Okay lang Coleen, wag mong ipilit ang hindi pwede." I nodded. Nagpaalam ako kay Mama, na lalabas muna.

Naabutan kong nag-aayos ng lona si Papa, kasama niya sila Bryce at Marco. Ang saya nila panoodin, marami kasi ang pupuntang bisita mamaya kaya kailangan na maglagay non para malaki ang pwesto namin. Meron pa naman sa likod bahay pero mas maganda kung malawak ang labas.

Para walang tulakan mamaya. Baka may madisgrasiya pa, edi kargo de konsensiya pa namin 'd jwk lng eheheheh'. Biglang napatingin sa pwesto ko si Bryce, agad din naman siyang lumapit.

"Kailangan mo?" Tanong ko.

"Goodmorning." Nakangisi niyang usal.

"Ayoko ng pang-aasar mo ngayon, tandaan mo nandito ka sa teritoryo ko, pwede kitang ipalapa diyang sa mga tropa ko." Pang-aasar ko sa kanya.

"Amazona ka talaga babae ka, ano. Wala pa nga akong ginagawa, umaaray ka na agad." Nakangisi parin ang damuho.

"Pake mo ba, maganda ang gising ko wag mong baguhin!" Naiinis kong usal.

"Syempre nakita mo na ako."-Bryce

"Kapal." Natatawa kong wika. "Umalis ka nga sa harap ko, baka 'di kita matansiya." Dagdag ko pa.

Umiiling na umalis si Bryce, sa tabi ko kita pa sa mukha niya na nang-aasar mabuti. Cute niya kaso damuho lang HAHAHAHAH. Pero pwede na din panghabang-buhay kasama.

Umalis na din ako sa labas ng bahay at pumasok sa loob. Ganoon parin ang ayos nila, nagluluto. Ako lang ang walang ginagawa. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at doon naglagi, wala akong maisip na gawin ee. Kaya nahiga na lang ako sa kama ko, hindi ko namalayan hinihigit na ako ng antok.

----

Nagising ako bandang 2:31pm. Dahil na rin siguro sa ingay sa baba. Naalala ko may okasyon nga pala ngayon, bakit ba ako natulog. Umiiling ako tumakbo ng banyo at naghilamos, naligo naman na ako kanina.

Nagbihis lang ako ng skiny jeans at shirt, para naman hindi ako mukang napadpad lang sa Birthdayan sa baba.

Pagbaba ko nagkakagulo na nga ang mga tao. Kala ko may bisita na, wala pa pala. Sadyang maingay lang dahil binuksan na yung videoke. Nahagilap ko sila sa likod bahay.

"Coleen, ano ba yang suot mo? Dadating ang mga pininsan at Tita mo, ganyang ang itsura mo. Umakyat ka sa taas at magpalit ng bistida." Si Papa, ano bang mali sa suot ko. Ganda nga.

"Pa, mas komportable po ito. Ayoko mag-dress ngayon." Pagpapaintindi ko kay Papa.

Pero ayaw parin papatalo ni Papa. "Coleen, sumunod ka na sakin. Bago pa ang Mama, mo ang makakita at siya pa ang magpasunod sayo." Tama naman siya don.

Kaya naman tumango na lang ako at umakyat sa taas. Pero wala naman akong ginagawa. Eto nakatunganga lang dito sa kabinet ko. In short tinititigan.

Magsisimula na sana ako maghanap ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, paglingon ko sila Eli at Bri, lang pala.

"Sabi ni Papa, mo umakyat daw kame dito? Bakit anong problema?" Tanong ni Bri.

"Wala naman. Ayaw ko kasing mag-dress, pinipilit niya ako." Pagkekwento ko.

"Bakit ano ba kasi yang suot mo?" Pinatayo ako ni Eli.  Sinipat nilang dalawa ang suot ko. Sabay naman silang napailing.

"Anaya, naman kahit sino hindi gugustuhin na ganyan ang suot sa Party." Laglag panga na usal ni Eli.

"So, anong gusto niyong gawin ko. Wala naman ako sa mood mag-dress." Nagmamaktol kong usal.

"Ayaw mo talaga?" Tanong pa ni Bri.

Umiling naman ako.

"Eli, tawagin mo na baka makatulong." Paguutus ni Bri, kay Eli.

"Okay sabi mo." Lumabas si Eli ng kwarto.

"Saan pupunta yun? Sino tatawagin niya?" Tanong ko kay Bri. Pero ang gaga naghahalungkat na ng damit sa kabinet ko.

"Hintayin na lang natin hirap mag-explaine." Sabi niya. Tinuloy naman niya na din ang paghahanap sa kabinet ko.

Nakaupo lang naman ako sa kama ko ng biglang pumasok si Eli, kasama si Bryce at Marco. Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Bakit kasama mo yan?" Tanong ko kay Eli?

"Edi ba, ayaw mong magsuot ng dress, baka pag-isa sa kanila ang magsabi ng magsuot ka at maganda, baka sundin mo." Si Eli.

"Pero ayoko nga." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Anaya, wag kang makulit. Eto marami akong napili. Kame ang judge, pumasok ka sa loob ng C.R at isukat mo lahat ito. At lumabas ka dito para makita namin." Pagpapaliwanag ni Bri, pero ako pasok sa tenga labas naman sa kabila.

"Go, Anaya. Kahit hindi mo naman na isukat maganda parin naman sa panigin ko." Si Marco, napatingin naman ako sa kanya, ay sa mga mata pala niya. Nakikita ko nga don na nagagandahan siya.

Lumingin naman ako kay Bryce, na nakatingin lang sakin. Iniintay ko na may sabihin siya pero wala, wala siyang sinabe. Problema nito.

"Sige na, Anaya." Si Bri.

Wala akong nagawa kundi sumunod, kasi apat na silang gusto magpasuot sakin ng dress, kung nandito pa si Mama at Papa edi anim na sila. Edi mas lalo akong walang kawala.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now