Hello, Enemy chapter 24

38 2 0
                                    

Chapter 24

Briella POV

Nakaupo kame sa gilid ng ICU, habang hinihintay ang pagaayos kay Anaya, ang hirap makita ng yung kaibigan mo na ganoon. Ang daming tubo ang nakabit sa kanya habang nagbibigay sa kanya ng hangin.

Naghihintay lang kame matapos ang ginagawa sa kanya ng may humahangos na ginang at ginoo ang papunta dito, agad na lumapit ang mga iyon kay Bryce. Ngayon ko lang napansin kamukha ni Bryce, ang lalaki.

"Mom, why are you doing here?" Pero hindi sagot ang nakuha ni Bryce sa ina, kundi piningot sa tenga. "Mom, ouch." Kapit ni Bryce ang tenga.

"Ano na naman ang ginawa mong bata ka?" Tanong ng ginang sa anak.

"Brenda, sa bahay mo na pagsabihan ang anak mo. Maraming tao dito." Pagpapakalma ng ama ni Bryce.

"Yan isa ka pa, kunsintidor na Ama, kaya lumaking ganyan ang anak mo. Hindi ako sinusunod, dahil lahat na lang ng sabihin mo ang sinusunod." Huminto saglit ang ginang. "Bryce, anong nangyari?" Tanong ng ginang kay Bryce.

"Mom, ako na tatapos ng problema ko. Ngayon hinihintay namin magising si Anaya. Pero sa ngayon umuwi na muna kayo sa bahay." Pagmamakaawa nito sa ina.

Kami naman magkakaibigan nakikinig lang sa pinaguusapan ng dalawa. Wala ang mga magulang ni Anaya, ang sabi nila bibili lang daw sila ng makakain.

Pero hindi nakinig ang ina ni Bryce, umupo ito sa tabi nung Larah, na pakakasalan yata ni Bryce. Yun ang alam ko. Mabait ang itsura ng isang ito, pero mukhang napipilitan. Maya maya lang dumating na sila Tita Ailyn, may dala silang pagkain.

"Kumain muna kayo, hija. At pagkatapos umuwi na muna kayo kame ng bahala dito." Usal ni Tito.

Binigyan niya kame ng pagkain na burger. Para daw magkalaman ang mga tiyan namin. Habang kumakain nakatunganga lang ako sa salamin ng ICU. Hanggang sa may ulinagan akong nagsalita.

"Ailyn?" Nagtatanong ang boses.

Yun pala ang ina ni Bryce, ang aking narinig. Lumapit ito kay Tita Ailyn, agad naman lumungon si Tita dito. Agad naman itong naluha dahil sa kanyang nakita. Nagyakap silang dalawa. Makikita ang saya sa mukha ni Tita Ailyn, ng makita ang ina ni Bryce.

"Brenda." Hagulgol nito.

"Tahan na. Anong nangyari bakit andito kayo?" Tanong nito.

"Yung anak ko, nasa loob ng ICU Brenda." Pagsusumbong nito.

Inalo ni Tita Brenda, ang Ina ni Anaya, hanggang sa nakatulog ito. Kumuha pa ng isang kwarto si Tito, asawa ni Tita Ailyn, para makatulog si Tita Ailyn, ng maayos.

-----

Kinabukasan, umuwi ako sa dorm para magpalit lang ng damit. Pangalawang araw ni Anaya, ngayon sa Hospital. Pero kahit anong paramdam ay hindi niya ginagawa. Pero hindi sila lahat nawawalan ng pagasa dahil magigising pa si Anaya.

Pabalik na siya ng Hospital, para siya naman ang magbantay kay Anaya, naabutan niya doon si Eli Marco at Bryce, sa labas ng ICU. Wala sila Tita Ailyn, dahil nasa kabilang kwarto yata sila kasama ang Parents ni Bryce.

Hindi ko pinansin ang tatlo at darit-daritso sa loob ng ICU, gusto ko masilayan ang mukha ng kaibigan ko. Kaya pumasok ako. May isinuot muna ako bago nagtuloy-tuloy.

Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay ni Anaya.

"Gising na Friend, dalawang araw ka ng nakahiga diyan. Oo alam kong mahirap kang gisingin, pero hindi umaabot ng araw. Kaya bangon na diyan, Miss na miss na kita. Bangon na oh." Umiiyak na usal ko.

Wala ni isang nangyari sa pagkausap ko sa kanya. Ni pagkurap di niya ginawa. Dahil ayaw pa siguro niyang gumising, siguro ganoon talaga kasakit ang naramdaman niya para magbago ang gusto niya sa buhay. Ang mawala ng tuluyan sa piling namin.

Pero kame gusto namin na nandito siya, hinihiling ko na sana bumangon pa siya diyan sa kama na yan at ngumiti kasama kame. Tumungo ako sa kamay niya at pumikit dinadama ko ang init ng kamay niya.

Nagising ako gawa ng isang tunog, 'di ko namalayan nakatulog pala ako. Humarap ako sa monitor at nakitang one line lang yun.

"Anaya."

Agad akong nahimasmasan ng malaman kung anong ibig sabihin non. Agad kong pinindot ang botton sa gilid ko para tumawag ng doctor. Lumabas ako ng ICU, at tumakbo para magtawag ng doctor.

"Nurse, yung kaibigan ko." Sigaw ko. Agad naman nagmadali ang ang mga Nurse, para tawagin ang doctor ni Anaya.

"Bri, anong nangyayaru?" Tanong ni Eli.

Pero wala akong lakas na magsalita ng mga oras na yun, hanggang sa naramdaman kong may sumampal sakin.

"Bri, anong nangyayari kay Anaya, ikaw ang nasa loob kanina?" Tanong ni Eli.

"Yung kaibigan natin nagaagaw buhay, ano narinig mo ba." Pilit kong sagot.

Agad na may may humaplos sa lingkod ko, paglingon ko nakita ko si Tita Ailyn, pagak din ang luha sa mata niya. Hindintay namin ang doctor na lumabas ng ICU. Hindi di rin naman nagtagal yun.

"Mr and Mrs, Montecilio, hindi na ho maganda ang lagay ng anak niyo, onti-onti na bumibigay ang katawan niya. Hindi ho kasi ganon kalunas ang binigay namin na gamot sa kanya. Kung hindi niyo mamasamain, mas maganda kung ililipat niyo sa ibang hospital ang anak niyo." Usal ng doctor.

"Tanga ka ba, doctor ka diba. Bakit hindi mo gamutin ang kaibigan ko." Sigaw ko sa doctor.

"Hija, hindi ganon kadali ang gusto mong mangayri. Dahil hindi pa full na surgery ang nagyari sa kaibigan mo dahil hindi kumpleto ang gamit dito sa hospital para maoperahan siya ng maayos, pasensiya na." Anang ng Doctor.

Wala nagawa si Tito at Tita kundi hintayin ang bukas para sa anak nila.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now