Hello, Enemy chapter 11

71 27 0
                                    

Chapter 11

Nang maguwian, napansin kong nasa labas ng Room namin si Marco, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya d'yan. Pero kung sakali naman na ako ang hinihintay niya bahala siya sa buhay niya.

Sa ginawa niya sakin nakalimutan ko na ako nga pala si Anaya Coleen, na hindi umiiyak. Pero umiiyak sa mga taong mahalaga sakin.

Katulad niya na iniyakan ko kasi gusto kong makita, pero ang galing lang kasi siya na ang lumapit sakin nung araw na gusto ko talaga siya makita. Pero hindi ko inaasahan na sasaktan niya rin pala ulit ako.

Lumabas kame ng mga kaibigan ko na nagtatawanan na parang walang nangyari. Ayoko kasi ibaling sa iba ang atensyon ko, sa mga kaibigan ko pa lang masasaya na ako.

"Anaya, can we talk." Naputol ang ngiti sa mukha ko ng lingunin ko si Marco.

Tinignan ko muna ang mga kaibigan ko, bago ulit ako tumingin kay Marco. Mukha hindi ko mapapagkatiwalaan ang mga dialog ko kanina a, sa itsura pa lang na nakikita ko kay Marco, gusto ko na agad siyang yakapin.

Ang tamlay ng mga mata niya, kahit na siya ang may gawa ng kasalanan saming dalawa. Tumango ako, kahit naman ganyan yan mahal ko parin yan. Kababata ko kaya yan.

Sa Mini park, naiisipan ni Marco na magusap kame. Pinauna ko na ang mga kaibigan ko dahil sasabay na lang ako kay Marco, mamaya.

Nakaupo na kameng dalawa sa bench pero walang gusto magsalita samin. Hanggang sa naisipan ko na basagin ang katahimikan.

"Anong ganap sa Baguio?" Tanong ko, bagamat hindi nakatingin sa kanya nakangiti parin.

"You know about that?" Nagtataka ang tono niya.

"Oo naman, kahit 'di mo ko pinuntahan kahapon. Pinuntahan naman ako ng kupal mong pinsan." Natatawang saad ko.

"You got used to calling my cousin that. Good thing he doesn't get angry when he hears that." Natatawa pang saad niya.

"Nagagalit naman siya, pero madalas talo." Sabay tawa ko.

Ang sarap lang sa piling na kanina nagtatampo ako sa kanya pero ngayon siya ang nagbibigay ng ngiti sa mga labi ko.

"It's cute because you two seem to be really close. I hope I am too." Pagpuputol niya sa tawanan namin.

Napalingon naman ako sa kanya. "I became close to you before him because we only became close in the past few days. You, since we were kids." Bakas ang saya sa mga sinabe ko.

Totoo naman yun, mas nauna siya. Pero ang ipinagtataka ko lang ni hindi niya nabanggit sakin na may pinsan siya. Madalas siya ang kasama ko nung mga bata pa kame.

Pero never niya nasabi na may pinsan siya ang alam ko nga lang may kapatid siyang babae. Pero madalas din yun nasa ibang bansa doon kasi nag-aaral. Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita ulit siya.

"But it's different when you two are close." Doon ako napatingin sa mga mata niya.

Bakas doon ang inggit at panghihinayang. Parang may kahulugan lahat ng pinapakita sakin ng mga mata niya. Kaya gumawa ako ng paraan. May dumaan na ice cream sa harap namin kaya agad ko itong hinabol.

"Manong pabili po dalawa." Nakangiti ako habang nakaharap sa nagtitinda ng ice cream.

"Anong flavor hija, tatlo ang meron tayo dito cookies and cream, vanilla at cheese." Agad ko naman naalala kung anong favorite ice cream namin ng kababata ko non. Agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"Dalawa pong, cookies and cream Manong." Nakangiti ko paring sabi.

Agad naman inayo ni Manong ang order ko. Nang matapos agad akong nagbayad at bumalik sa pwesto namin ni Marco, andon parin siya kung saan ko siya iniwan kanina.

"Uhm." Abot ko sa kanya ng ice cream.

Agad nagiba ang expression ng mukha niya ng makita ang kapit ko. Bakit hindi niya ba nagustuhan? Tanong ko sa sarili ko.

"I'm sorry, Anaya. Pero hindi ako nakain ng ice cream nalimutan mo na ba." Nagdadalawang na salita niya sakin.

Agad akong napatameme dahil sa sinabe niya, tandang-tanda ko pa kung kailan ang araw at kung saan kame kumakain ng ice cream non kaya di ako pwede magkamali na ito din ang favorite niya at lalong kumakain siya nito, hindi ako pwede magkamali.

"Pero kakainin ko para sayo." Nakangiti na siya ngayon habang kinakain niya nga ang ice cream.

Pinagsawalang bahala ko na lang muna ang sinabe niya, dahil ayoko gumawa ng kahit na anong ikasasama ng loob niya lalo't na ako. Kung sasabihin at ipipilit ko pa na kumakain talaga siya non.

Pagtapos namin kumain ng ice cream, kumain muna kami ni Marco sa isang restaurant bago umuwi, pinagbalot ko din yung dalawa kong kaibigan kung sakali mang wala silang kainin sa bahay.

Pagdating sa bahay, nagpaalam lang si Marco, hinalikan niya ako sa noo bago umalis.

Papasok ko ng bahay nakita kong nakaupo si Eli, isa sa mga sofa namin. Siya lang ang nakita ko don.

"Nasan si Bri?" Tanong ko.

"Tinawagan ng Mama niya. May pinapupuntahan." Sagot niya sakin.

Inabot ko naman sa kanya ang pinabalot ko kanina nung kumakain kame ni Marco.

"Bakit 'di mo pinatuloy yung kasama mo?" Tanong ni Elis.

"Nakaalis na siya kanina pa."

"Okay na kayo?" Nagdadalawang isip pa na tanong niya.

"Oo naman, hindi ko naman matitiis yun. Kahit na ang daming pagkakaiba ng kababata ko noon kesa ngayon. Kala ko hindi nababago ang ugali, nababago rin pala." Nakatungo kong pahayag.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya.

"Ibig kong sabihin, nagdududa na ako kay Marco." Wala sa sarili kong salita.

"Bakit naman?" Biglang umilap ang mga mata ni Eli.

"Kasi yung kababata ng kasama ko noon, ibang iba ngayon." Nakatingin na ako sa kanya ng magsalita ulit ako. "By the way, samahan ko umuwi bukas sa Laguna."

"Sige, wala din naman akong gaagwin." Sagot niya.

Tumango ako sa kanya bago ako umakyat sa taas. Nag-half bath ako bago mahiga sa kama. Wala naman akong iba pang ginawa kaya maaga akong nakatulog.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now