Hello, Enemy chapter 17

30 2 0
                                    

Chapter 17

Matapos mag-umagahan ng handa lang kame ng gagamitin namin para sa pagligo sa Fall's ngayon. Kailangan namin agahan para makapag-enjoy kame ng matagal.

Ngayon na lang ulit ako makakapunta don, ang huli ko pa ay nung kasama ko si Marco, kung saan na-disgrasiya siya. Na kasalanan ko.

[Flasback...]

"Ma, bakit ang dami nating dalang pag-kain. E, tatlo lang naman tayo nila Papa?" Tanong ko kay Mama, na busy sa pag-aayos ng mga pagkain namin.

Tumingin sakin si Mama, bago nagsalita. "Kasi pupunta ang pamilya ng Tita Brenda, mo anak. Kaya dinamihan kona." Sagot ni Mama sakin.

Aya ganon pala. 'Di ko alam yun a. Tinulungan ko si Mama, sa pag-aayos para naman mapabilis siya. Si Papa, gumagawa ng ihawan para sa mga isda at porkchop. Yummy. Mamaya ka sakin.

Nang mataos ako kay Mama, ay kay Papa, naman ako ng gulo. Pag- may naiihaw na siya, pinapakielaman ko at sabay kakainin. Hindi naman makuha magalit ni Papa, dahil marami naman ang dala namin.

Pati mayaman kaya kame. Baka gusto mo bilhin kita. D jwk lang. Nanggugulo pa ako kay Papa, ng may biglang huminto na sasakyan malapit samin. Eto na yata ang pamilya nila.

Andito na sila Casver, umalis ako sa tabi ni Papa, at tumakbo papunta sa mga taong parating.

"Ailyn, nandito na kame." Sigaw ni Tita Brenda.

Nagmano naman ako sa kanilang lahat. Ganon din si Casver. Agad akong tumabi sa kanya, kahit alam ko naman na inis na naman ang mukha niya. Ang sarap niya kasing asarin, pag-nakita mong galit ang itsura ng mukha niya.

"Huy, bakit nakasimangot ka?" Kuhit ko sa kanya.

"Wala.Kang.Pakielam." Irap naman niya sakin.

Meron yata ngayon kaya, ganyan na naman ang mukha nakabusangot. Pero 'di parin ako umaalis sa tabi niya. Kala niya aalis ako hindi no, kahit galit yan iinisin ko yan lalo.

"Casver, tara punta tayong talon. Doon oh, sa may bato. Wala akong kasama e." Pangungulit ko sa kanya.

"Find another partner, don't mess with me coleen." Maotoridad niyang sabi.

"Ayoko, gusto ko ikaw ang kasama. Pati wala naman akong ibang pwede pakisamahan dito. Ikaw lang ang kilala ko." Nagpapa-kyutt kong usal.

"I don't want to, leave now." Walang interes niyang sagot.

"Sungit neto, bahala ka diyan." Inis din na usal ko pero hindi ko siya tinantanan.

Hinigit ko siya hanggang sa makarating kame sa talon. Malapit na kame sa talon, tawa ako ng tawa habang siya inis na inis ang pagmumukha.

"Coleen, we might fall. Don't be rude, I'm getting more and more annoyed with you." Pero nginitian ko lang siya.

"Pake ko." Natatawa paring usal ko.

Umakyat pa kame sa pinakamataas ng bigla akong madulas. Buti na lang nahigit ako ni Casver, pero ang mali lang na out of balance siya kaya siya ang nahulog mula sa taas pababa sa mga bato

"Casver, okay ka lang!?" Nagaalala kong tanong.

"I told you, ang kulit kulit mo kasi." Naiinis na usal niya.

Iika-ika siyang pumanik saakin at iniwan akong tulala doon. Pero agad ko din siyang sinundan.

"Casver sorry na, hindi ka naman mahuhulog kung hindi ka nag-inarte e." Sigaw ko bago siya mawala.

Naabutan ko siya na nakaupo sa mga batuhan habang ginagamot ang sariling sugat. Pero agaf kong inagaw sa kanya yun.

"Ako na, kasalanan ko naman. Pati wala na yung makinis mong tuhod, ikaw kasi ang arte mo." Naiinis kong usal sa kanya.

"Ikaw na may kasalan niyan, tapos ikaw pa itong galit." Slang niyang usal sakin.

"Kaya nga sorry na e, pero kung sakali man na mapadpad kayo sa manila. Patignan mo yang sugat mo para mawala yung peklat. Makinis ka pa naman." Natatawa kong usal.

Nagsasabi na ba ako ng totoo, pag-sinabe kong ngutimi saakin si Casver. Ang gwapo niya talaga. Pakasalan ko kaya 'to, wala naman masama e. Pati hindi naman mahirap mahalin si Casver, kahit mainitin naman ang ulo nito at kahit lagi kameng magkaaway, naaayos naman agad e.

Napaharap naman siya sakin, dahil kanina pa ako nakatitig sa kanya. "What do you think, Coleen?" Tanong niya.

"Wala, ang gwapo mo lang kamo." Pero hindi ako sa kanya nakatingin.

Nilagyan ko lang ng gasa ang sugat niya at umalis na ako sa tabi niya.

[End of flashback]

"Anaya, ano tatayo ka na lang ba diyan?" Tanong sakin ni Bri.

Nandito na kasi kame sa Fall's, nandito ako sa kung saan nahulog si Casver, noon. Hanggang ngayon natatawa parin ako sa nangyari na yun.

Masiyado kasi akong makulit nung araw na yun kaya muntikan na akong mahulog, pero siya ang dumausus sa mga bato.

"Eto na pabalik na." Sigaw ko kay Bri.

Patalikod na ako ng bigla akong mabunggo sa isang matigas na dibdib, agad akong napakapit dito dahil muntikan akong mahulog sa talon, buti na lang maagap ang kaharap ko.

"Katulad ka parin ng dati, ang gaslaw mo parin." Maotoridad ang tono niya.

Pagtingala ko si Bryce, ang nakita ko kala ko si Marco. Anong sabi niya? Mali ba ako ng pagkakarinig.

"Dati, wala namang akong kagaslawan na nagawa na kasama ka." Nagtatanong ang tono ko.

"Muntikan ka ng mahulog sa library, Anaya." Tumango-tango ako sa kanya.

Kung alam mo lang dati pa kaya ako magaslaw. Kaya nga may peklat ang pinsan mo e. Sagot ng utak ko.

Iiling-iling ako sumunod kay Bryce, nakita ko sila Bri, na nag-aayos ng pagkain kaya tumulong na ako. Wala rin naman akong gagawin. Habang ang magpinsan ay nagiihaw ng ulam namin mamaya.

Na-miss ko 'to...

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now