Hello, Enemy chapter 07

114 67 5
                                    

Chapter 7

Natagpuan ko ang sarili sa Mini park ng Univ, wala naman akong mapupuntahan na iba. Malayo ang field sa lugar kung saan ang biulding namin.

Umupo ako sa siso, inaalala ang araw na masaya ako sa araw-araw na kasama ang kababata ko.

Ang hirap kasi na hanggang alaala na lang yun, dahil ni pangalan niya 'di ko matandaan. Pero meron akong bagay na pinaka-importante sakin na siya ang nagbigay. Bagay na pinakaiingatan ko sa lahat ng gamit ko.

Yun na lang ang patunay pag-nagkita kameng dalawa, kung sakali na magkikita pa kame ulit.

Tumigil ako sa pagiyak at tinanaw ang ibang bata na naglalaro sa Park, malayo sakin. Ang saya isipin na galing din ako sa bagay na ginagawa nila ngayon.

"Ang saya nila diba." Narinig ko ang boses na yun mula sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito, hindi ko kailangan ng pang-aasar mo ngayon." Mahihimigan ang paghikbi sa sinabe ko.

"Hindi naman ako mang-aasar, nakita kita kaya sinundan kita." Umupo siya sa katabi ng siso ko. "Oh, magpunas ka, hindi bagay sayo ang umiyak. Ang ganda mo kaya." Inabutan niya ako ng panyo, pero mahihimigan ang pag-tawa sa boses niya.

Kinuha ko na lang iyon ng walang pag-aanlinlangan. Wala ako sa mood para mang-asar, kaya titigil muna ako ngayon. Kulang ang natitira kong pangaasar, para gawin pa yun ngayon.

"Pero bakit ka nga umiiyak, alam ko palaban kang babae. Ako nga 'di mo inuurungan tapos umiiyak ka ngayon." Nagaaalala ang boses niya pero pangasar ang binigkas ng mga labi niya. Kaasar pero, pero wala ako sa mood.

"Naalala ko lang yung kababata ko na hanggang ngayon 'di ko alam kung makikita ko pa siya ulit. Na-mi-miss ko na siya." Wala sa sariling usal ko.

"Anong pangalan, tutulungan kita. Hanapin natin siya." Napalingon ako dahil sa sinabe niya.

"Kala mo ba ganon lang kadali yun, tao ang hahanapin mo hindi hayop. Pati hindi ko na tanda ang pangalan niya."

"Picture, wala kayong picture na magkasama?" Tanong niya ulit.

"Wala, lahat ng picture namin na kay Mama. Wala sila dito ngayon." Dun lang luminaw sakin na bakit hindi ko nga ginawa yun noon.

"Kahit apelido ba, hindi mo alam o kaya palayaw?" Tanong niya ulit.

"Wala, pero may bagay na makapag-papaalala sa kanya sakin, pero nasa bahay din yun."

Tumango siya sakin. Nagpaalam ako na aalis na dahil nag-text na si Elis, na uuwi na daw kame. Ganon ako katagal na nag-emote para matapos ko ang isang buong klase. 'Kagaling'.

Naabutan ko si Elis at Bri, na iniintay ako sa gate. Agad akong lumapit sa kanila.

"Saan ka ba galing kanina pa kame dito." Nag-alaala na tanong ni Bri.

"Nasa Mini Park lang ako kanina, pasensya." Pagpapaumanhin ko.

"Okay ka lang, susunod dapat kame kaso pinigilan kame ni Bryce, sabi niya siya na daw ang bahala sayo." Sabi ni Elis, agad naman nanlaki ang mata ko.

Ang akala ko ba nakita niya ako kaya sinundan niya ako. Bakit parang plano niya talaga. Tumango lang ako kay Elis, dumaritso kame sa sakayan ng jeep. Para makauwi na.

Nang makarating sa bahay, umakyat ako sa kwarto ko. Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Piling ko ang sama ng pakiramdam ko sa nangyari. Nagpalit ako ng damit at bumababa na.

Naabutan ko sa sala si Bri, na nanonood ng t.v. Si Elis, naman siguro ang nagluluto sa kusina. Tumabi ako kay Bri. Makikinood, tinatamad ako sa taas.

"Buti bumababa ka, kala ko tulog ka. May sulat akong nakita kanina sa gate, mukang para sayo." Abot niya sakin ng sobre.

Tumango ako sa kanya at lumabas muna ng bahay. Hindi na ako nagtaka kung kanino galing yun. Dahil isa lang naman ang pwede magpadala ng sulat sakin, kundi sila mama.

Pagkabukas ko na liham, agad umukit ang ngiti sa labi ko ng malaman kung kanino galing ang sulat. Nakaramdam ako ng saya dahil sa nabasa.

'Kung ganon kilala niya parin ako? Ako din gusto ko siya makita, kahit na iniwan niya ako noon'

Pero bakit ganon? Bakit ngayon niya lang naisip na magpadala ng sulat? Ngayon na lang din niya ba ako naisip ulit? Ang sama naman sa pakiramdam nito. Namimiss ko siya pero bakit medyo kulang yung saya ko. Parang may mali.

Di ko na inatupag kung ano yung mali. Ngumiti na lang ako kahit na kaonting saya lang yung nararamdaman ko ngayon. Atleast nagpadala siya ng sulat diba. Okay na yun masaya na ako.

"Anong ngiti yan?" Tanong ni Elis.

Agad ako tumakbo sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Sa sobrang saya ko naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Yung kababata ko, nagpadala siya ng sulat Elis." Wala sa sarili kong sabi.

"Talaga, ano daw sabi?" Tanong niya.

"Gusto niyang makipag-kita sakin, pero hindi ko alam kung saan. Pati 'di ko alam kung ano ang itsura niya." Nawala ang saya dahil sa sinabe ko.

"Wala ba siyang sinabe na lugar, o kaya pangalan?" Tanong pa niya.

Napailing ako bigla. Yung bang hindi sigurado. Nagpaalam si Elis na papasok muna.

Kaya naman binuklat ko ulit ang liham hinanap kung saan pwede ilagay ang addres, telepono, at pangalan ng nagsulat.

Pero wala akong natagpuan. Binalik ko ang liham sa sobre at pumasok na.

"Ano, meron bang sinabe?" Tanong ni Elis, nakasalubong ko siya.

"Wala eh, baka magpadala na lang ulit siya." Dumulog na din ako sa kanila para kumain.

Nang matapos kame kumain ako ang naghugas ng pinagkainan. Matapos ko gawin yun ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Pahiga na sana ako ng balikan ko ang sobre sa ibabaw ng study table ko. Agad ko ulit yun hinalungkat ng makita ko ang isang maliit na bagay. Matigas siya na papel(card).

May Village na pangalan na nakalagay. Agad nagliwanag ang mukha na malinawan kung ano ang ibig sabihin non. Nagtatalon ako sa tuwa, dahil kanina lang ay iniyakan ko pa siya. Pero ngayon magkikita na kameng dalawa.

Bukas na bukas din ay pupuntahan ko siya. Ano na kaya ang itsura niya ngayon? Bakit ngayon lang siya nagparamdam.

KINABUKASAN maaga ako nagising dahil kagabi pa ako 'di mapakali. Nagulat din si Elis, dahil ang aga ko daw magising.

Nakipag-unahan pa ako kay Bri, maligo dahil sa saya na nararamdaman. Matapos ang lahat maligo ay sinabe ko sa kanila kung bakit ganito ako kasaya.

Ang sabi nila ay kahit wag na daw kame pumasok ng hapon dahil gusto nilang sumama.

Grabeng mga kaibugan kong 'to, sasamahan pa ako sa katangahan ko. Yan ang kaibigan karamay sa hirap at ginahawa, kahit sa kagagahan mo.

Matapos ang huling subject ay nakipagunahan pa akong lumabas sa prof namin dahil excited lang talaga ako.

Himala hindi ko yata nakikita ang damuho, wala siya sa Univ, ngayon. Walang nanggugulo sa matiwasay kong buhay. Pati okay na yun baka mabawasan ang kasiyahan ko para makita ko siya ngayon.

Nag-grab kame magkakaibigan para mapadali ang pagpunta namin sa Village na tinuturo ng card. 'Di aki makapaniwala na totoo na tong nangyayari ngayon, sana magtuloy-tuloy na. Pinapasok kame ng gaurd sa loob, ang alam ko sa mga ganitong Village itinatanong pa sa loob ng kikitain mo kung pwede ka papasukin o hindi, pero bakit kame pinatuloy na lang kusa.

'Galing ah, Astig.'

Sabi ng utak ko.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now