Hello, Enemy chapter 16

36 2 0
                                    

Chapter 16

Grabe ang sarap ng tulog ko. Na-miss ko itong kwarto ko. Pero bakit ganon sa pagkakaalam ko malambot ang unan, bakit ito matigas at parang gumagalaw. Hayy, bahala na nga basta ako tulog.

Buti na lang talaga weekends at makakapag-pahinga ako. Ang dami-dami kasing gawain sa Univ, ayoko muna sila isipin lahat. Balik tayo sa pagtulog, hane.

Mapapahimbing ulit sana yung tulog ko ng maramdaman kong may sumiksik sa leeg ko. E, sa pagkakaalam ko unan ang yakap ko. Kaya wala akong atubili na inimulat ang mga mata ko.

AT ANG DAMUHO NASA TABI KO....

"Arghhhhhhhhhhhh.........." Sigaw ko, habang umalis sa pagkahiga.

"Why, bakit kaba sumisigaw." Ungot niya dahil nasira ang pagtulog ng hinayupak.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nakasimangot parin.

"Love, kung ayaw mo matulog magpatulog ka." Usal niya ulit.

"Anong Love, baka i-umpog kita diyan. Bumangon ka nga. Bryce, isa wag mong paabutin ng tatlo 'to malilintikan ka talaga." Pagbabanta ko.

"Ano ba kasi yun?" Pupungay-pungay na usal niya. In fairness gwapo parin ang damuho, kahit kakagising lang.

Ayy, ano ba yan. Galit dapat ako hindi dapat ako nagpapadala sa ka-gwapuhan ng damuhong ito. Galit ka Anaya, tandaan mo.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko, may kwarto kang sarili." Pagpupuyos kong sigaw.

"Anaya, ano ba yan. Rinig na rinig sa baba ang boses mo kaya umakyat na ako." Agad ko naman nalingunan si Mama, sa likod ko malapit sa pinto.

"Ma, si Bryce, kasi dito natulog sa kwarto ko. Bakit siya nandito?" Nagtatanong ang tono ko.

Bigla naman ngumiti si Mama. "Ay, ayun ba anak. Kagabi kasi dapat dun siya sa kwarto ng dalawa mong kapatid. Kasi aalis yung kambal, ang kaso hindi natuloy. Kaya dito ko siya pinatulog sa tabi mo. May tiwala naman ako kay Bryce, kaya dito ko siya pinatulog sayo." Laglag panga akong lumingon kay Mama.

"Mama, seryoso. Pano kung pinagsamantalahan ako niyan." Madrama kong salay-say.

"Mahiya ka nga, Anaya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang kinagagalit mo." Nakangisi ang damuho ng lingunin ko.

"Ah, talaga wag ka papakita sakin. Papatayin talaga kita." Sigaw ko sa kanya.

"Saan, sa pagmamahal." Napapikit na lang ako ng bigla na siyang lumabas ng kwarto. Nahiya naman akong tumingin kay Mama na nakangiti saamin.

"Bryce, humanda ka sakin." Sigaw ko bago pa siya makaalis.

Umalis din naman agad si Mama, at ako naiwan doon na nagpupuyos sa galit. Humanda ka talaga saking damuho ka, makakaganti din ako. Hindi nga lang ngayon baka sa susunod.

Pero ang sarap niyang katabi, sana maulit. Napapangiti ako sa sarili ko. Kanina lang nandito siya galit na galit ako sa kanya ngayon naman nag-aasama na maulit yung kanina.

'Ay, nako Anaya, asahan mo na tabihan ka pa niya. E, galit na galit ka nga kanina, syempre natakot nayon.' 

Sagot ng utak ko.

Yun matatakot, wala yata sa bukabolaryo ng lalaking yun ang salitang takot, ngayon lang niya ako natalo sa ganito, malimit siya ang umaayaw dahil pikon. Tapos ako magpapatalo. Never ever.

Namamadali na lang ako kunin ang tuwalya ko at pumasok na sa loob ng banyo. Saglit lang akong naligo at nagbighis. At bumaba na, naabutan ko sila sa hapag-kainan lahat.

"Oh, pababa kana pala e. Kalala ko aakyatin pa kita." Gulat ako ng lingunin ko si Bri. "Tara kakain na, tapos punta tayo sa fall's ngayon. Nagpaalam na ako kay Tita at Tito, pwede daw basta wag lang tayo papagabi." Dagdag niya pa.

"Sige, wala din naman akong gagawin. Ayoko makita ang pagmumukha ni Bryce." Sagot ko sa kanya.

"LQ, kayo?" Natatawang tanong niya.

"Anong LQ, baka Q lang wala namang label e." Nalingunan namin si Eli, sa gilid ng hagdan.

"Kayong dalawa wag niyo kong inaasar kung ayaw niyo sa inyo ko mabunto yung inis ko sa damuhong iyon." Naiinis na sita ko. "By the way, si Marco, nasan?" Tanong ko.

"Nasa labas, nagpapahangin. Masarap ang hangin pag-nasa probinsiya, tutal tinanong mo na. Ikaw na rin ang tumawag." Ngiti ni Bri, sakin. Sabay pa sila ni Eli, na umalis sa harap ko.

Umiiling lang akong umalus ng hagdan at pinuntahan si Marco, sa labas. Nakita ko nga siya nakaupo sa isang upuan sa labas ng pinto namin.

"Bakit, hindi ka pa pumasok. Kakain na." Nakangiti kong bungad sa kanya.

"Anaya, ikaw pala." Balik na ngiti niya sakin.

"Ako nga, bakit nagiisa ka. Ayaw mo ng may kasama?" Umupo ako sa katabi niyang upuan.

"Mga busy sila, kaya ako na lang muna." Nilingon ko si Marco, na nakatingin sa lahat ng pananim ni Mama, sa bakuran namin.

Tumango ako sa kanya. "Dati mga bata palang tayo ng nakau-po dito. Ngayon malaki na tayong dalawa. Alam mo pa ba kung anong nangyari sa dalawang upuan na'to noon?" Nakatingin ko paring tanong sa kanya.

"Oo naman, dito tayo madalas mag-away. Madalas dito ka tumatambay." Ngiming sagot niya.

Napatitig naman ako sa kanya. "Ikaw ang madalas na tumabay dito, Marco. Inaaya kitang umalis pero ayaw mo. Ewan ko nga ba kung bakit." Natatawa kong sagot, doon din siya napalingon sakin.

"O-oo nga pala, nakalimutan kona."

"Hayaan mo na iyon, ang importante nandito kana ulit." Nakangiting paring usal ko. "Ano ba yan, tara na nga sa loob." Dagdag ko pa.

Sumabay naman na siya sakin, pagpasok sa loob. Sa dinning na kame dumaritso para sumabay sa kanilang kumain. Agad ko naman nakita si Bryce, na nakasimangot.

Ano naman ang palabas ng damuho na'to, at ganito ang mukha? Dapat nga masaya siya, siya itong nangasar kanina e. Iniba ko na lang ang tingin ko at tumabi kay Marco.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now