Hello, Enemy chapter 04

145 73 11
                                    

Chapter 4

Dinala namin si Sasimi sa Mini Park ng Univ, dahil doon lang naman kame pwedeng tumambay. Sa kagustuhan naming pumasok ng maaga, di na namin nagawa. Kasi may nakita kaming damuho, kaya tinamad na ako.

Kaasar talaga pagmumuka ng lalaking yun, abuh... San ba kasi ng lupalop ng mundo. Galing ang damuho na yun, at dito sa lugar namin naglalagi. Pwede bang umuwi na siya. Kasi wala siyang mapapala.

Pero parang meron, una ang dami naghahabol sa kanyang babae. Pangalawa ang lakas ng dating, sinong di mahuhulog. Ako, di ako mahuhulog sa mokong na yun. Ugali pa lang baliko na. Pano ko pakikisamahan, diba.

Pinatatahan ni Bri at Elis, si Sasimi na kanina pa naiyak. Naawa ako sa kanya, kasi parang ang minor niya pa para patulan ng mokong na yun. Pero di nga, pumapatol sa bata yung lalaking yun.

Abuh... Wala talaga'ng sinasanto a. Pati bata pinapatulan. Lupit mo naman chong. Kala ko baliko ang ugali pati parin pala ang pagiisip. Balikong baliko.

"Okay ka na?" Rinig kong tanong ni Elis.

"Oum, salamat a. Pero dapat di n'yo na lang ako inalis don. Nadamay pa tuloy kayo." Di siya makatingin ng ayos samin.

"Okay lang yun, kesa naman panoodin ka lang namin ng ganon ang ginagawa sayo. Mas lalo'ng di namin kaya yon." Sagot ko pabalik.

Napangiti siya bigla. "Bago kayo no, ngayon ko lang kayo nakita dito. Pati ikaw lang ang babae'ng ang kauna-unahang gumawa nung kay Bry, iba pa naman ma-beastmood ang lalaking yon." Nakaturo pa siya sakin.

"Dapat lang yun sa kanya, walang sino man ang siyang pwed'ng umaway sa mga kauri ko babae. Ang babae inilagay sa mundo para maging ilaw ng tahanan pag-s'ya ay kinasal. Hindi para paasahin at lokohin. Naiintindihan mo, kaya kung kantiin ka man nung lalaking yun. Ako bahala sayo." Nakangiti kong paliwanag.

"Wag ka nga mas'yado mayabang An, malay mo kayo magkatuluyan sige ka." Pang-bubuska ni Bri, sakin.

Agad naman akong napasimangit at yung tatlo tawa ng tawa sa kalokohan ng magaling kong kaibigan. Tapos pag-s'ya ang inasar kala mo natalo sa lotto, di naman. Kaya minsan 'di 'ko na lang pinapagpasin ang mga kaibigan ko.

Lalo't na nabubuska nila ako pag-ganyanan ang usapan. Nakakaasiwa lang nakakatanggal ng masayang mood. Hay, saan ko bang lupalop nakuha ang mga kaibigan kong ito. Pero wag kayo, sila ang masarap kasama.

Di na kame nagtagal na apat doon, dahil may mga pasok pa kami. Dahil unang araw namin dito magkakaibigan kailangan naming umabot sa lahat ng lesson. Para naman wala kami'ng bagsak.

"Ayana, Elis, kakain na, bumaba na kayo." Rinig kong sigaw ni Bri.

"Eto na, wag kang magmadali." Magkasunudan lang kami ni Elis, na bumaba.

"Ano bang ulam?" Tanong ko.

"Edi ano pa yung favorite mo. Ikaw naman lagi nasusunod." Prangkang sagot ni Bri.

Totoo yun simula ng magsama-sama kame ako ang lagi nasusunod sa pagkain namin tatlo. Minsan pinipilit talaga nila ako yung magbigay, minsan naman sila. Pero madalas nga lang na ako lagi.

Pero hindi na namin yun pagtatalunan na tatlo, dahil basta kung ano ang nakahain yung ang kakainin namin sinasanay namin ang sarili na ganon lagi.

Di kame mayayaman para maginarte pa, pag-aaral ang pinunta namin dito. Hindi ang umarte sa lahat ng bagay.

Tinapos lang namin ang pagkain at si Elis ang naghugas ng pinggan. Inaagaw ko sa kanya yung sponge para ako ang maghugas pero sabi niya siya na lang wala naman daw siyang gagawin.

Umiiling akong umakyat ng kwarto. Naglinis lang ako ng katawan at humiga ng sa kama. Nagcecellphone ako ng biglang maring ang phone ko.

Number lang ang lumabas. Sino naman kaya ang damuhong tatawag ng ganitong oras, mga tao talaga oh. Nagsasayang ng load. Sinagot ko ang tawag.

"Hello, enemy..." Boses ng lalaking ayaw ko marinig ang nagsalita sa kabilang linya.

Agad akong napabangon sa kama dahil boses pa lang niya kumukulo na ang dugo ko. Hindi ba talaga ako titigilan ng lalaki na to. Gusto pa ba niya ng part two na sagutan kanina.

"Nakakainis ka." Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Oh, wag kang hot. Napatawag lang ako, dahil na saiyo ang ID ko. Masyado mo naman yata pinagpapantasyahan yan." Narinig ko pang tumawa siya sa kabilang linya.

"Oy, kapal ng mukha mo, kahit ikaw na lang ang nagiisang lalaki sa mundo hindi ako papatol sayo. Naiintindihan mo." Sigaw ko pabalik. "Pati anong pinagpapantasyahan yung ID mo, hindi ko gawain yun. Baka nga sunog na yun sa mga oras na 'to." Nakatawa ako sa kalokohan ko 'hehe'.

"Kakaiba ka talagang babae, ano. Hindi ka natatakot sa isang katulad ko."

"Bakit ano ba ang dapat na ikatakot ko sayo, bukod sa muka ka namang manyakis?" Tanong ko sa kanya.

"Hoy babae, sinong manyakis. Baka 'di mo kilala kung sino ang binabangga mo." Ramdam kong napipikon na siya sakin, yaan mo yan naman ang gusto kong mangyari.

"Kilala kita, ikaw yung lalaking manyakis sa campus. Hindi ba." Natatawa kong paniinsulto.

"Humanda ka sakin, bukas." Yun lang at pinutol na niya ang linya. Natatawa akong bumalik sa pagkakahiga.

Doon ko lang napansin na kung paano niya nakuha ang phone number ko. Bat nga ba hindi ko naitanong yun sa kanya kanina.

Di ko na pinagpapansin yun. Dahil natatawa parin ako sa ginawa ko, tatawag tawag wala naman palang baon na pangiinsulto. Siya tuloy ang umayaw agad, ang dami ko pa naman na gusto sabihin sa kanya, na pang-aasar.

Nangiti akong nakatulog ng gabing yun.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now