Hello, Enemy chapter 12

55 15 0
                                    

Chapter 12

Kinabukasan maaga parin akong nagising kahit weekends, katulad nga ng sinabe ko nagpasama ako kay Eli, na umuwi ng Laguna.

Pero may mga bisita ako na 'di inaasahan ng araw na yun. Pagbaba na pagbaba ko ng hagdan ay nalalagabog ang mga tao dahil nandito ang magpinsan at ang kaibigan nila.

Kay aga-aga nambubulahaw ng mga tao. Wala ba silang magawa sa bahay nila kaya dito na lang sila mang-gugulo.

"Goodmorning, Anaya." Sabay pa yung dalawa.

"Magandang umaga." Nakangiting bati ko sa kanila. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Napadaan lang talaga kame ang kaso inaya kame ni Eli na sumama sa inyo sa Laguna." Si Marco ang sumagot.

Napatingin naman ako kay Eli. "Ay ganon ba, pwede naman pero wala kayong gagawin sa mga bahay bahay niyo." Naninigurado ang tono ko.

"Of course, hindi kame pupunta dito kung may gagawin kame." Pambabara sakin ni Bryce.

Agad nagkalamat ang maayos kong mukha ng pagkainis dahil sa sinabe niya. Kapal, talaga ng lalaking ito, inaalala ko lang naman kung baka may gagawin sila para hindi sila makasama.

Kargo de konsensya ko pa kung may gagawin pala sila sa araw na ito pero isinama ko pa. Na hindi naman totoo dahil sila ang nagpumilit.

Hindi ko pinatulan ang pagkainis ko kay Bryce. Umakyat na lang ako sa kwarto ko para makaligo na ng maaga kame makaalis sa Laguna.

Gusto ko kasing supresahin sila Mama, dahil darating ang kaarawan nito sa linggo, ayaw ko naman na wala ako sa araw na iyon. Yun yung araw na pinaka-espesyal sakin, dahil yun din ang araw na nakilala ko ang kababata ko.

Kaya okay lang din na isama ko si Marco, para naman may maalala siya sa nakaraan namin noon nung mga bata pa kame.

Sabik sa mga laro ng mga pinoy, at lalo na sa tagu-taguan. Ang sarap balikan ng ala-ala na magkasama kameng dalawa non, magka-close pero iba na ngayon.

Hindi rin ako nagtagal sa taas. Bumaba na ako para naman makaalis na kame. Kanina ko pa sila pinag-iintay sa sala. Nang makababa ako, sa sala ko nga sila naabutan.

"Tara, baka gabihin tayo sa byahe." Tawag ko sa kanila prenteng naka-upo pa.

"Anaya, ano ba ang gagawin natin don?" Nagdadalawang isip pa natanong ni Marco.

"Gusto ko sanang sumpresahin si ina." Sagot ko. "Kaarawan niya sa makalawa." Dagdag ko pa.

"Do you have any gift for her?" Tanong niya.

"Oo naman, kahit kailan wala akong kaarawan ni Mama ang hindi ko siya binigyan ng regalo." Nakangiting sagot ko.

"Let's go na." Rinig kong sigaw ni Bryce, dumaan pa sa gitna namin. Luwag-luwag ng daan sa gilid namin ni Marco.

"Problema non?" Tanong ko sa kaharap ko.

"Let's go na daw." Natatawang sagot niya sakin.

Sumakay kame ng Van na dala nila Marco, may driver din silang kasama. Para daw naman makatulog sila sa byahe. E pano naman yung driver nila hindi makakatulog dahil walang magda-drive kung nagkataon. Mga sira-ulo din, ano.

Naalimpungatan ako ng biglang prumeno ang sasakyan namin, nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.

"Manong wag ka namang magmadali." Naiinis na turan ni Bri.

"Pasensya na po Ma'am. May dumaan po kasing naka-motor." Sagot ni Manong.

"Sige na Manong, magdahan-dahan ka na lang sa ngayon. Maiinit pa ang ulo dahil kakagising lang." Wala sa sarili kong usal.

Nang balingan ko ang lahat, tulog ang mga ito. Napatingin naman ako sa dalawang taong katabi ko. Ngayon ko lang napansin na malapit na malapit pala ang pagkakahawig ni Bryce at Marco.

Ang gwapo parin ng mga itsura nila kahit tulog. Ang mahahabang pilik mata, matangos na ilong makinis na mukha at ang labing mamula-mula. Pareho na pareho sila ng postura.

Ang sarap mahalin ng dalawang ito, ang seswerte ng maging girlfriend nila.

'Sana isa ako don'

Agad akong napagitla dahil sa tinuran ng isip ko. Imposible mangyari yun. Byrce Lucas Gueverra at Marco khalil Gueverra ang pinagpapantasyahan ko. Nasa ilalim pa sila ng mga Revillion. Wala sa isip ko ang magmahal ng iba.

Isa sa kanila ang gusto ko pero hindi masabi o maturan ng isip ko kung sino. Natural pa ba yun na maguluhan ako dahil sa kanilang dalawa.

Si Byrce Lucas Gueverra, masarap kasama lagi siyang nandyaan pag-wala si Marco. Siya ang sumasalo ng lahat ng hindi nagagawa ni Marco minsan. Nakikita ko pa sa kanya ang kababata ko noon, kesa kay Marco.

Si Marco khalil Gueverra, masaya ako dahil sa wakas wala ng kulang sakin, pero 'di ko masabi kung sakto na nga ba kasi hindi ko feel na nasa tabi ko na nga ang hinahanap ko. Parang kulang parin.

Tinigilan ko na ang pagpapantasya sa dalawa hanggang sa naramdaman kong may humiga sa balikat ko. Nang lingunin ko 'to, nakita ko ang mala-anghel na mukha ng isa sa magpinsan si Bryce, nakamulat ang mga mata niya.

Kaya napatitig ako sa mala-chokolate niyang mga mata. Para akong hinihigit ng mga matang yan, ang sarap titigan ng paulit-ulit.

Nawala ako sa pagpapantasya nga may maramdaman ako sa mga labi ko na malamig na bagay. Ngayon ko lang napansin na magkahinang na pa lang ang mga labi namin.

Agad na napapikit ang mga mata ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang siya pinigilan hanggang sa gumalaw ang labi niya sa labi ko. Na ginantihan ko naman.

He stole my first kiss.

Namulat lang ang mata ko ng tumigil siya sa paghalik sakin, ng magmulat ako ng mata sa kanya agad tumama yun ng may pagtatanong sa aking mga mata.

Para saan nga ba ang halik na yun? Tanong ng isip ko. Pero hindi ko maisantinig.

"Anaya...I think..." Mas tinitigan ko pa si Bryce, ng may lumabas na salita sa bibig niya.

"What!?" Kinakabahan na tanong ko.

"I think, I like you." Usal niya na titig na titig sa mga mata ko.

"Ano?" Wala sa sarili kong usal.

"Anaya, I like you." Nakangiting usal niya.

Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa oras na 'yon.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now