Hello, Enemy chapter 20

36 2 0
                                    

Chapter 20

Natapos ang kaarawan ni Mama, na hindi pumunta si Tita Brenda, pero okay lang naman daw yun. Ang sabi nga ni Mama, wag mong ipilit ang hindi pwede. Kaya tanggap na ni Mama, na hindi nakapunta ang matalik niyang kaibigan.

Nasa kusina kame magkakaibigan para mag-ayus ng mga pinagkain at para makag-hugas na. Sila Bryce at Marco, naman tumutulong kay Papa na alisin ang lahat ng basyo ng alak sa ilalim ng lamesa.

Hindi rin nagtagal natapos kame sa ginagawa. Nalinis namin ang buong bahay ng saglit lang, hindi rin naman ganon kakalat ang likod bahay namin dahil narin, mga bote at pinggan ang kanilang gamit madali lang ligpitin.

Umakyat ako sa taas at nag-ayus ng mga gamit. Ngayong araw din kame uuwi pa manila, dahil baka gahulin kame bukas. Meron pa kasing kailangan tapusin at gawin sa Univ, na ipinan san-tabi namin magkakaibigan.

"Ma, yung regalo ko nga pala sayo. Ngayon ko lang naibigay." Abot ko kay Mama, gabang nakangiti.

"Ikaw talagang bata ka, hindi mo talaga kinakalimutan." Kinurot pa ni Mama ang pisngi ko.

"Ma, hindi na ako bata." Ungot ko. "Pero Ma, hindi naman dapat kinakalimutan yan eh. Yung pagbibigay ng regalo, kaarawan kaya ng Mama ko ngayon." Dagdag ko pa.

"Ay nako, Coleen. Sige na umalis na kayo at baka gabihin kayo sa daan." Tumango ako kay Mama.

Hinalikan lang nila ako sa pisngi at sumakay na kame sa Van, yung mga boy's sinasakay narin ang mga bagahe namin sa compartment ng Van.

"Mauuna na po kame Tito, Tita." Sigaw ng mga kaibigan ko.

"Magiingat kayo hija, hijo." Si Mama.

"Yung anak ko ingatan niyo." Rinig ko pang sigaw ni Papa.

Napatawa pa ako sa narinig. Masyado nila akong prinoprotektahan, simula ng mahiwalay ako sa kanila. Sa totoo lang ayoko na ngang bumalik sa manila, pero kailangan. Dahil andon ang pagaaral ko. Doon ako gagraduate.

Napapailing na lang ako dahil sa gusto kong manyari. Alam ko naman na makakasama ko rin sila ng matagal, pero hindi pa ngayon. Iintayin ko yun.

-----

Dalawang linggo ang nakalipas ng makabalik kame sa manila, galing sa probinsiya namin. Andito kame magkakaibigan sa loob ng Room, este kame lang pala ni Bri, hindi pumasok si Eli, pinatawag kasi siya ng Mommy niya. Kaya hindi nakapasok.

Dalawang linggo na din siyang hindi nakakapasok, pero nagagawa naman niya lahat ng pinagagawa samin.

"Bri, alam mo ba kung bakit 'di nakakapasok si Eli?" Tanong ko kay Bri.

"Malay ko, Anaya. Bakit 'di natin tawagan. Na-mimiss ko na yung gagang yun." Makapag-sabi ng gaga, e gaga din naman siya.

"Pwede rin, sige tawagan natin mamaya." I said.

Tumango siya sakin, nahihiwagaan nga lang ako sa mga nagdaang-araw. Hindi ko, madalas nakikita si Bryce, Marco at Eli. Bakit kaya.

Sabay na sabay silang mga nag-laho. Last time ko pa sila nakita nung pag-uwi namin. Ako din nami-miss ko na sila.

Gusto ko na ulit may kaaway, namimiss ko na yung bangayan namin ni Bryce. Kahit ganon yung damuho'ng yun namimiss ko parin yun. Mga pareho kame ng pinapasukan, pero bakit 'diko sila makita.

Ano kaya ginagawa nila? Bakit kaya wala silang paramdam? Ganon ba sila ka-busy. Bakit ako nagiging busy din, pero 'di naman na-absent. Napailing na lang ako.

"Bri, samahan mo ko. Puntahan natin sila Bry--este si Marco." Nauutal kong usal.

"Saan? Sa condo niya o dun sa bahay nila na mukhang higante." Natatawa pang usal niya.

"Baka doon na lang sa bahay nila sa Revillion. Mas malapit." Sabi ko.

Tumango naman siya sakin. Tuloy-tuloy ang oras hanggang sa tumunog na ang bell, hudyat na lunch break na. Pero hindi kame sa cafeteria nagtungo ni Bri, kundi sa Mini Park. Tatawagan kasi namun si Eli.

Kapit ko ang cellphone ng tipain ko ang number ng babae. Ring lang ng Ring ang cellphone hanggang sa may sumagot.

["Hello, who's these?"] Tanong sa kabilang linya. Pamilyar sakin ang boses niya.

Nakunot pa ang noo ko, dahil boses lalaki ang sumago. "Sino to?" Balik tanong ko din.

["Hello, Anaya. Si Eli 'to. Bakit ka napatawag?"] Si Eli na nga ang sumagot.

"Itatanong ko lang sana kung kailan ka makakapasok. Ang tagal simula ng hindi ka namin nakikita." Madamdamin kong saad.

["Namimiss niyo ko kaya tinatatanong kung kailan ako papasok. O siya, bukas papasok na ako. Babalik na din ako sa dorm natin."] Nabuhayan ako sa sinabe niya. So, pwede ko na rin ba makit si Bry--este Marco.

"Ganon ba, sige namimiss ka narin ni Bri." Sagot ko.

["Namimiss ko din siya, kayo. Osiya mauna na ako ibaba ko na ang linya."] Tumango ako na akala mo talaga makikita niya.

Agad kong narinig ako ang pagtunog ng cellphone, sanhi na patay na ito.

"Anong sabi?" Si Bri.

"Papasok na daw siya bukas, pero weird lalaki yung unang sumagot sakin. Alam ko walang boyfriend si Eli." Natataka ang mukha na nakaharap kay Bri.

"Malay mo pamangkin ng Tita niya. Hindi naman makakapagtago satin si Bri." Di parin ako kumbinsi.

"Pero Bri, parang kilala ko yung boses. Di ko lang maalala kung saan ko narinig." Di parin maipinta ang mukha ko.

"So, sino yun?" -Bri.

"I don't know." Umiiling pa ako. "Di ko maalala." Naiinis na wila ko.

"Hay nako, mamaya na isipin yan Anaya, pumasok na tayo at anong oras na." Ngumiti siya sakin.

Tumango naman ako sa kanya at sumunod na. Darit-daritso lang ako sa paglalakad at pag-iisip ng boses ng lalaki na yun, narinig ko na talaga siya. Di ko lang maalala kung saan at sino.

Marami ng lalaki sa buhay ko pero, isang lang dapat ang may boses ng ganon sa pandinig ko. Pero bakit 'di ko maalala. Agad naman akong napatakip ng kamay sa bibig. May amnesia ba ako?

Tanong ko sa sarili. Malapit na kame sa room ng bumalik sa tamang pag-iisip ang utak ko. Isasantabi ko muna yan, mamaya ko na lang iisipin. Marami pa naman ang oras, pero pwede ko naman yun itanong yun kay Eli, bukas.

Tumango-tango naman ako sa sariling naisip.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now