Hello, Enemy chapter 28

40 3 0
                                    

Chapter 28

3 months later

Tatlong buwan na simula matanggap ko ang mga taong nagpakilala na kaibigan ko. Masaya ako dahil nakilala ko sila ngayon, hindi lang dahil naging kaibigan ko sila noon.

Nandito kami sa isang Wedding shop dahil isa sa mga kaibigan ko ay ikakasal na. Hulaan niyo kung sino. Edi yung kababata ko. Ikakasal na si Bryce at Larah sa susunod na linggo, matagal na ang preperation sa ngayon magsusukat na lahat ng abay.

Isa ako sa abay at ganoon din si Eli at Bri, pero hindi saya ang makikita sa mga mukha ng mga kaibigan ko, ganon din kay Marco na nilalaro lang ang anak sa tabi.

"Coleen, okay ka lang?" Tanong ni Eli. Nakasanayan na nila na tawagin akong Coleen, dahil iyon ang gusto ko.

"Oo naman, bakit hindi?" Nagtataka kong tanong.

"Wala lang, tara sukatin na natin ito." Inabot ni Bri, ang akin at nagtungo na kami sa Fitting room.

Tinignan ko ang sarili sa salamin ng fittiing room, ang ganda ng damit. Pero hindi ito ang inaasahan ko. Ang makipagplastikan sa kanilang lahat. Ayoko man aminin sa sarili ko, pero masakit na ikakasal na sa iba ang lalaking mahal ko.

3 months, tatlong buwan na ang nakakalipas ng maalala ko ang lahat. Nung araw na sumakit ang ulo ko at makausap ko si Bryce, pinili ko na makaalala dahil piling ko mahalagang bagay at tao pala ang mawawala sakin.

Pero dahil nakikita kong okay naman sila lahat, masaya na ako dito. Kung yun ang gusto ni Bryce, lalo na ang Pamilya ni Bryce, magiging masaya din ako. Pero hindi ko inaasahan ang pagpatak ng luha galing sa mga mata ko.

Agad ko yung pinunasan ng makarinig ako ng katok.
Busy pa ako sa pagtingin ng sarili ko sa salamin ng may biglang kumatok sa pintuan ng fitting room. "Coleen, kung tapos kana labas ka na muna para makita ang fitting sayo." Boses ni Bri, ang naulinagan ko.

"Palabas na." Mahinhin na usal ko

Lumabas ako ng fitting room at nakita ko doon ang lahat ng kaibigan ko, pati na rin ang ikakasal. Na si Larah at Bryce, kanina kasi wala sila. Kami lang ang nandito.

"Sabi ko na nga ba mas babagay sayo ang infinity, ang ganda mo Coleen." Si Larah, ngumiti naman ako sa pahayag niya.

"Salamat." Wika ko.

Bumalik ako sa loob ng fitting room para magpalit ulit ng damit ko. Tumingin pa ako saglit kay Bryce, pra makita ang reaksyon ng mukha niya pero naka-poker face lang siya nakatingin sakin.

Ngumiti na lang ako at nagdarit-daritso sa loob ng fitting room. Paglabas ko okay na silang lahat, kinakausap ni Larah ang nagtahi ng lahat ng damit namin. Pati narin ang wedding gown at suit ng fiancee niya.

Ako naman ay umupo sa tabi ni Marco, at nilaro si Leigh, ang anak nila ni Eli. Alam ko naman sa sarili ko na napatawad ko na silang lahat, kahit hindi ko alam kung ano ang puno't dulo ng lahat. Pero dahil kaibigan ko sila at mahal ay kaya ko dapat na magpatawad at magbigay ng pangalawang pagkakataon.

Pero bakit sa sarili ko ay hindi ko magawa o dahil hindi ako handa na makasira ng pamilya na malapit na mabuo. Hindi porket mahal ko si Bryce, okay na yon.

Napatayo ako ng lumapit na sakin ang mga kaibigan ko. "Coleen, pwede bang samahan mo si Bryce, na pumunta sa catering tomorrow. Para maasikaso ang mga pagkain at maprepare na?" Pagsuyo ni Larah.

"Bakit hindi na ikaw ang sumama sa kanya, Larah?" Tanong ko.

"May appoinment ako tom, kaya nagpasuyo ako sayo. Pwede mo naman isama kung sino ang gusto mo." Nakangiti nito usal.

Napatingin ako kala Eli at Bri, nanghihingi ng tulong. Agad namang nakuha ni Bri, ang nais ko ipahatid. Dahil hindi ako handa sumama kay Bryce, ng kaming dalawa lang baka may masabi akong hindi dapat.

"Ako na lang sasama, para tatlo na kami." Nakangiting usal ni Bri.

Nginitian ko siya. Walang nakakaalam ni isa sa mga kaibigan ko na nakakaalala na ako. Pero ang Pamilya ko ay alam nila. Maaga din kami umuwi nun dahil gusto ni Larah, na maaga din maayos ang catering bukas.


-

-----

Kinabukasa ginising ako ni Mama, dahil hindo ko naalarm ng mas maaga ang alarm clock ko. Pero maaga parin naman ako ginising ni Mama, alam niya na may alakad ako ngayon.

"Bumangon kana diyan Coleen, may nag hihintay sayo sa baba?" Agad ako napabangon ng marinig ang sigaw ni Mama, sa may pintuan.

Tumakbo ako agad sa hagdan para makita kung sino yung naghahanap, pero nanlumo ako sa nakita. Nakita ko lang naman si Bri, na prenteng nakaupo sa sofa namin sa sala.

"Bri, kanina kap?" Tanong ko dito.

"Oo, pero okay lang take your time Coleen, wala pa naman si Bryce." Usal niya.

Ngumiti ako sa kanya at bumalik sa kwarto ko, saglit lang akong naligo at nagbihis. Sinuot ko yung huling regalo sakin ni Mama, nung birthday ko. At sneakers naman sa paa.

Pagbaba ko sinalubong ako ni Bri, at nagaya na ako sa labas na lang maghintay. Tahimik kaming dalawa ng basagin ni Bri, ang katahimikan.

"Nakakaalala ka na no." Hindi ko alam kung tanong o hula lang niya yon.

"Pano mo nasabi?" Tanong ko pabalik.

"Kasi yun yung nakikita at nararamdaman ko. Wag mo ng lokohin ang sarili mo Anaya, kung gusto mo tutulungan kita." Tumingin ako kay Bri, nakangiti siya sakin.

"Sa tingin mo ganon kadali." Usal ko.

"Oo, wala mahirap para sa kaibigan na nangangailangan ng tulong. Nandito lang ako, handa akong tulungan ka diyan sa bumabagabag sayo." Niyakap ako ni Bri. Namalayan ko nanlang nanumiiyak nanako sa balikat niya. "Tahan na, baka magtakabsi Bryce, na umiyak ka. Alam ko naman na wala ka ng balak na sabihin sa kanila." Nakangiti paring usal niya.

Tumango ako kay Bri. Sa tagal namin magkasama ng makaalala ako, hindi lang pala slow minsan si Bri, kasi ngayon ko lang nakita ang side niya na ganito yung masinsin pero makikita ang pagmamahal sa mga kaibigan.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now