Hello, Enemy chapter 13

50 11 0
                                    

Chapter 13

Bandang hapon na kame nakarating sa Laguna. Ginising lang ako ni Bryce, ng malaman ko na nasa tapat na kame ng bahay namin. Medyo nailang pa ako sa kanya ng magtama ang mga mata namin.

Agad naman akong nagiwas ng tingin at lumabas ng Van, sinalubong ko ng yakap si Mama at Papa, dahil parehas ko silang na miss, ganon din ang mga kababata kong kapatid na kambal.

Ganoon ko sila ka-miss, kundi lang ako mag-aaral sa University na yun, hindi ko talaga sila iiwan.

"Hi, tita tito. Maganda gabi po." Bati nila Bri at Eli.

"Magandang gabi mga hija." Si Mama.

"Ma, Pa si Marco at Bryce pala mga kaibigan ko. Tas sila Eli at Bri Ma, alam ko naman na kilala niyo na sila e. At Ma, yung kababata ko na hindi na bumalik noon nakita ko na siya ngayon." May saya sa tono na salita ko.

"Talaga anak, nasan siya ang galing talaga ng instick ko, buti na lang nakapag-luto ako ng pabrito n'yong bibingka, ayaw pa sana akong paglutuin ng Ama mo kung hindi ko lang pinilit. Tara sa loob." Usal ni Mama, halatang masaya siya.

"Si Marco, Ma yung hinahanap kong kababata." May ngiti sa aking mga labi.

Nilingon naman ni Mama ang tinutukoy ko. Agad nagkaron na kunot-noo sa noo ni Mama.

"Ito na ba si Casver ngayon. Kay gwapong bata ire." Nilapitan ni Mama si Bryce. "Hindi ka na bumalik simula ng umalis ka, at ang pamilya niyo. Ngayon ang laki mo na." May ngiti sa mga labi ni Mama, pero ako ay hindi mapakali, hindi naman yun si Marco.

Pati bakit Casver ang tawag ni Mama sa kababata ko. Bakit ako hindi ko matandaan yung pangalan niya? Bakit 'di ko maalala?

Tanong sa isip ko.

"Hindi po ako si C-casver." Naiilang na sagot ni Bryce.

Agad nalamatan ng pagkunot ng noo si Mama. "Kung hindi ikaw, sino?"

"Ako po, Tita." Biglang sabat ni Marco.

Napalingon si Mama sa kanya. Tinitigan ni Mama si Marco, hanggat sa bigla ito'ng umiwas na lang. Daret-daritso si Mama pumasok ng bahay, walang salitang iniwan.

"Ailyn!" Pagtawag ni Papa dito. Pero hindi lumingon si  Mama. "Pag-pasensyahan mo na ang Mama mo Coleen, ganon lang talaga yun ngayon. Nabigla lang siya dahil ngayon na lang niya ulit nakita ang anak ng kaibigan niya. Wala na kameng balita non ng umalis ka dito. Kasi ikaw lang naman ang nagpapadala ng sulat sa kanila." Nasa mata ni Papa ang pag-aalala.

"Pero Pa, ng umuwi ako ng manila itinigil ko na din naman ang papadala sa kanila ng sulat." Sagot ko sa kanya.

"Pero nakita mo parin sila. Ni hindi man lang nagpadala ng sulat ang Mama mo hijo na nagsasabi na nandito na kayo sa pilipinas. Iniintay parin yun ng kaibigan niya hanggang ngayon. Pakisabi sa kanya na magpunta minsan dito, para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ng asawa ko." Baling ni Papa kay Marco. "At nagpadala kame ng sulat sa kanya non. Para sa kaarawan ng asawa ko, hindi ko lang alam kung nakuha niya." Dagdag pa ni Papa.

Totoo yun, simula ng umalis sila Marco. Nag-iba ang ugali ni Mama. Kasi yung na lang ang meron si Mama non kaibigan. Dahil wala ng mga magulang si Mama, iniwanan na lang siya nito ng mamanahin niya at yung restaurant na hanggang ngayon ay buhay parin. Marami parin ang tumatangkilik sa luto ni lolo at lola non na alam ni Mama lahat lutuin.

Katulad na lang nung bibingka na madaming cheese. Kaya namin naging favorite ni Marco yun kasi yun lang ang lagi naming pinagaawayan pag-nagluto na si Mama.

Pero nagbago yun ng umalis ang pamilya nila. Ang sakit palang maiwan non. Sobra-sobra.

"Anaya, pumasok na tayo sa loob." Pag-gising ni Papa sa naglalakbay kong utak.

Inalalayan ako ni Marco, ng bigla akong mapatingin kay Bryce na nakatingin din pala sakin. Nagiwas lang siya ng tingin ng papasok na kaming lahat.

Nagpahain na si papa ng pagakain sa mga maid namin ng utusan niya akong tawagin si Mama sa kwarto, dahil maghahapunan na kame. Umakyat ako sa taas para matawag si Mama.

"Ma, kakain na po." Perong walang sumagot. Kumatok ulit ako at wala ulit sumagot ay pinihit ko na ang seradura ng pinto. Buti bukas naman.

"Ma, kakain na." Ulit ko pagpasok. Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang may kapit na box.

"Coleen, anak." Nakangiti ang mga labi ni Mama, pero hindi ang kanyang mga mata.

"Ma, tinitignan mo na naman yan." Walang gana kong salita. Kinuha ko kay Mama ang mga album namin noon at album ng kaibigan niya at kababata ko noon.

"Namimiss ko lang sila." Sagot niya sakin.

"Ako din Ma, pero nakita ko na sila pwede na natin ulit sila makita." Nasa tono ko na gusto ko siya pasayahin.

"Pero nak, sigurado ka bang si Casver yung Marco?" Nasa tono ni Mama ang hindi kasiguraduhan."

"Ma naman, sigurado po ako. Bakit may problema ba Ma?" Tanong ko.

"Hindi ko makita sa kanya ang anak ni Brenda. Ang kaibigan ko. Yung isang lalaking kasama niyo, anong pangalan niya anak?" Seryoso ang mukha ni Mama ng tumingin sakin.

"Ma, imposible Revillion ang apilido ni Tita Brenda diba. Revillion si Marco. At lolo at lola nila si Don Fransisco Manuel Revillion at Donya Belinda 'tierra' Revillion. Mag-pinsan sila Ma. Byrce Lucas Gueverra ang pangalan nung isa sa kanila." Pagpapaintindi ko kay Mama.

"Kaya pala sila magkamukha. Pero hindi parin ako kumbinse." Tumayo si Mama, sa pagkaka-upo. "Pati hindi Revillion, ang apilido ni Brenda kaya malabong sa Marco, na tinutukoy mo ang kababata mo noon." Tumuloy na sa pag-walk-out si Mama.

Pano hindi siya kumbinse? Bakit ayaw niya maniwala?  May mali ba dun sa dalawa? Matagal ko na sila kasama. Pero hindi ko parin nasasabi sa sarili ko kumbinse nga ba akong si Marco, ang kababata ko.

Ayan tuloy nagkaroon na rin ako ang doubt sa sarili ko ee.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now