Hello, Enemy Epilogue

66 4 0
                                    

Chapter 31

Hindi natapos ang araw na yon na hindi kami kinakasal ni Bryce, sabi ko sa kanya pwede pa naman sa ibang araw ayusin muna namin ang dapat ayusin pero ang damuho wala nasunod parin ang kanyang gusto.

Kaya ngayon andito kami magkakaibigan sa entrace, iniintay ang pagbukas ng pinto. Kasama ko si Mama at Papa, masaya silang ng makita nila masaya din ako.

Sa kinahaba-haba ng paghihintay ko bumukas na din ang pinto. Agad kong nakita ang inayos namin Bri, kahapon. Pero medyo may naidagdag na mas magpapaganda pa.

Lumingon ako sa kanan ko na makita ko don si Larah, nakangiti siya sakin. May kasama siya guy, hindi ko nga lang kilala.

Nang makarating sa unahan. Agad kong nakita ang Daddy at Lolo ni Bryce. Magkakasama sila sa unahan. Agad naman akong nagmano sa kanila at ganon din si Bryce, kay Papa at Mama.

"Paano, alagaan mo ang anak ko Bryce." Usal ni Papa.

"Makakaasa ka Tito." May paninindigan sa tono ng pananalita ni Bryce.

"Papa, ang itawag mo sakin. Mas magandang pakinggan." Natatawang usal ni Papa.

"Hon, tama na yan. Nasa kasalan tayo. Wala sa Party." Usal ni Mama.

Kahit ako kanina pa naghihintay na matapos sila. Hindi naman sa excited pero parang ganon na nga. Umupo na nga sila Papa sa seat nila at kami naman ni Bryce, ay tungo na sa altar.

"Welcome family and friends. We are gathered here today to witness and celebrate the marriage of Bryce Lucas Gueverra and Anaya Coleen Montecilio Gueverra. This is not the beginning of a new relationship but an acknowledgment of the next chapter in their lives together.Bryce Lucas Gueverra and Anaya Coleen Montecilio Gueverra have spent years getting to know each other, and we now bear witness to what their relationship has become. Today, they will affirm this bond formally and publicly.Bryce and Anaya, will mark their transition as a couple not only by celebrating the love between themselves, but by also celebrating the love between all of us-including the love of their parents, siblings, extended family, and best friends. Without that love, today would be far less joyous." Usal ng pari.

Binigyan kami ng mic para sa vow. Hindi naman ganoon kahaba ang prepare ko dahil, hindi ko naman alam na ako pala ang ikakasal. Sa totoo lang wala nga akong naprepare.

"Do you Bryce take Anaya, to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto her for as long as you both shall live?" Father ask.

"Yes, I do." Bryce said.

Tumingin ang pari sakin at nginitian ako. Ngumiti din naman ako pabalik.

"Do you Anaya take Bryce, to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?" Father ask.

"Yes na yes, I do." I said.

Ito na yung oras ng palitan ng singsing. Tinawag ang ring bearer na kinuha ni Bryce, hindi ko nga lang kilala. Pero ang cute niya. Kinuha ni Father yun at binigyan ng isa si Bryce.

"Bryce, place the ring on Anaya's finger and repeat after me:" Father said.

"Anaya, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever." Ginaya ni Bryce, ang sinabi ni father.

"And now...Anaya, place the ring on Bryce's finger and repeat after me:"

"Bryce, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever." Nakangiti ko usal, bago ipinadulas ang singsing sa kamay niya.

"By the authority vested in me by the State of the lord, I pronounce that you two are now to be married." Sigaw ng pari, yun na din ang hudyat na kasal nankami.

Tinaas ni Bryce, ang vail na suot ko at saka ako hinalikan. Dinama ng labi ko ang mga labi niyang nakalapat sakin. Yaan ang halik ng asawa ko.

Nagtayuan ang lahat ng tao at nakipalakpak din, kita ang saya sa mga mata nila ng matapos ang kasal. Sa Reception kami lahat dumaritso.

"Hi friend. Happy wedding, sana sa susunod ako naman." Si Bri, bumalik ang dati niyang ugali.

"Oo naman, nauna lang ako." Sabay kaming tumawa.

"Anaya." Agad akong napatingin sa gilid ko.

Si Eli, simula non di ko pa ulit siya nakakausap. Nginitian ko siya at sinalubong ng yakap. Lately palaging naiyak si Eli, hindi kaya.

"Eli, buntis kaba?" Tanong ko.

"Hindi, naiyak ako kasi okay na ulit tayo. Kala ko hindi mo na ako mapapatawad." Natawa ako sa itsura niya ang cute niya kasi e.

"Pwede ba yun. Kaibigan kaya kita." Nakangiti kong usal.

"Yehey, bati na sila." Si Bri.

Nagyakap kamung tatlo. Ng may dumamba sa pang-upo ko. Paglingon ko nakita ko doon si Leigh, ang cute talaga ng batang ito.

"Mommy." Sigaw niya ng kargahin ko.

Nilaro ko siya saglit at ibinigay na din kay Eli, nagsimula ng umiyak eh. Nakatanaw ako sa maraming tao na nagbigay ng saya at lungkot sa buhay ko.

Ang tao talaga hindi nabubuhay ng hindi nakakaramdam ng lungkot at saya sa buhay. Lalo na yung mga taong nandyan sa tabi natin. Katulad ko na nakaramdam muna ng lungkot bago naging saya.

Masaya ako dahil nakatagpo ako ng kaibigan na masasandalan, husband na makakasama habang buhay. At higit sa lahat pamilya na matatakbuhan. Andyan lang sila parati sa tabi ko. At andito lang din ako para sa kanila.

I'm Anaya Coleen Montecilio Gueverra and Bryce Lucas Guevera my husband.

Eres mi enemigo favorito, all.

End.

[Jwk😋]

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now