Hello, Enemy chapter 29

46 3 0
                                    

Chapter 29

Okay na ako ng dumating si Bryce, maayos na ulit ang pakiramdam ko. Eto na naman ako sa pakitang walang maalala pero meron naman talaga. Ayokong sumira ng pamilya na malapit na mabuo kaya ko ito ginagawa. Ayokong matawag na selfish ang sarili ko kung sisirain ko pa iyon.

Napatingin ako kay Bryce, ng dumating siya. Wala na naman akong makitang reaksyon sa mukha niya. Pag natatagpo ang mga mata namin ay titignan niya lang ako na parang hindi ganoon kaimportante.

Sumakay kami ni Bri, ng kotse. Sa backseat ako umupo para sa passenger seat naman umupo si Bri, dahil naunahan ko na siya dito sa backseat.

Maaga kami nakarating sa shop ng pagkain para sa catering nila. Nauuna si Bryce samin dahil siya ang nakakaalam.

"Goodmorning po Sir, kayo po ba yung nagpareserve?" Tanong ng isang staff.

"Yes, pwede na ba namin makita yung mga pagkain?" Tanong ni Bryce.

"Yes, Sir. Mukhang maganda ang kalalabasan ng kasal ang ganda po kasi ng fiance niyo." Usal ng staff habang nakatingin sakin.

"Hindi po ako ang ikakasal."

"Maybe."

Sabay namin na usal ni Bryce. Agad naman akong napatingin sa kanya. Wala paring reaksyon ang mukha niya.

"Ganon po ba, pasensiya na po Maam. Sige po Sir, dito po tayo." Pinasunod kami ng staff sa loob para makita ang mga pagkain at ipinatikim kung ano ang kukunin ni Bryce.

"Anong lasa? Masarap?" Tanong ni Bryce, sakin habang ngumunguya pa.

"Oo masarap, magugustuhan din ito ni Larah." Usal ko. "Ikaw Bri, masarap hindi ba?" Tanong ko sa babae.

"Yes, masarap siya." Usal ni Bri.

Ngumiti ako sa kanya. Mahigit twenty food ang natikaman namin pero thirteen lang ang nagustuhan ni Bryce. Ang dessert naman ay cupcake ang nagustuhan niya, halo-halo ang flavor. May faountain pa dahil nireques ni Bri.

Maaga din kami nakauwi ng araw na yun, ang kailangan na lang naman gawin ay yung pagaayos ng simbahan na pagkakasalan. Kami ni Bri, ang nagpresent na mag aayos may kasama din naman kaming magaling magayos 'di ko nga alam kung bakit pinakapit samin ito ni Larah, tutal mayaman naman sila.

"Bri, anong theme ang napili ni Bryce at Larah, for the weeding?" Tanong ko sa babae.

"Ang alam ko hindi sila nagbigay ng specific na theme, para daw hindi na nila pagtalunan." Tumango naman ako.

Andito na kami sa Venueng kasal para ayusin ang simbahan at mamaya naman ay sa reception kami tutuloy, para maayos na din yun. White at Blue, ang color ang mga kagamitan na ginamit namin para kahit dito lang maramdaman ko na ikakasal ako sa taong mahal ko.

"Coleen, paabot ako nung mga flower." Tawag sakin ni Bri.

Agad ko naman inabot ang pinauutos niya. Malapit na kaming matapos sa pag aayos, nililinis na lang para mas gumanda ang pagkakaayos. Bumaba si Bri, sa ladder at pinagmasdan namin ang pagkakaayos ng ginawa namin.

"Ang ganda, sana sa sususnod ako naman." Usal niya.

Napatawa ako sa sinabi ni Bri, bakit siya lang dapat ako din. Usal ng utak ko. "Damay mo naman ako sa gusto mo, dalawa kaya tayong hindi pa ikakasal."  Nakangiti kong usal.

"Ako lang muna, kasi ikaw may chance pang maayos. Pero ayaw muna, pwede pa natin ipatigil ang kasal Anaya, papayag si Bryce, ako ang nagsasabi sayo." Malungkot ang mga mata ni Bri, na nakatingin sakin.

"Yayain na natin si Bryce, na pumunta sa reception." Pagiiba ko ng topic.

Ayoko ng pagusapan pa ang tungkol doon, baka hindi ko kasi mapigilan. Baka magawa ko ang hindi dapat. Na sunod nga ang gusto ko na sa reception kami dumaritso. Saglit lang namin inayos yun, dahil bukas na ang kasal.

Mamaya dadating ang mga damit ng abay, nasa bahay ako ngayon habang nakatunganga sa terrace, iniisip kung tama ba ang gusto kong mangyari, kung wala ba akong pagsisisihan sa huli.

Pero ito ang tama, kaya ito ang gagawin ko. Paalis na sana ako sa pagkakaupo ng makita ko si Papa, sa likod ko. Ngumiti siya sakin at tumabi sa gilid ko.

"Bakit di ka pamatulog, maaga ang kasal bukas?" Tanong ni Pap.

"Ayoko pa po, di pa ako inaantok Pa." Nakangiti kong usal.

"Ganon ba, oo nga pala nasa baba na ang invitation at ang susuotin mo para bukas gusto mo makita, kukunin ko?" Tanong ni Papa.

"Hindi n Pa, maalala ko na naman kasi na ikakasal na pala ang kababata ko. Ang taong mahal ko." Sa langit ako nakatingin.

Naramdaman ko ang kamay ni Papa, na kumapit sa likod ko. Napatingin naman ako sa kanya. Ngumiti si Papa, agad din naman ako napangiti para may sinasabi ang mga ngiti niya.

"Mahal mo talaga siya, ano. Kaya tama parin ang desisyon ko anak. Kahit nagpapanggap ka sa harap niya, hindi naging sagabal yun para mahalin ka niya." Nagulat naman ako sinabe ni Papa.

"Pa, tungkol po saan?" Tanong ko.

"Wala yun, anak sige na matulog kana. Maaga pa tayo bukas." Nakangiting usal ni Papa.

Hinalikan ni Papa, ang noo ko bago ako nagpaalam na papasok na sa kwarto ko. Nakita ko yung napalaking kahon na naglalaman ng susuotin ko bukas.

May naguudyok sakin na tignan siya pero, parang ayoko. Hindi pa ako handa para bukas. Ayoko siyang maikasal sa iba pero wala naman akong ginagawa na dahilan para bumalik siya sakin

Para saan pa, patay na ang mga baboy ayos na ang venue, tahi na ang gown at suit. Bakit kailangan ko pang makielam sa mangyayari para bukas.

Mas pinilit kong mahiga sa kama kesa buksan ang napakalaki na kahon na yun. Para saan pa, kung masasaktan lang ako pag nakita ko kung ano yung nasa loob.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now