Hello, Enemy chapter 15

38 4 0
                                    

Chapter 15

Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko sila sa hapag-kainan. Nandon na din si Mama, kala ko hindi siya sasabay samin. Tumabi ako kay Marco at katapat ko si Bryce, sa hapag na ang katabi ay si Mama.

"Hala sige, kumain na tayo." Biglang usal ni Papa.

Nagkanya-kanya ng kuha ng kanin at ulam, pero hindi si Bryce, pinagsasandok kasi siya ni Mama. Kung baga ingat na ingat siya kay Bryce, teka nga sino ba ang anak dito. Ampon ba ako.

"Sige, hijo kumain ka. Masarap ang mga 'yan ako ang nagluto." May ngiti sa labi at mga mata ni Mama.

"Sige po, Tita mukha'ng masarap nga po lahat." Nakangiti din si Bryce, ng tignan niya si Mama.

"Oo naman, hijo yan ang mga paborito ng anak ko at ni Casver, sabay kasing lumaki ang dalawa'ng iyon, hindi na mapaghiwalay." Pagsisimula ni Mama sa usapan.

"Ah, ganon ba Tita. Mukha nga pong masaya ang anak niyo, ngayong nakita at nakakasama na niya ang kababata niya." Napatingin ako kay Bryce, na nakatingin narin pala sakin.

"Abay, masaya dapat talaga ang anak ko. Matagal na niyang hinahanap ang kababata niyang iyon. Ganoon din ako." Usal ni Mama. "Pero okay na ako nakikita kong masaya ang anak ko, masaya na din ako." Tinignan ako ni Mama.

"Thankyou Ma!" Madamdamin kong saad.

"Okay lang iyon anak. By the way, ikaw si Marco, hindi ba?" Baling ni Mama kay Marco, na nasa tabi ko.

"Ako nga po Tita."

"May gusto lang sana ako na hilingin sayo bago kayo bumalik ng Manila." Salita ni Mama.

"Ano po yun, Tita. Kahit ano po gagawin ko." Nasa tono ni Marco, ang kagustuhan na makatulong.

"Gusto ko sana makita si Brenda, sa araw ng kaarawan ko sa makalawa. Pwede ba hijo, alam kong pupunta dito ang Mama mo, dahil miss na miss na ako niyo'n. Ako rin miss na miss ko na siya." Malumanay na usal ni Mama.

"Ganon po ba Tita, t-tawagan ko po si Ti-este Mama pala mamaya." Marco said.

Tumango si Mama kay Marco, at binalingan ulit si Bryce, na bising-busy sa kinakain.

Sampalin ako ngayonnnn naaaaa....

Anong nangyari kay Mama? Bakit parang hindi namin kasama si Marco kanina? Bakit ganon ang inaasal niya? May alam ba siya?

Pero anong alam? E ngayon lang nagkasama-sama sila. Ano ba yan ang gulo. Ang gulo ng utak mo author.

Lumilipad ang utak ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pinagbuksan ko naman agad yon at nakita don si Eli.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede pumasok An?" Tanong niya.

"Oo naman, bakit ano bang pinunta mo dito?"

"Yung kanina sa baba, alam ko naman na nahihirapan ka kaya ka umakyat agad. Pero ano yung totoo Anaya?" Pag-uusisa niya.

Tatanungin niya pa ako, e ako nga 'di matulungan yung sarili ko.

"Anong totoo?" Nagdadalawang isip din na tanong ko.

"Na kung bakit ni pangalan ng kababata mo 'di mo matandaan?" Biglang ungkat ni Eli.

"Yan din ang tanong ko sa sarili ko Eli, pero 'di ko alam kung sino ang makakasagot." Wala sa sarili kong usal.

"Bakit, hindi mo itanong kay Tita at Tito?"

"Baka kasi natatakot ako sa sagot nila." Usal ko. "Pero gusto ko 'din malaman ang totoo." Dagdag ko pa.

"Osige na, mauna na ako sa kwarto namin ni Brie, at mukha may naghihintay pa sayo sa labas." Nangingiting usal niya.

"Huh?"

"Kahit 'di mo naman sabihin, halata ka na Anaya." Pananakot ni Eli.

"Na a-ano!?" Kabado kong tanong. Bakit kaya? 'Di ko  din alam ei.

"Na, you like him." Nakangiti na ang gaga.

"Eli, ayokong pag-usapan yung tungkol d'yan." Umupo ako sa sofa sa kwarto ko.

"Bakit anong masama don, magpaka-totoo ka nga Anaya, hindi yung puro ka Marco, hindi porket kababat mo siya. Siya na ang gugustuhin mong makasama habang-buhay." Madamdamin niyang saad.

"Wala naman akong sinasabe na gusto ko si Mar--" Putol na usal ko.

"Oh, diba na dulas kana. Sabi ko naman sayo eh, hindi si Marco, ang magpapasaya sayo kung hindi si Bryce. Akala mo hindi ko nakita, hinalikan ka ni Bryce, sa van kanina." Naniningkit ang mga mata niya sakin.

Ako naman 'tong si tanga, pulang-pulan na sa tabi. Grabe naman Eli, oo na tama na lahat ng sinabe mo pero wag mo naman ipamukha. Alam ko naman lahat yan, ayoko lang myna alamin.

"Wala na, hindi na nakapagsalita. Ano tameme na lang d'yan." Pang-aasar niya pa.

"Eli, pwede ba. Kita mo na-mumula na ako sayo. Sige-sige aaminin ko na gusto ko si Bryce, okay ka na masaya ka na?" Naiinis kong usal ko sa kanya.

"Eto naman di mabiro, pero support ako sayo. Gwapo naman si Bryce, matipuno, matalino, mayaman higit sa lahat mabango." Nagulat naman ako sa sinabe niya.

"Bakit pati amoy niya alam mo?" Nagugulat kong tanong.

Pero binigyan niya lang ako ng ngising, nagpainis sakin. Bago tumakbo.

"Eliiiiii....bumalik ka dito......" Sigaw ko habang hinahabol siya.

Pero si gaga hindi na nagpakita hanggang sa bumunggo ako sa matigas na bagay. Kala ko poste tao pala, at eto yung tao na kanina lang ay topic namin nu bayan.

"Bakit naman tumatakbo ka ng walang slippers!" Maotoridad niyang sabi.

"Ah, a-ano kasi...si Eli, biglang tumakbo ayon nahabol ko b-bigla." Utal-utal ko usal.

Pero mas nabigla ako ng bigla niya akong buhatin 'bridal style'. Agad akong napalingon sa kanya. Ano ba itong nararamdaman kong ganito, not now please. Parang ako natatae na ewan, pero kabado malala. Feeling ko, mararamdaman at maririnig niya ang sinasabe ng puso ko.

"Bryce, put me down." Pagwawala ko sa kanya.

"Why, ayaw mong ganito gusto mo lips to lips." Nang-aasar niyang turan.

Agad naman akong pinamulahan ng mukha, tinitigan ko para matakot siya sakin pero ang damuho walang ginawa.

"Bryce, nagagalit na ako." Naiinis kong turan.

"May kahinaan na pala ang isang Anaya, ngayon." Nakangisi ang damuho.

"Bryceeeeeeee....." Sigaw ko.

Pero ang dmuho walang ginawa, nagdarit-daritso sa kwarto ko. Arhgggg. May araw ka rin sakin lalaki ka.

Hello, Enemy |√Where stories live. Discover now