CHAPTER 28

3 0 0
                                    

Betina's POV
Dumating si Nick ng 1:30, pinagpaalam nya ko kay Mama Bea, na magoovernight daw, pero binulong nya lang kay amam kung saan kami pupunta talaga tong boyfriend ko andamng paandar, sobrang laki din naman ng tiwala ni Mama kay Nick.

" Anak, sige na umalis na kayo, wag mo akong alalahanin,ayos lang ako.Sige na, at baka gabihin pa kayo sa daan." paninigurado ni Mama sakin sabay yakap ng mahigpit, naiiyak na naman ako, pero kailangan kong maging matatag, at paniwalaang everything happens for a reason. Di ko man maintindihan ngayon, alam ko sa mga susunod na panahon it will be revealed.

" sige, ma. alis na po kami, andun yung ipad sa kwarto mag-Candy Crush ka ng malibang ka naman, tinaeagan ko na si Kuya Bryan uuwi sya kasama si ate, para may kasama ka. love you mama, you're the best mama in the whole wide world! " pagchicheer ko kay mama. Ayokong maramdaman nya na masyado ko pa ding iniisip yun. Though hindi talaga madali, pero for now kailangang mas maging matatag.

Umalis na kami ni Nick, at sa sasakyan, hindi ko namalayan kanina pa pala ako nakatulala, parang naiwanan sa bahay yung iaip ko, natauhan lang ako ng bigla ni Nick i-park sa gilid ang sasakyan.

" mahal, alam ko hindi madali, alam ko din na di ko pwedeng hilingin sayo na kalimutan mo muna,.." malumanay na sabi ni Nick.

" Nick, what if...mangyari din satin yun? later on.. pag may pamilya na tayo? ehat if ma-fall out of love ka, si mama nga mabait pa, pero ganun, what if... stop na lang natin kaya? what if? ..." andami ko pang gustong sabihin ng bigla syang sumigaw... at sinuntok ang manibela.

" @$!:':?/?"/:"=?(@@("-$$$!!! Betina na naman e! I'm trying my best, to help you.. bat naman ganito bat biglang ganito...ako takot na takot akong mawala ka, pero it seems na ganun lang kadali sayo ang iwan ako.. yung idea pa lang na iiwan mo ko parang sasabog na yung ulo ko, mababaliw ako..." nangingilid ang mga luha habang sinasabi nya ito. Tahimik lang ako, at patuloy ang pag-agos ng luha.
" HINDI MO ALAM KUNG ANONG PINAGDADAANAN KO.." mariin kong sabi, at sabay tingin sa bintana ng sasakyan.

" Okey, I'm sorry mahal, sorry... ayoko lang kasi na you stop living dahil napako ka na sa sakit na dulot nagpagkakamali ng papa mo, na ayokong yung takot mo na masaktan yung mag-end sa mga pangarap natin, magtutulungan tayo para hindi umabot sa ganun, Tiwala, alam kong ayan yung nawala sayo, ayan yung bagay na pinaghawakn mo sa papa mo and ayan yung pagsususmikapan kong ibalik. Mahal na mahal kita, Betina." damang dama ko yung takot nyang mawala ako, damang dama ko yung sincerity ni Nick, tama sya di ko dapat patigilin ang mundo dahil lang nasaktan ako.

" sorry? " pabulong kong sinabi, nahihiya na kasi ako grabe na yung effort nya para masamahan lang ako sa pinagdadaanan ko pero eto ako naoopen na naman ng mapag-aawayan.

" I understand, sorry din." sabi nya sabay punas sa pisngi ko.

" sorry kung nababalewala ko yung effort mo, sorry kung ambilis ko sumuko, sorry kung di kita ma-priority ngayon, basag na basag lang ako, sorry, kung nakakasawa yugn ugali ko, sorry, maiintindihan ko kung sasabihin mong napapagod ka ng intindihin ako.Sorry, sorry mahal, natatakot lang talaga ko, takot na takot...huhuhu..." hindi ko na natapos yung sasabihin ko, niyakap nya ko ng sobrang higpit, parang makakalas yung mga buto ko, at hindi na ko halos makahinga.

" eto tatandaan mo Betina, kahit anong mangyari andito ko para sayo, oo naiinis, napipikon ako sa mga negative thoughts mo, napapagod ipaintindi sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko, pero kahit kailan, hinding hindi ko pagsasawaan na intindihin ka, kahit hindi na kita maintindihan, kahit bigyan mo ko ng lahat ng dahilan para iwan ka, A-Y-O-K-O.

napatingin ako bigla sa mukha nya habang yakap nya ko, " hmmm.. baket?" na-curious ako sa conviction nya.

" kasi kung meron man akong kayang ibigay sayo e. yun ay pang unawa, at pagmamahal hanggang sa maintindihan mo na hindi lang ikaw ang taong niloko, di lang ikaw ang taong iniwan at hindi lang ikaw ang taong inagawan ng minamahal, I have all the rights para magalit sa mundo, pero nung nakilala kita binago mo lahat yun, you made me live again." nung marinig ko yun parang may malaking tipak ng yelo sa puso ko ang natunaw.

" sorry, babawi ko...sorry na ha..." paglalambing ko. Sobrang nakagaan ang words of wisdom nitong boyfriend ko. Makasama ko lang sya ok na ok na talaga ko.

" you are forgiven." nakangiting sabi nito.

Tinaas ko yung right hand ko at humarap ako sa kanya with a serious face.

" ano yan? " sabi nya.

" eiiii... wag ka nga..." tinabig ko sya at tinuloy ko yung ginagawa ko.

" ako si Betina Carlos, nangangako simula sa araw na ito, hinding hindi na sasaktan ang puso ni Nick Beltran at mamahalin dya hanggang sa lumobo na ang tiyan nya, at may rayuma na at di na mabilang na puting buhok at kulubot sa mukha. Maging hanggang sa aking huling hininga." panunumpa ko sa harap nya. at bigla syang napabuga sa tawa.

" ayoko na nga, binabawi ko na tinatawanan mo ko sa covenant ko e." sabi ko na parang bata.
" ayaw agad, tawa agad? di ba pwedeng masaya lang ako, kasi ayan na si ulit si Betina kulit, di din ba pwedeng kinilig lang sa mga pinangako mo,hihi... navideo ko nga e. " pinapanood ulit sakin, mukha nga kong batang nangangako na di na gagawa ng kalokohan. napuno ng tawanan ang kotse.

" teka , mahal, san ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

" kung saan ko natagpuan yung tunay an pagmamahal." nakikita ko yung saya sa mga mata nya.

" sa puso ko? chossss." biro ko.

" tssss... baka kasya... corny mo pasalamat ka mahal kita, sige na magpahinga ka na muna at gigisingin na lang kita mamaya." bilin nito na parang nagsasabi sa bata na wag maharot.

bago pa ako makasagot, binuksan nya ang radio at saktong tumutugtog

"pang habang-buhay ang pag-ibig ko sayo o sinta, kahit na may kasalanan ka iiyak ako pero papatawarin kita--ahhh-ahhhh."

napalingon ako sa kanya, super thankful ako na napaka-maintindihin nya sakin.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon