Lumipas ang mga araw na naging matamlay si Betina although nakakapagpokus sya sa work pero after work di na sya nagdidinner at diretso na lang sa kanyang kwarto at doon sa kwarto nagtatalukbong ng kumot saka umiiyak sa unan na gawain nya simula pa noong bata pa sya kapag masama ang loob nya o kaya'y napagsasabihan. Betina never encounter any form rejections at ang kanyang magulang ay di sana'y na nakikita syang malungkot. Sya ang mood setter sa pamilya.. ang teddy bear dahil sya ang bunso at nag-iisang babae.
sa kwarto kumatok ang kanyang Kuya Bryan..
tin pwede kong pumasok???..maamong pakiki-usap ng kuya
Bryan.
pero nanatiling tahimik si Betina at nagtulug-tulugan. Habang nararamdaman nya na pabulong na nagdadasal ang kanyang kuya.
' Panginoon, tanging ikaw lamang ang nakakaalam ng pinagdadaanan ng kapatid ko, Lord nais ko po na patatagin nyo sya at kayo po ang maging matibay nyang sandalan.salamat po. Amen.
sabay bulong ' namimiss na kita bunso.' at paggkaraan ay humalik sa kanyang noo at nilisan na ang kwarto.
Betina's POV
may kung anong pakiramdam ..napakagaang pakiramdam ang nadama ko pagkatapos kong madinig ang panalangin para sa akin ng aking kuya. Si Kuya Bryan na madalas akong inisin at awayin ay biglang bumait sa akin ng makakilala sya sa Panginoon few years ago.
at nagsimula ako manalangin...' Lord, ayoko na pong mainlove.. apakahirap po pala...akala ko po all these years si Justin ang answered prayer ko. Lord, i-heal Nyo po ang puso ko. Handa po akong magpokus na lang sa pamilya ko.Patawarin nyk po ako sa mga pagkukulang ko gawin nyo po akong matatag sa pagsubok na ito. In Jesus Name. Amen.
at doon nga'y payapang nakatulog si Betina. Simula noong araw na iyon ay nagpakasubsob sa trabaho para makalimutan ang kanyang nararamdaman, ngunit sa paglipas ng mga araw habang papalapit ng papalapit ang araw ng kasal ay lalo naman syang nasasaktan. Isang linggo na lang bago ikasal si Justin ng magtext ito sa kanya.
' good pm .. Betty...di ko alam kung tama ito, pero gusto ko sana sabihin sayong ikakasal na ko next week, sana naman bago ako ikasal makuha mong makipagkita sakin.hihintayin kita sa SM NORTH ng 7pm sa bukas. text ni Justin.
Halo halong emosyon ang naramdaman ni Betina ng mga sandaling iyon masaya kasi gusto nitong makipagkita sa kanya, ngunit biglang may kurot sa puso ng maisip nyang nais lang nitong pormal na makapagpaalam lalo na't minsan silang naging mabuting magkaibigan.
Minabuti ni Betina na wag na munang magreply at pag-isipan muna ang gagawing desisyon. After 3 hours na di sya nagreply tumawag si Justin ngunit hindi nya ito sinasagot after 8 missed calls muli itong nagtext at sinabi.. ' siguro nga tulog ka na.... bukas pagkabasa mo nito ... kahit anong mangyari maghihintay ako.' paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa kanya ang kaisipang bakit pa kailangan ni Justin guluhin ang buhay nya kung magpapakasal na din naman ito.
Justin's POV
after 8 missed calls.
bigla syang napabuntong hininga at kinausap ang sarili. ' hay naku Justin Montemayor, ano bang ginagawa mo... ikakasal ka na umaasa ka pa rin kay Betina.Siguro nga nasaktan ko sya,di ko naman sinasadya nalasing ako at habang kasama ko si April sya pa din ang naiisip ko. Ang mga simpleng ngiti nya ang hinahanap ko, yung saya kapag kausap ko sya , yung mga matang di mo maipaliwanag pero sa tuwing tititigan ako ay talagang nahihypnotize ako, ang sya ring mata na di nya alam na lumuluha dahil sa kanya.
Ikinagulat nya ng malamang nag-deactivate ito ng kanyang facebook account knowing her e, tinagurian itong prinsesa ng masa at darling of the netizens dahil sa angkin nyang carisma sa tao.
habang nag-iisip ay biglang pumasok si April, duon na nga nabasag ang kanyang pagpapantasya at bumalik sa katinuan na sa mga susunod na araw ay magbabago na ang buhay nya at madami na sya responsibilidad na dapat gampanan. Muli nyang itinext si Betina para sabihing maghihintay sya sa nasabing lugar bukas at saka nagpasyang matulog.
April POV
habang hinihimas ang buhok ng natutulog na si Justin di nya magawang di tumulo ang luha, at pabulong na sinasabi.. ' sya pa din, si Betina pa din talaga, ako ang kasama mo pero sya ang nasa puso mo. Bestfriend lang talaga ang tingin mo sakin kahit na ako ang magiging nanay ng anak mo. Ano pa bang kailangan kong gawin para mapalitan ko lang sya dyan sa puso mo.?' at patuloy syang umiyak.
' hinding hindi kita isusuko Justin, umaasa ako na isang araw sa kabila ng lahat ng kabutihan ko sayo alam ko na mamahalin mo rin ako. Hindi ko man mapantayan si Betina alam ko nagmagbabago ang lahat kapag isinilang ko na ang batang to.'
BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...