CHAPTER 25

11 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw, buwan..., walang araw na hindi ko tinawagan, at di kami nag-skype ni Betina,after a year we decided na magkabalikan, mas lalo ko syang minahal kahit nasa malayo sya, dalawang buwan na lang at uuwi na sya dito sa Pilipinas, at sobrang excited ako para doon, antagal kong hinintay na dumating sandali na makasama ko si Betina,at maramdam kung gaano ko sya ka-miss.

NICK's POV

' haayy everything runs smoothly, thank you Lord..' our businesses are gettin well , at iniurong na ni Don Ramon ang kaso kay dad, si Monica ay nagpakalayu-layo na rin ang huling balita ko ay nasa South Africa, at doon gumagawa ng ingay. Pero ang higit sa lahat ay nanumbalik na ang saya sa pamilya namin, at makulay kong lovelife, I can really say all is well. Ilang buwan na lang naman at dadating na si Betina, and mas lalong saya ang buhay ko, kung pwede lang na hilahin ang bawat araw para mapabilis ang pagdating nya.

' sir, good morning po,may naghahanap po sa inyo Mr. Luis Andrada,' sabi ng secretarya ni Nick. Takang taka naman si Nick na napabalikwas dahil wala naman syang inaasahan bisita ngayong araw.

' sige, papasukin mo sya.' mabilis nyang tugon.

at pumasok nga ang isang lalaki na ang tantya nya ay nasa 70 years old na ito, bagamat mababakas mo ang katandaan nito ay di maikakailang ito ay gwapo nung kabataan nito.

' good morning po, Mr....' at napatulala si Nick sa nakita, halos kamukha nya ang lalaking nasa harapan nya. Nagulat sya ng yakapin sya nito, at umiyak sa harap nya, tumagal ng ilang minuto na nabalot ng katahimikan ang opisina ni Nick, habang patuloy na umiiyak ang matandang lalaki. Nang mabalik na sa ulirat si Nick ay bahagya nya itong nailayo.

' sorry sir, but. do I know you? have we met before? where and when? ano po bang sinadya nyo dito?' tuloy tuloy na tanong ni Nick, na takang-taka sa ginawa ng matanda.

' hmmmm...ako si Luis Andrada, ako ang tatay mo anak.' umiiyak na sabi ng lalaki.

' anak? impossible po yun, ' bagamat nagulat si Nick na kahawig nya ang lalaking kaharap, halo-halong emosyon ang nararamdaman nya ngayon, sa loob ng 29 years hindi man lang sya nito nagawang hanapin, at di na sya umaasa na dadating ang araw na makikita nya pa ang tunay nyang ama.

' tinawagan ako ni Mr. Beltran ang kinilala mong ama, at sinabi nyang alam mo na ang lahat, anak sana mapatawad mo ko kung hindi ko nagawang magpakaama sayo.' malungkot na sabi nito.

' talaga po? ok na po ako, salamat na lang po, hindi ko na kailangan ng ibang ama, masaya na po ako sa kung anong meron ako. Antagal kong hiniling na magkaroon ng mabuting ama, lahat ng hirap ako ang nakaranas dahil sa kasalanang ikaw ang may gawa, tapos ano magpapakilala ka na parang wala lang.' tiim bagang na sabi nito. Habang bumabalik sa kanya lahat ng sakit, lahat ng sama ng loob na dulot ng kahapon.

' patawarin mo ako anak, hindi ko ginustong ikaw ang dumanas ng pasakit sa maling nagawa ko , at ng mommy mo, pero nagmahal lang ako anak, pagmamahal na pinagdamot sakin ng panahon, pinagdamot ng pagkakataon, may asawa na ang mommy mo noon,at kung kinuha kita walang kasiguraduhan na mabubuhay ka, kayo sa piling ko dahil hamak lang akong pintor, pintor na wala pang napapatunayan noong panahong iyon .' nagmamakaawang sabi ng matanda.

'lahat po tayo biktima ng kahapon, pero naniniwala ako na kung talagang mahal nyo kami gaya ng sinasabi nyo, di nyo kami hahayaang ilayo sa inyo, na kahit maghirap tayo basta sama sama. Umalis na po kayo' di maiwasang mainis ni Nick.

' hindi ko na hihilingin na papasukin mo ako sa buhay mo, pero umaasa ako na sana dumating ang araw na mapatawad mo ako sa lahat ng maling bagay na nagawa ko sayo at sa mommy mo, anak patawad.' matapos itong sabihin ay nilisan na ng matandang lalaki ang opisina.

Nick's POV

Ano to, joke..? kakasabi ko lang na all is well tas bigla syang babalik na gusto nya tanggapin ko sya ng ganun, ganun lang, grabe bawat taon ng buhay ko naging madilin dahil sa kanya, tapos gusto nya na maging ayos kami. Oo, may parte ng puso ko na gusto ko syang tanggapin pero hindi ganun kadali. Andaming tanong, na bakit ngayon lang sya dumating, bat di nya kami nagawang ipaglaban at ano yung naging buhay nya sa loob ng mahabang taon. Teka, bat concern ako sa kanya, e sya nga inabandona nya ko. ' nakatulugan na ni Nick ang pag-iisip sa matanda.

' Nick, Nick,.... ' mahinang gising ni Mr. Beltran kay Nick.

'hmmm..uhhhh...uhhhhhm..dad?,' sabi nito habang pupungas pungas ng mata.

' anak, na-meet mo na pala si Luis, and he told me na hindi naging maayos ang first encounter nyo.' sabi nito.

' yes dad, he does not deserve my forgiveness.' matigas na sabi ni Nick.

' son, kung meron mang dapat kang ikagalit hindi sa kanya kundi sakin, naipit lang sya sa sitwasyon, oo, anak, sa sobrang galit ko, tinakot ko sya na wag na syang magpapakita sa amin ng mommy mo, pinabugbog ko sya at pinatapon sa malayong lugar.Patawarin mo ko anak. Pero sa kabila nun di ko pa din nakuha ang puso ng mommy mo.' sisingsisi na sabi ng daddy nya.

' dad, I understand na sobrang mahal nyo si mommy.is just that nagulat lang po ako,di ko na inaasahan na makikita ko pa sya,' maikling sabi nito.

' sorry anak for ruining your life, akala ko kasi sa ganitong paraankahit konti ay makabawi ako sayo.' sabi nito.

' dad, kalimutan na po natin ito, wala na po akong gustong balikan sa nakaraan, alaala na lang po yun ang mahalaga po buo na ko ngayon, lahat pp ng nangyari tumulong sakin para maging matibay.' sabi ni Nick habang niyakap ang ama-amahan .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Love takes time, yes... pati Forgiveness din...

sabi To Forgive is to forget, how can you be mad if you dont remember,

yes, pero everytime, lagi nating piliin ang magpatawad, until such time na it is settled in our hearts.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon