Betina's POV
Right after ng bakasyon grande namin ni Nick, ngayon sobrang tutok na ko, gusto kasi ni Kuya Bryan ako ang mag-asikaso ng wedding nya simula sa invitations, give aways, motif, guests, program,cakea, place, at maging sa food. Halos di nga ako makausap ng matino ni Nick pag dumadalaw sa bahay alam nya kasing may pagka-perfectionist ako qhen it comes sa pag-oorganize ng event, lalo pa para sa kaisa-isa kong kuya, though nakakapagod gusto ko syang mabigyan ng kakaibang wedding, alam ko kung gaano hinintay ni Kuya dumating ang punto na to sa buhay nya, kaya I will make the best out of it. Kay ate Kate naman walang problema kasi grabe dina ng bilib nya sa akin, sobrang simple ni Ate na parang mapakasalan lang sya ni Kuya ay ok na sa kanya. Ngayon nahihirapan pa ko sa invitation, dahil di ko alam kung isasama ko ba sya o hindi... yes... si papa, di pa ready ang puso kong makita sya. Di ko alam kung panonko sya kakaharapin, tuwing maaalala ko na iniwan nya kami paulit ulit na sumasakit yung puso ko. Halos apat na oras na pala akong nakatulala, nang biglang lumapit sakin si Nick, kakagising lang nakatulog kakaantay sakin na matapos." mahal, di ka pa ba tapos dyan?" pupungas pungas pa habang humihikab papalapit.
" ahhhh... ahhhmm.. ahhh... konti na lang." tugon ko na ahalatang nagulat.
" hay, anlalim na naman ng iniisip mo...halika tumayo ka na dyan at kumain tayo." aya nito.
" Nick, " sabay hawak ko sa kamay nya, napahinto sya at tingin sakin.. " tingin mo kaya ko na kaya?" tanong ko sa kanya.
" alin?" nagtatakang tanong nya.
" makita si papa, what if..." naputol yung sinasabi ko ng lumapit sya, at hinarangan ng isang daliri ang bibig ko.
" shhhh... you are overthinking na naman..,kung hindi ka pa ready wag mo munang pilitin ang sarili mo, it takes time,
wag kang mabuhay sa what ifs mo, di mo malalaman kung di mo susubukan, pero dapat handa na yung puso mo pag nagkaharap kayo," sabi nya sakin." haaaaayyy, hindi ko alam kung ano at kung anong dapat kong maramdaman, " nalilito kong sagot.
" mahal, check your heart ikaw lang ang nakakaalam kung kaya mo na, andito lang ako to support you, hindi madali pero alam kong kaya mo. Huwag mo din isipin na sinadya kang saktan ng papa mo, kasi mahal na mahal ka nya, kung papaanong naaalala mo yung masakit na ginawa nya, sana maalala mo din yung mga magagandang bagay na ginawa nya para sayo." hindi ko na kinaya at humagulhol na ko.
" shhhh... sige lang iiyak mo lang, minsan ok din na aminin mo sa sarili mong napapagod ka, nasasaktan at nanghihina ka rin.., " sinasabi nya habang hinihimas ang buhok ko. Sobrang strong ng personality ko na up to a point na ayokong nakikita nialng nanghihina ako. Pero ngayon mas naappreciate ko ang comfort ni Nick, tama sya, ang minamagnify ko lang ay yung pagkakamali nya. Hindi na namin nagawang makalabas dahil nakatulog na ko sa kakaiyak, ginising na lang ako ni mama bea ng kakain na, umuwi na pala si Nick.
text message from POLAR BEAR
8:02 p.mI love you mahal, I know walang words ang makakapagpagaan sa nararamdaman mo , guato ko lang ulit ulitin sayo, na lagi lang akong nandito.
ang sweet talaga nitong si Nick.
text message from PANDA BEAR.
11:15p.m.
" mahal, andaya mo di ka nagpaalam... thank you thank you so much sa pagchachaga mo sakin, for always being there. the best ka! Superman. :*Nick's POV
kung alam mo lang Betina kung gaano nadudurog yung puso ko sa tuwing nakikita kitang umiiyak at nasasaktan, how I wish kaya kong angkinin na lang yung sakit, para lang wag ka ng makitang nagkakaganyan, naniniwala ako na sobrang mahal mo ang papa mo and may puwang pa rin ang forgiveness sa puso mo, I will always be here for you.
BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...