CHAPTER EIGHT

26 0 0
                                    

Sa kotse...

' woah! gusto kong sumigaw! haha.. finally naka-ganti din ako.' masayang sabi ni Betina.

' sissy, bilib na talaga ko sayo biruin mo kinagat mo yung tenga nung tao... kaloka ka. apaka amazona mo... ' tawa ng tawa.

' gusto nya ng gulo... pwes.... pagbibigyan ko sya... Si Betina Marie Carlos, ang bigatin ng porject 4 Quezon City! Bring it on.' mayabang na sabi ni Betina.

' huwaaaaat??? that means umpisa pa lang to girl ? baka naman sa korte na ang susunod nyong paghaharap. tawa ng tawa si James at di pa rin makapaniwala.

NICK's POV

grabe talaga yung babae na yun, maganda nga pero freak.argh..ansakit ng tenga ko. Hay, puro na lang kamalasan ang dala nung babaeng yun. Pinsan pala sya ni Charice at kung ano ang kinaganda ng mukha at kina-anghel ng boses, ay kinagara ng ugali. Sabagay, mukhang nasaktan ko sya dun sa sinabi ko. O, c'mon Nick... almost 5 hours mo na syang iniisip. At nawawala ka sa pokus mo. Pero malakas talaga ang hatak ng carisma ni Betina at di namamalayan ni Nick na hihanap nya ito sa Profile ni Charice. At doon , napag-alaman nya na tama ang sinasabi ni Betina, na matino sya, at madaming nagmamahal sa babaeng ito, bigla syang na-curious at patuloy na nag-research tungkol rito. Nalaman nya kung saan ito nagtatrabaho, position at napanganga sya ng malaman na Magna Cum Laude ito ng UP.

Samantala taon taon kahit naging busy si Nick sa negosyo, ay di naalis ang hilig nito sa pagpinta at lagi nagi-invite for exibit ang kanyang mga obra.

Ngayon ay ay ginanap sa Resorts World, sadyang pang-international ang galing ni Nick sa pagpipinta kaya laging umaani ng papuri ang kanyang mga likha at ang iba nito ay nabibili sa malaking halaga.

Sa hallway....ng art gallery

' beks, alam mo kahit kailan late ka! '

asar na asar na sabi ni Betina at at nagmamadali lumapit sa mga paintings.

' friend , alam mo naman kasi na wala akong hilig magtitingin ng basura, kung lalaki pa yan go,... ' bagot na sagot ni James.

Habang busy si Betina sa pagtingin ng mga paintings ay biglang napukaw ang atensyon nya ng kaisa-isa pero human size na painting ng isang napaka-gandang babae... ang galing ng pagkakagawa kung papaanong may anggulo ito na pagtiningnan mo ay malungkot ngunit sa unang tingin ito ay nakangiti. Sobra ang pagkamangha nya, dahil sa lahat ng napuntahan nyang exibit, first time nya na humanga ng ganito katindi. At halos isang oras syang nakatitig rito.

habang may naaninag syang anino mula sa kanyang likod at sa pag-aakalang si James lang ito.

' tingnan mo oh.. napakagaling ng gumawa nito James masyadong detalyado at sa mata mo mababasa ang kwento ng painting na to.Siguro yung artist neto ay malungkot habang ginagawa to.' sabi ni Betina at patuloy na sinusuri ang painting.

sa tagal na nyang mahilig pumunta sa mga art gallery at umattend ng mga art training nahasa ang skills nya sa pagoobserve ng mga ito.

' thank you for appreciating it, you have an eye for such painting,thanks.Ms.? sagot ni Nick.

at ng humarap si Betina ay nagkagulatan ang dalawa at di alam kung ano ang sasabihin sa isa't isa.

' ikaw na naman! nananadya ka ba talaga???' galit na sabi ni Nick.

Napatingin agad si Betina sa kaliwang tenga ng lalaki at ito ay nakabalot ng benda.At bigla syang nakonsensya. Kaya imbis na magtaray ay sya ang nagpakumbaba.

' Hindi ko alam na nandito ka, at kung alam ko hinding hindi ako pupunta,sorry nga pala sa ginawa ko,nahihiya ako na parang pinatunayan ko lang ang sinabi mo sakin . Sorry. mahinahong sabi nya at sabay tumalikod.

Pagkaraa'y mabilis na hinabol ni Nick si Betina at nahablot ang isang kamay.

' Sorry, Ms. Carlos,

if na-offend kita.' sabi ni Nick na nananatiling nakahawak sa braso ni Betina at nangungusap ang mga mata.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon