Isang gabi...sa kwarto
' anak gusto mo ba ng soup? ' nag- aalalang tanong ng kanyang mama.
'di po ma, salamat matutulog na po ako.' sagot nito.
' anak pwede ba kitang maka-usap?' tanong nito kay Betina habang iniaayos ang pagkain sa study table nito.
' ano po iyon ma? ' gulat na ranong nito sahil di naman madalas kausapin sya ng seryoso ng kanyang ina.
' anak may bumabagabag ba sayo? at nagkakaganyan ka? handa akong makinig.' malumanay na sagot nito sa anak.
' ma, bakit po ganun, ang hirap hirap,na yung gusto hindi mo makuha, kasi hindi na pwede. yung parang gamit po na sa akin dati , ngayon maski hiramin e hindi na po pwede.' nasambit habang tumutulo ang kanyang luha.
' anak, may mga bagay kasi, na makikita lang natin ang halaga kapag nawala na satin , at may mga bagay na sadyang di permanente sa buhay natin...it's a matter of how far mo kayang panindigan ang bagay na gusto mo anak.
umiyak na lang si Betina ng umiyak dahil ayaw na nyang magalala pa ang kanyang ina.
bago matulog .. ' Lotd sorry po ang yabang ko, akala ko po lahat kaya kong solusyunan masyado akong naging confident, masyado akong nagtiwala sa damdamin ko, ayoko pong maksakit ng tao... alisin mo po ang nararamdaman ko sa taong yun at palayain mo po ako sa damdaming hindi tama.'
Kinaumagahan ay nabigyan si Betina ng 2 weeks leave dahil mandatory sa company ang gamitin ang kanilang leave sa isang boung taon ang sinamahan sya ni James na magbakasyon sa Boracay.
sa kwarto habang nag- iimpake ng mga gagamitin.
' uy! friend, bukas na yung wedding ah... kumustasa kalabasa ang pusong bato mo girl??? ' okray na tanong ni James .
' bakla, e anong gusto mo umattend tayo at magspeech pa ko sa wedding??? iritableng sagot ni Betina.
' hoy! tigilan ako sa taray tarayan na ganap na yan ah, alam mo girl. di masamang umamin na nasasaktan ka di nakakabawas ng ganda yan at di din nakakabobo.' sabi nya habang umiirap irap ang mata.
' kaya nga eto po oh, di ba??? gogora tayo... ayokong magmukmok dito sa balur ng sya nagpapakasaya.'
' kdot. tama yan girlfriend,madami pa dyan,maganda ka at matalino..choosey nga lang ' concern pero paokray na tugon niyo.
' ikaw kasi ang pantasya ko James, tayo na lang kaya... bilis kiss mo ko yung may malisya.. ' pangaalaska nito. Mapalad sya dahil may bestfriend syang okray pero mahal na mahal sya.
' hoy, mandiri ka nga dyan,di kita type no,kilabutan ka nga sa pinagsasasabi mo,.asar na asar na sabi nito.
at bigla silang nagtawanan, at niyakap ni James si Betina.

BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...