CHAPTER 20

12 0 0
                                    

Naimbitahan si Betina sa mansion ng mga Betran para ipagdiwang ang 75th birthday nito at thanksgiving party na rin sa paggaling nya, kwento ni Nick ay excited tong makita sya.

Sa bahay nila Betina, di maiwasang magpa-ikot ikot , akyat baba ni Betina, halatang halata na kinakabahan, dahil first time nya makakaharap ang daddy ni Nick - sa sobrang kaba sumasakit pa ata ang tiyan nya na di nya maintindihan, worst ang imagination nitong si Betina ang hilig kasi manood nf telenovela at magbasa ng pocket book yan- nasa utak nya. na aalipustahin sya, kasi mayaman sila Nick at mahirap lang sila. ayun, ang paulit ulit na naglalaro sa isip nya, what if di sya magustuhan. what if, yan yan lahat ng tao madalas puro what if.

' BETINA MARIE CARLOS! baka gusto lang maupo at lahat kami rito e, nahihilo na sa kaka-ikot mo, kumalma pwede?' inis na saway ni James. Habang inaayos ang susuotin ni Betina.

' Bakla! pano kung di ako magustuhan ng daddy nya? pano?!!!!' alalang alala na sabi ni Betina.

'ayyyyyy, anong ganap yan frend? ngayon nawalan ng confidence? haleeeerr!  natatandaan mo ba ang sabi ni Mama Bea. paalala nito.

' EXPECT THE WORST, BUT HOPE FOR THE BEST!!!!!' sabay sabay na bigkas ni Mama Bea, Papa, Kuya at James, at bigla silang nagtawanan.

' ansupportive nyo.!' natatawang sabi ni Betina.

' e kasi naman girl, O.A ka naman halerrrr, reality to, wag igaya sa teleserye ang buhay mo, maganda ka, matalino ka, at kahit ano pa ang maging impression sayo ng Daddy ni Nick, hindi mababawasan yung love ni Nick para sayo kaya wag ka na magmukmok dyan.' sermon ni james.

' beks! wow! ahhh. infairness me sense ka kausap ngayon, salamat!' at niyakap ni Betina si James,buti na lang at wala si Nick dito, kasi kahit bading ito ayae ni Nick na may ivang niyayakap si Betina.

' alcohol please! bitiwan mo nga ako di tayo talo, kadirdir! bilisan mo na at asa baba na si Nick.' pagiinarte nito.

at ng matapos ay bumaba na nga si Betina,lahat ay namangha dahil sa ayos nya na naka-black tube flowy dress at nakataas ang kanyang buhok, na mas lalong lumutang ang ganda ng hubog ng kanya balikat, at nilagyan sya ni James ng light make up na nakadagdag pa para magmukha syang elegante.

' Owwwww, you look gorgeous, honey. ' bulong sa kanya ni Nick.

' bolero.' sabay palo nito sa balikat.

Makatapos makapagpaalam sa mga magulang ay agad silang umalis.At habang nasa byahe, ay di maiwasang mag-isip ni Betina.

' mahal...mahal...ui..ui...mahal.' pagkuha ng atensyon ni Nick.

' ui!' usal ni Betina, ng mapapitlag, halatang malalim ang iniisip.

' anlalim ata ng iniisip mo, at antagal mong nakatulala, ni hindi mo naririnig na tinatawag kita.' pagtataka ni Nick.

' walaaa, kinakabahan lang ako, Nick what if.... what if lang di ako magustuhan ng Daddy mo?' worried na tanong nya.

' hmmmmm... wala, mahal pa rin kita, walang magbabago dun, pero I doubt na hindi ka nya magugustuhan kaya wag kang kabahan at baka hindi ka umabot sa bahay himatayin ka pa dito.'  confident na sabi nito.

' haaaayyyyyyyyyyyyyy!' malalim na buntong hininga nito

Hinalikan sya sa noo ni Nick para maalis ang anomang kaba na nararamdaman nya.

Nang makarating sila sa Mansion, nanlaki ang mata ni Betina, mas malaki at mas elegante ito sa inaasahan nya, andaming kilalang personalidad sa showbiz, politics at business world ang dumating, na mas lalong nakadagdag pressure kay Betina.

Bawat hakbang papalapit, ay unti-unting sumisikip ang paghinga ni Betina, at ng mahalata ito ni Nick, at hinawakan nya ang kamay ng dalaga sabay sabing ' kahit anong mangyari kasama mo ako, hinding hindi kita bibitawan.'

Pagpasok nila ay pinagkaguluhan sila ng media, at kabilaan ang kuha ng mga litrato, na-meet ni Betina ang daddy ni Nick at nagustuhan naman sya nito, at sabi pa'y mapalad daw si nick sa babaeng napili nito. Habang nagkakasiyahan may pumukaw ng atensyon ng lahat ay ang grand entrance ni Monica Cecilia Saavedra ang unica hija ni Don Ramon Saavedra ang multi-millionaire na business tycoon dito sa bansa.

Stunning ang ganda nya at agad itong dumikit kay Nick.

'hi! can I join here?' tanong nya pero bago pa kami nakasagot ay nakaupo na sya sa tabi ni Nick, nahalatang halatang nagpapansin.

' sure, by the way Monic, she's Betina, my.....' naputol na sabi ni Nick, dahil di ito pinansin ni Monica at hinila sya papunta sa mga investors.

' naku, naku naku Betina, sige magtimpi ka, ' pabulong na sabi ni Betina.

' akala ko ba grand party to ni Tito at di charity event, bat may nakakalat na langaw at basahan. Baka naman kasi akala nya pagnakatungtong na sya sa kalabaw aangat na sya.' sarkastikong sabi ni Monica halatang may pinapatamaan.

' woaaaahhhhh! sana pwedeng mangisda sa lupa, ANDAMI KASING HIPON! hmmmpp!' habang aakmang papatayo, pinigil sya ni Nick.

' san ka pupunta? mahal?' nag-aalalang tanong nito.

' magsi-C.R. lang ako, di mo ko ininform madami pa lang higad dito, ang KATI!'  lumakad na sya bago pa sya pigilan ni Nick.

UGH!UGH!UGH!

Betina's POV

Grrrrrrrrrrr! wow! ah salamat sa napakagandang gabi, may hindi hindi pa bibitawan bibitawan na nalalaman tong si Nick, yun pala. madikitan lang ng higad, ayun di man lang ako hinanap, ' sa sobrang inis ko hinahanap ko yung C.R. pero sa sobrang laki ng bahay nila, parang naliligaw na ko at bigla akong may narinig na nag-uusap, sigurado ako Daddy ni Nick yung isa dun.

' hindi maaari yung gusto mo, di pwedeng ipakasala yung anak mo sa anak ko, kaligayahan ng mga bata ang nakasalalay dito.' mariing tutol ng daddy ni Nick.

' look they are good together, and pabor ang binibigay ko sayo, anong gusto mo, kaligayahan ni Nick o ang kalayaan mo!? oo, Isang linggo na lang. para magdecide ka, or sa kulungan ang bagsak mo.' pagkasabi nung lalaki ay bigla itong umalis, at muntik pa ko mahuli, buti na lang at nakatuntong ako sa lamesa, pero di nagtagal ay nadulas yung heels ko at tuluyan ako lumaglag, sobrang sakit, sapat para hindi ako makatayo, at sobrang lakas, na nadinig ng daddy ni Nick ang galabog.

'

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon