Umaga pa lang sa opisina ay hindi na mapakali si Betina, di rin sya nakatulog ng maayos kakaisip sa text ni Justin.
' dear, ok ka lang ba??? kanina ka pa tulala dyan ah. tanong ni Cathy.
at doo'y biglang nagulat si Betina ay sinabi ' oo ok lang ako.
' yan tayo e, ok ng ok kahit hindi, kahit minsan nga Betty maging totoo ka naman sa nararamdaman mo, lahat ng tao may pinagdadaanan di tayo perpekto, di tayo laging ok at malakas, kaya nga andyan ang mga kaibigan para damayan ka. Di ka si darna girl.' medyo dismayado sa nakikitang itsura ng kaibigan.
dali-daling tumakbo si Betina patungo sa C.R at doon inilabas ang bigat na nararamdaman habang sinundan naman sya ni Cathy at doon sila nag-usap.
' sorry Cathy, di ako sanay na nakikita mo akong ganito kasi di naman talaga ko ganito, gusto ko lagi akong masaya pero hindi ko na magawa. ' at yumakap ito sa kaibigan.
' ano ba kasi yun, Betty? awang awa sa kaibigan at di mapigilan na umiyak din. Kilalang kilala nya si Betina hindi ito basta basta umiiyak at madalang na madalang ito na tumahimik dahil sa opisina giliw na giliw sa kanya ang mga tao dahil likas syang masayahin kaya madaling mapuna sa kanya kapag may di sya magandang pinagdadaanan.
Matapos sabihin ni Betina ang kanyang pinagdadaanan kay Cathy mas lalong naawa ang kaibigan.
' e girl anong plano mo? makikipagkita ka ba kay Justin? mahirap nga yan . Kung di ka sigurado ay wag ka ng tumuloy magkakapamilya na yung tao. sabi ni Cathy.
' Cathy, gusto ko lang din maging maayos ang lahat, saka for once kaibigan ko naman sya e.'
' yun nga lang ba talaga? e basta sinabihan kita sa bagay na yan ah. ayokong makitaka isang umaga papasok ka na naman na wala sa sarili. Nag-aalala lang ako sayo. madiing paalala ni Cathy.
' salamat Cathy, makikipagkita na ko para matapos na to. Halika na at bumalik na tayo sa office.
Sumapit na nga ang alas-singko at sya umalis na ng office.
sa MRT... ay patuloy syang nag-iisip ng mga posibleng mangyari sa pagkikita nila ni Justin.
sa di kalayuan nagulat sya ng nakita syang tulala ni Justin na bumababa ng MRT sa North Ave. Alam kaasi ni Justin na wala itong balak na sumipot kaya naman inabangan nya na lamang ito sa lugar kung saan madalas ni Betina dinadaanan pauwi.
' Hi Justin ,formal nitong bati.
' Hi Betty, tara na... at nagmamadali syang hinatak at pinasakay sa kotse nito.
nabalot ng katahimikan ang kotse at tanging tugtog lamang ng radio ang nagsisilbing ingay habang tinatahak nila ang kahabaan ng edsa. Ng biglang i-play ni Papa Jack ang kantang ' Forevermore ng Side A ' na syang kantang inialay ni Betina para kay Justin. Nang marinig ito ay parang gusto ng bumaba ni Betina sa kotse at tumalon sa makikitang tulay at wakasan na lahat ng paghihirap nya. Habang si Justin ay napangiti ng maaalala ang kanta.
'( you were just a dream that I once knew, I never thought I would be right for you... I just...')
biglang pinatay ni Betina ang radyo at nagtanong.. ' san ba tayo pupunta?
nagtataka sa inasta ni Betina.. at sumagot.' sa UP DILIMAN simula kasi ng grumaduate tayo di na ko nakabalik dun, gusto ko makalanghap ng sariwang hangin.'
At matapos noo'y muling nanumbalik ang katahimikan, may kung anong pagsisisi si Betina naramdaman na pinakita nyang apektado sya sa kanta. 'Maling mali 'ang tangi nyang nasabi.
Tanging puno at street lights lang ang saksi sa tagpong ito sa harap ng napakalaking Architecture Building ng UP kung saan grumaduate si Justin at Magna Cum Laude naman sa kursong BS Commerce si Betina.

BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...