CHAPTER SEVEN

28 0 0
                                    

Pagbalik sa Manila...

' beks! nakalimutan ko... kakanta nga pala ko sa wedding ng pinsan kong si Charice... wala pa kong susuotin! 'natatarantang sabi ni Betina.

' girl, kalma ano pat naging bestfriend mo ko... manghiram ka sakin. ' yabang na sagot ni James.

' beks, naman wedding pupuntahan ko! di costume party tigilan mo nga ko. naiinis na sabi ni Betina.

' ok fine girl napaka-manang mo naman kasi... o sya kakausapin ko yung tita ko na may tailoring shop. Naku, all around ako sayo ahh...

'mahal mo naman ako e.' paglalambing ni Betina.

Umuwi na sila sa bahay at nag-ayos sa kwarto ni Betina, binigay ang mga personalized printed shirt para sa mga magulang at kapatid ni Betina. At sumapit na ang ika-apat ng hapon ng ayusan sya ni James at magtungo sa pagdarausan ng wedding. Paboritong event ni Betina na ang wedding, dahil mahilig sya mag-organize ng mga gathering mag-host at maging sa flower arrangement ay mahilig sya. All is set ng makarating sila sa beach wedding. At masaya sya para sa pinsan at finally after ng 10 long years pwede na nyang masabi na fairytales do come true. Si Vince na mapapang-asawa nya ay parang prinsipe na akala mo sa panaginip at pantasya mo lang matatagpuan. At the back of her mind napapatanong din sya na kailan naman kaya ang sa kanya.

pababa pa lang sya ng hagdan ay nagkakatyawan na ang papa at mga kapatid nya, dahil di ito mga sanay ng nakaayos sya. At pagbaba nga nya'y kulang na lang ay tumulo ang mga laway nila sa tindi ng pagkakanganga dahil sa pagkamangha kay Betina. Siya ay nakasuot ng tube gown na kulay pula na balloon ang baba at lampas tuhod ang haba, at ang kayang buhok na hanggang bewang ay ikinulot ng malalaki ni James at ang kanyang eleganteng make-up ang mas lalong nagpalutang sa kagandahan nya.

'wow!' sabay sabay na sambit ng kanyang papa at mga kapatid.

' maka-react ah... lakas makamulto ng peg.' sabi ni Betina ngayoy pulang pula dahil sa inasta ng mga kapatid na pagkamangha.

' o sya, tama na yan at mahuhuli na po kami. ' singit ni James habang binibitbit ang mga kakailanganing dahil gaya ng cd.

' ingatan mo ang dalaga ko ha... ' tugod ng ama ni Betina sabay halik sa pisngi ng dalaga.

' opo sir!' pagboboses macho ni James.

at naghagalpakan ang lahat.

Sa mga kasal di maiiwasan talaga ang mga eksena gaya ng mukha ng clown sa kapal ng make up, matapilok habang lumalakad sa aisle, nagtatakbuhang mga chikiting, nag-iiyakan pero ang higit sa lahat ang di ko maintindihan ang damdamin ng mga ikakasal na umiiyak. Everything turns out fine, madami ang humanga sa pagkanta ni Betina ng Panunumpa, may ibang naiyak dahil sa lamig ng boses nya.

NICK's POV

oh...pity you Vince, eventually maghihowalay din naman kayo.. hay.. kawawang kaibigan sinakal ang sarili.

Uneasy si Nick sa kasal , kung di nya lang matalik na kaibigan si Vince noong college ay hindi sya mag-aaksaya na oras para dito.Bawat minuto mahalaga para sa kanya kaya naman yung mga celebration na ganito ay madalang lang nyang puntahan.

ng biglang napukaw ang atensyon nya sa magandang tinig na kanyang naririnig. At naipikit nya ang kanyang mata at inenjoy ang sarap ng pakikinig. Nang matapos ang kanta ay dali-dali nyang hinanap kung kanino nagmumula ang mala-anghel na boses na yon ngunit di na nya ito nakita.

Nang sumapit na ang palitan ng sumpa ng dalawang ikinakasal ay doon marami ang naantig. Nagmistulan itong pagandahan ng mga panagako na sa mga teledrama lang mapapanood. Di mapigil ang ngiti ng mga tao, lahat ay tunay na ramdam na ramdam ang pag-ibig at masaya para sa mga ikinakasal.

Sa reception

si James ang nag-emcee at talaga namang buhay na buhay ang audience dahil likas na ma-appeal si James sa mga tao. Nang biglang nakasulat sa program na ang magsasalita ay ang kaibigan ni Vince na si Mr. NICK BELTRAN.

biglang kumulo ang dugo ni Betina ng marinig ang pangalan.At lumapit nga ang isang makisig na lalaki sa harapan at nagshare at nagwish na din para sa kaibigan.

' he looks.. familiar...... ah.. tama sya yung nasukahan ko sa airplane.' litong litong nasabi ni Betina at hinatak bigla si James. ' sya ba si Nick Beltran?,usal nito

' malamang girl sya nga, naku, small world.. oh paalala lang wag kang gumawa ng eksena dito sa wedding. ' takot na paalala nito.

simula noon ay naging aligaga na si Betina, humahanap ng tiempo na makaganti sa panlalait nito and to prove to him na di sya gaya ng iniisip nya.

Dumating na nga ang panahon, na ipapasa na ang bouque. at ito ay with a twist at sa di inaasahang pagkakataon kay Betina huminto ang tugtog sa panahong hawak na nya ang bulaklak.. at sa kabilang panig ay kay Nick naman naiwan ang garter . Gaya ng tradisyon kinakailangang ilagay ni Nick ito sa hita ni Betina at sila ang magkasama sa buong magdamag ng selebrasyon.

Gulat na gulat sila pareho ng magtama ang kanilang mga mata.Galit ang parehong nararamdaman nila ngunit dahil lahat ng mata ay nakatingin sa kanila at ayaw nila masira ang kasal ay nagpanggap silang hindi sila magkakilala.At nang matapos na ang mahabang picture taking , ay pinili nilang lumayo at pumunta sa beach.

'Mr. Nick Beltran right????' sarkastikong tanong ni Betina na kanina pa nagpipigil ng galit.

' yes? do I know you?' pagpapanggap nito na hindi sya kilala. Papano nga naman nya makakalimutan ang babaeng dalang beses sinukahan ang mamahalin nyang mga damit at inistorbo ang kanyang pagtulog.

' so, andali mo naman pala makalimot sir! ' galit na galit at hinubad ang high heels.

' hey! are you drunk? dont waste my time, wala kong time para sa guessing game...' supladong sinabi at aakmang papatalikod...

' hephep! wait! stop! hindi pa ko tapos!ganyan ka ba talaga kabastos??? 'iritableng tanong ni Betina.

' hey! miss are you crazy, I really don't know what are you talkin about, and you're telling me that I am rude oh. c'mon. ' sabi ni Nick na halatang napipikon na, first time in his 27 years of existence na machallenge ng isang babae.

' after what you've said , how could you! na husgahan ako... yeah ... helpless ako that time pero di ako gaya na iniisip mo at f.y.i. mataas ang paggalang ko sa sarili ko.!wala kang alam sa pinagdadaanan ko! inis na inis na sabi nya at halatang nagpipigil ng luhang nagbabadya ng tumulo.

' o! yeah, the letter! you are a walking disaster waiting to happen.. everytime na makakasalubong kita puro kamalasan na lang ang dala mo. Vomit queen. sarkastikong sabi ni Nick sabay talikod.

dalidali syang hinabol ni Betina... ' walking disaster pala ah.... eto ang sayo... !' sabay kagat sa kaliwang tenga ni Nick at dali dali syang tumakbo sa madaming tao. Masyadong malayo ang lugar para marinig ng mga tao ang pagtatalo nila maging ang hiyaw nito.

' beks!halika na umuwi na tayo bilis... ' hinihingal na sabi ni Betina at kinuha ang kanyang gamit.

' girl, ang aga pa...wag kang k.j.' bagot na sagot ni James.

' hoy, beks seryoso need na talaga, bilis saka ko na ikikwento mahalaga makaalis tayo agad dito.' sabi habang palinga-linga sa paligid.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon