CHAPTER 19

12 0 0
                                    

  Lumipas ang mga araw na masaya si Nick at Betina, busy sa trabaho and pag-weekend effort talaga sila to have at least time for bonding together, minsan dini-date ni Nick ang parents ni Betina, and minsan nakikipag-basketball kay Kuya Bryan kaya naman close na close at pamilya na ang turing talaga sa kanya nila Mama Bea.

Isang araw habang nanonood ng boxing si Kuya, Papa at Nick at kami ni mama nagpiprepare sa kusina...

' hello, Nick dear, where are you? can you please drop by sa house ng Daddy mo? nagkamalay na sya at ngayon ay nandito na sa mansion, ikaw kasi ang una nyang hinanap simula ng magising sya.'excited na balita ni Tita Amanda.

' sige po Tita, papunta na po ako.' sagot ni Nick, pagkababa ng phone ay agad syang nagpaalam kila mama at papa, di nya na din ako sinama kasi di naman nya alam ano magiging reaksyon ng papa nya pag nakita sya. Yes, malayo ang loob ni Nick sa papa nya, sabi nya lagi daw mainit ang ulo nito sa kanya, lalo na nung nangyari yung pinaka-heartbreaking na sitwasyon na nagpaguho sa mundo ng mga Beltran, naabutan na lang nila ang kuya sa kwarto nito na wala ng buhay, at ang reason ay dahil si Nick ang mahal ni Monica ang girlfriend ng kuya nya, kaya ayun, sumonod naman ang pagkamatay ng mommy nya at eto nga ang pangalawang atake sa puso ng daddy nya, 5 months na comatose ang daddy nya, pero walang araw na hindi nya hiniling sa Diyos na gumaling ito, kahit na masama pa din ang loob nito sa kanya. Yes, nabuhay si Nick na parang robot, bawat galaw may bilang, walang lugar sa pagkakamali, kaya di na din ako nagtaka bakit sya perfectionist, dahil He's trying to please his dad, and do everything at his best, pero kahit anong effort ni Nick it means nothing for his dad. Kaya he learned to accept the fact na hanggang dun lang siguro talaga ang kayang ibigay ng daddy nya sa kanya.

Pagdating ni Nick sa bahay nila agad syang pumunta sa kwarto ng papa nya, andun ang kaba, pero mas lamang pa rin ang pag-aalala Nang maabutan nya na bukas ang pinto, nakita nya ang ama na halatang hinihintay ang pagdating nya, napuna ni Nick na anlaki ng binagsak ng katawan nito.

' Dad...' tawag ni Nick na nanatili sa pintuan lamang,dahil di nya alam kung ano ang magiging reaksyon ng Daddy nya, kaya minabuti nya na lang na maghintay.

' Nick, anak? halika at lumapait ka rito.' hinang-hina na tawag nya rito. Sa loob ng mahabang taon, ngayon lang narinig ni Nick na tawagin sya nito anak, isang salita na napakalaki ng impact para sa kanya, parang buong buhay na ipinagkait sa kanya ang magkaroon ng isang ama, nang mga sandaling iyon, nawala lahat ng hinanakit at sama ng loob aa puso ni Nick para sa ama, at nagdulot sa kanya ng ibang ligaya at bigla syang napatakbo sa kinarororoonan ng kanyang ama at niyakap ito

' daddy.....hmmmmm...hu.....mmmm...salamat at gising na po kayo.' pahikbing sabi nito.

' anak, salamat ha, for taking good care sa mga negosyo habang wala akong malay, salamat sa mga saacrifices mo para maiahon ang nalulugi ng mga negosyo.' pasasalamat nito, pagkalugi ng kumpanya ang dahilan ng pagka-atake sa puso ng kanyang ama, dahil ng mawala ang mommy at kuya ni Nick ay nalulon sa alak , sugal ang kanyang ama. Walang araw na hindi ito lasing at nagwawala, kaya tuluyan nyang napabayaan ang mga kumpanya, buti na lang at andyan si Nick para umagapay, di man ganoon nabawi lahat ng ari-arian nila, ay mayroon paring mga property na pwedeng palaguin.

' wala po yun Dad, salamat din po sa tiwala.' sabi ni Nick.

' anak patawarin mo ako sa sobrang dami ng kasalanan ko sayo, sa panahong puro sama ng loob ang nabigay ko sayo, patawarin mo ako, kung hindi ko naibigay ang supporta na inaasahan mo mula sa akin, anak sana may pagkakataon pa akong makabawi sayo.' sincere na paghingi ng tawad ng daddy ni Nick.

' dad, sabi ko sa Lord mabuhay ka lang ipinagpapasalamat ko na po yun, dad, thank you for making me a responsible person, naging training ko po yun at naging better person ako dahil dun, wala po akong galit sa inyo, and  kalimutan na po natin ang nakaraan, ang mahalaga po ay kung paano natin maiimprove ang sarili natin, after natin magkamali, sorry po dad sa mga pagkakataong, napapasama ko ang loob nyo.'

' anak, wala kang kasalanan ako tong naging makitid at hindi marunong umtindi, ako tong naging makasarili, sana mapatawad mo ako.' sabi nito.

' opo, dad,gaya po ng sinabi ko dad, wala na po sa akin yon, ang mahalaga po maayos na tayo.' masayang sabi nito at niyakap muli ang ama.

Di maalis ang ngiti ni Nick at agad nya itong binalita kay Betina, masayang masaya si Betina para kay Nick dahil ito lang ang lagi nyang dalangin ang eventually mahalin sya at mapatawad ng kanyang ama.Excited na si Betina na ma-meet ang daddy ni Nick.

Lumipas ang ilan pang mga araw matapos ang ilang mga therapy ng daddy ni Nick ay nakabalik na ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Isang araw sa opisina.

' Kumpadre, long time no see.' bati ni Don Ramon Saavedra.

' ' Salamat, at anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?' tanong ni Mr. Beltran.

' aba di ba dapat ako ang nagtatanong nyan? anyway di na ko magpapaligoy ligoy pa, binibigyan kita ng 2 buwan para mabayaran mo ang 10 bilyong utang mo sakin, alam mo kung paano ako magalit.' banta nito.

' alam mong hindi kaya ng 2ng buwan para bayaran yun, ngayon pa lang ulit nakakabangon ang kumpanya. hindi kita tatakasan kung ayan ang iniisip mo. ' sabi ng daddy ni Nick.

' wala akong paki-alam negosyo ang pinag-uusapan natin rito, at bilang negosyante alam mong di ako sanay magpa-argabyado,madali lang naman, magkumpadre tayo kaya tong mapag-usapan.' sabi ni Don Ramon habang humihithit ng tabako.

' at ano?' tanong ni Mr. Beltran.

' simple lang maabswelto ang utang mo kapag pinakasal mo si Nick sa anak kong si Monica,' masayang sabi nito na halatang gusto si Nick para sa unica hija nya.

' alam mong hindi ko hawak ang puso ng bata, hindi ko hahayaan na hindi sya maging masaya.' mariing sabi nito. Maganda si Monica, matalino at kilala di lang dito maging sa ibang bansa dahil isa itong sikat na fashion designer. Bata pa lang sila ay gustong gusto na nito si Nick ngunit kapatid lang ang tingin ni Nick dito.

' well then, see you in court.' banta nito, at nilisan na ang opisina.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon