' thank you ha, you made my day, sobrang ang kulit mo pala, ibang iba sa una nating pagkikita, had so much fun, so pano hatid na kita? san ka ba nakatira?' masayang masayang sabi ni Nick pagkatapos nilang magdinner sa Savory.
' naku, wag na text ko na lang si James papasundo na lang ako.Salamat din sa time, di ka pala ganun kasungit. ' sagot ni Betina.
' ahhh, boyfriend mo.' biglang nawala ang ngiti nya atdi napigilang itanong.
' Bwahahaha, hindi, sya yung friend ko na kasama ko nung nasukahan kita. Wait tawagan ko na para mapabilis na.' sabi nya habang dina-dial ang number ni James.
makaraan ang ilang minuto....
' tsk.!' sabay hagis ng phone sa loob ng bag at mukhang disappointed si Betina.
' o , why? alalang alala na tanong ni Nick.
' e kasi tong si beks e, ayun rumampa sa tagaytay, tsk... after pala sa gallery ayun gumora dun di man lang ako sinabihan.' naiinis na sabi ni Betina.
' ok lang naman ihatid kita e, saka late na oh, ayoko namang iwan ka, saka madalang ang sasakyan dito.' pag-alalala nito.
' salamat ha,' nahihiyang sabi ni Betina.
' san ka ba nakatira?' tanong nito.
' sa may project 4, ' mabilis na sagot nito.
' ahhh... ayos, same pala tayong way e, sa may loyola heights lang naman ako e tara na. '
masayang sabi ni Nick, at dumirecho ng lakad sa parking lot.
sa buong byahe ay naging tahimik sila, at tanging tunog lang ng radyo ang nauulinigan. hanggang sa matunton na nila ang bahay nila Betina.
' salamat, Mr. Beltran. Ingat.' sabi ni Betina.
' salamat din, Nick na lang, masyadong formal ang Mr.Beltran di ba we're friends na?' pagtatama nito.
' ay oo nga pala, SORRY PO, ( with action na ginagaya si Chichay sa Got to believe) pangaasar nito.
' haha... you never fail na patawanin ako. salamat for that.' masayang masayang tugon nito.
' ingat ka ha, text me when your home na so alam ko na ligtas ka.' worried na sabi nito.
' opo, nanay! wala naman sigurong magtatangkang kumagat sa isa ko pang tenga dito. haha' pang-aalaska nito.
' ewan sayo. umuwi ka na nga.!' sabi habang umiirap irap ang mga mata nito.
' ohhh, di ba sabi ko smile lang, bye, thanks Betina, goodnight.' pagkatapos ay sabay na pinaharurot ang dala nitong Land cruiser.
sa bahay habang papasok si Betina...
' lalalalalalalalalalaalalalalalalalala..... '
' aba! at mukhang masaya yata ang bunso namin. ' bati ng kuya Bryan nya , sabay halik sa ulo ng kapatid.
' kuyaaaaa, ayaw mo ba kong nakikitang masaya? anong pagkaen, tara kain tayo?' masayang aya nito para maiba ang usapan.
' aba! mama! papa! nagbalik na po sa katinuan ang anak nyo! magdiwang tayo!!!! mahigpit na po ulit ang turnilyo sa utak ni tin. ' pangangantyaw nito.
' kuya naman, e....' halatang naiinis na sabi nito.
' hmmmm... sige na nga, namiss ko yang ngiting yan, namiss kita.' sabay pisil sa ilong ng kapatid habang nilalabas ang Ice cream na Keso na paborito ng kapatid.
' ako din naman, na-miss ko yung sarili ko. 'pabulong na sabi nito.
at magdamag na nag-asaran ang magkapatid habang masaya silang pinagmamasdan ng kanilang mga magulang.

BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...