Nick's POV
Naiyak talaga ko kagabi , alam naman ni Betina na lahat kaya ko pero di ang thought na iiwan nya ko. Ansakit ng ulo ko, siguro dahil sa sobrang iyak at di talaga ko nakatulog, para lang mapanatag sya na ok na ko kaya nag-aya na ko matulog kagabi. Pero ang totoo di ako mapanatag, ngayon tinitingnan ko sya habang mahimbing na natutulog, sobrang amo ng mukha nya, ansarap titigan napaka-inosente. I admit mas nain love ako sa itsura nya habang natutulog, natural ang ganda.
' good morning mahal, ' bungad nya habang humihikab pa.
' good morning beautiful.' bati ko ng mahalata nyang nakatitig ako sa kanya.
' breakfast is ready mahal...' bulong ko sa kanya, pero mas lalo sya ng nagtulog-tulugan halatang ayaw pa bumangon. Kaya, kiniliti ko sya hanggang sa makulitan na sakin, pero ayaw pa din bumangon.
' anu ba inaantok pa ko Nick...' sabay talukbong nito ng kumot.
' ahhhhhhh, ayaw mo talaga Betina ha, 1,2,3...pag di ka pa bumangon dyan pagsisisihan mo ang susunod na mangyayari, ' pagbabanta ko habang inilalapit na sobrang lapit yung mukha ko sa kanya pero nakikipagmatigasan, hanggang sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa' t isa, at natitempt na ko halikan sya, ng biglang....
' ahhhhhhhhhhhhhhhhhh~chhhooooooooooooo....achu!' sunod-sunod na pagbahing ni Betina, kainis na allergy yan, yun na e.. malapit na, pero salamat na rin, kasi di ko alam ang gagawin ko kung natuloy yun, naalala ko sabi ni Mommy, ' HUWAG NA HUWAG MONG PAPAKIALAMAN ANG ISANG BAGAY LALO NA'T ALAM MONG DI MO KAYANG PANINDIGAN,'kaya ko namang panindigan si Betina, gusto ko lang na wag maging unfair sa kanya, kukunin ko ang bagay na yun sa panahong alam kong may karapatan na ko.
Tumawa sya ng malakas at bumangon na sobrang parang nag-aalaga ako ng bata pag nasa mood magkulit super kulit naman . pag sweet super sweet andyan yung subuan ka, andyan yung make-upan ka, at picture-ran ka ng mga nakakalokong effects, pero nakikita ko sa kanya na weird man ang pamamaraan, I know she loves me, kaya hinahayaan ko na lang, kasi pagtinopak andyan yung magsasalita ka sa hangin talaga, pero sobrang sensitive sya when it comes sa nararamdaman ko, kapag di ako ok, gusto nya alam nya lahat ng pinagdadaanan ko, para daw at least alam nya kung paano sya makakatulong. What I love about her, e yung hindi ka nya pipilitin sa bagay na ayaw mo, yung tanggap nya yung weak side mo at yung ini-encourage ka , at sasabihing kaya mo sa panahong nahihirapan ka.
Betina's POV
Toyo talaga tong si boyfriend sabi sa inyo e, nakakatukso pag kayong dalawa lang, salamat sa allergy ko at just in time, ang kj pero totoo,gusto ko ang first kiss ko ay sa araw ng kasal ko, woooahh... Maria Clara ever, idealistic masyado, pero siguro dahil naniniwala din ako na napalaki ako ng magulang ko ng maayos. Sabi ni Mama Bea ' MAS MA-EENJOY MO DAW ANG BAGAY PAGGINAWA MO NG TAMA, AT MASARAP PAGDUMATING NA ANG MATAGAL MO NG HINIHINTAY, KASI SA PAGGAWA NG TAMA, ANDUN DAW ANG BLESSINGS NG LORD.'Sila mama at papa, nga 10 years na magboyfriend e kinaya, kami pa kaya. Naniniwala ako, nasa paninindigan yan. Ayun, bumangon na ko bago pa may sumapi ang spiritu ng kahalayan saming dalawa. Ayun, habang nagbi-breakfast di mo makaka-usap yan si Nick kasi busy yan sa pagtingin ng stock-exchange, araw-araw yan ang buhay nya pero dahil nasa bakasyon kami pwede akong magdemand.
' are you here to read all those papers??? kanina pa ko salita ng salita wala man lang sumasagot sakin.' naiinis na kasi ako, ansaya ng kwento ko tas NR sya. Lumabas ako para maglakad-lakad at iniwan ko sya, habang naglalakad ako naisip ko medyo naging childish ako dun and unreasonable, pero di na ko bumalik anlayo na din ng inabot ng pride ko e, kaya nag-ikot ikot na lang ako sa mga antigong bahay at namili ng pampasalubong, ganyan ako pagnaaliw di ko namamalayan ang oras sumapit ang 6pm, grabe pala pag probinsya iba ang dilim ng gabi at medyo nahirapan ako tandaan kung paano umuwi naiwan ko din yung cellphone ko naka-charge dun sa bahay na tinutuluyan namin. Habang naglalakad ako, pakiramdam ko may sumusunod sakin, hanggang sa makitid na daan, halos napatakbo ako kasi may anino talaga sa likod ko, pawis na pawis na ko. Hanggang nag-take over sya.
BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...