CHAPTER 21

14 0 0
                                    

Betina's POV

' fudge! ansakit! apaka-sakit, ahhhhh .. ..' daing ko, sa pagkakabagsak ko mukhang malabo na kong makatayo. Nang makita kong lumabas sa kwarto si Mr. Beltran.

' what are you doin here hija? kanina ka pa ba andyan?' nag-aalalang tanong niyo habang inaakay sya papunta sa guest room.

' sorry po, hinahanap ko po yung C.R.it seems na mali po ako ng direksyon, sorry po wala po akong balak makinig, is just that.' pagpapaliwanag ko.

' shhhh... it seems na narinig mo ang pinag-usapan namin, yes daddy sya ni Monica, at malaki ang pagkakautang ko sa kanila, enough reason para gipitin akong ipakasal si Nick kay Monica,' malungkot na sabi nya.

Natigilan ako sandali. Di ko na alintana yung kirot nung sprain ko, mas masakit yung kirot na nararamdaman ko sa puso ko.

' ikaw hija? gaano mo kamahal si Nick? are you willing to fight for him? or shall I say how far are you willing to sacrifice para sa taong mahal mo? lahat pwedeng mawala sa kanya sa isang maling desisyon, are you willing yo help him? or are you willing to give him up for his own sake?alam kong mahal na mahal ka ng anak ko, at kung sya malabo, kayang kaya nya ako o anomang bagay kaya nyang talikuran para sayo, pero ang tanong kaya mo bang makita yung taong mahal mo na unti-unting nahihirapan at nawala lahat sa kanya yung pinaghirapan nya ng matagal na panahon para sayo?' sabi sakin ni Mr. Beltran.

Wala sya ni isa mang salita na narinig myla sakin, tumutulo ang luha ko pero yumuko na lang ako para hindi nya mahalata, sabi nya ' either ways hija, matatanggap ko, I'm willing na makulong, pero what am I talkin about here e, yung future ni Nick, minsan kailangan nating magpaubaya para sa ikabubuti ng taong mahal natin. Sana isipin mo hija. by the way ipapahatid na lang kita sa driver.Salamat, aasa akong hanggang satin na lang ang pag-uusap na ito.' pagsabi ay umalis na ito. Pagkaalis nya dun ko lang naibuhos ang lahat ng bigat, lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigil.

Nagpahatid na lang ako sa isa sa mga driver,sa daan di ko maiwasan isipin ng paulit ulit yung sinabi ng daddy ni Nick, oo tama magiging selfish ako kapag hinayaan ko pang manatili sakin si Nick. 35 missed calls, yan ang naka-register sa phone ko,at puro text ni Nick. Sa huli pinatay ko na lang yung phone ko. Ayoko ng mag-isip pa, isa lang naman kasi ang pinupunto ng lahat, ang makakabuti ang iwanan si Nick.

Sa bahay , nagulat ang lahat sa itsura ko namamaga ang mata , iika-ika maglakad at malungkot niyakap lang ako ni Mama at wala ni isa sa kanila ang may lakas ng loob na magtanong, doon sa puntong yon masasabi kong walang tatalo sa comfort ng isang ina, humagulgol ako, iyak lang ng iyak. at alam ko na sobrang awang awa sila sakin. Andyan kumuha si Papa ng tubig, si Kuya pinapaypayan ako. Hanggang sa makatulog ako, at 2a.m.

dumating si Nick sa bahay, alalang alala nawala daw ako kanina, naririnig ko na nagpapaliwanag sya kay mama, pero minabuti kong magtulog-tulugan.

Kina-umagahan, nagpasya akong wag pumasok, sa sobrang sama ng pakiramdam ko at di ako makalakad, pagsilip ko sa bintana andun si Nick, mukhang hindi sya umuwi.

Nakita ko na nilabas sya ni Mama, at binigyan ng pagkain, ayaw nya pa ding umuwi, sabi ko sabihin na di ako lalabas ng kwarto. At wag sya papapasukin sa bahay, si Mama, si Papa at si Kuya nananatiling mabait kay Nick, kahit na di nila alam, ang panuntunan nila ' hindi dapat nangingi-alam sa pagtatalo ng iba, kung maaayos mainam, pero kung hindi huwag ng pumagitna at gugulo lang lalo.'

Tawag sya ng tawag sa phone ko, puro text na kausapin ko sya, pero nanatili akong matigas.

Gabi ng bumuhos ang pag kalakas lakas na ulan,

' anak, di mo pa din ba sya kakausapin? ' awang awang tanong ni Mama Bea.

' ma, hindi ko alam kung kaya ko syang harapin, ma, ansakit sakit na ako yung kailangan magdala ng bigat ako yung kailangang masaktan ako yung kailangan magdesisyon.' ang sakit sa pakiramdam na gusto mong magmahal pero di mo pwedeng ipakita, kasi kailangan mong protektahan yung taong mahal mo.

' anak, di ba deserve nya malaman kung ano ang totoo? kahit masakit?' pagapapaintindi ni Mama.

' ma sometimes white lies will save the person we love, I'd rather be silent and hurt than to tell him the truth , truth that can ruin his entire life.'

' It's really hard anak, ang maipit sa sitwasyon na parehong hindi mo gusto, pero bago ka magdesisyon pakatimbangin mo yung consequence ng desisyon na gagawin mo.' paalala nito.

'salamat ma,' niyakap ko si mama at nagpaakay ako lumabas.

Awang awa ako sa Nick na nakita ko, puyat, basang basa ng ulan, at nanginginig na sa lamig, nang makita nya ko ay agad syang yumakap sakin, pero nagmatigas ako at di yumakap pabalik,

' mahal, ano ng nangyari satin? sorry, c'mon tell me what's going on, dahil ba sa nangyari sa Party? Darn!  si Monica ba? wala sya, iiwasan ko sya, c'mon tell me, hindi ko kakayanin ni di tayo ok Betina,...so please tell me, kung may mali maayos natin, miss na miss kita.' lumuhod sya habang nagmamakaawa sakin.

' magsalita ka naman, please Betina, ano bang nangyari? bigla kang nawala... naman ohhh..  pano ko maayos kung ayaw mong sabihin kung ano yung problema.' umiiyak nyang sabi. Pinilit kong tigasan yung sarili ko, di ako makatingin sa mata nya.

' Nick , sorry ako yung mali, na-realize ko hindi kita mahal.' habang iniiwasan ko ang yakap nya.

' HINDIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!&#!&&@!&#$%#!%4@$%#!%&@$%@!%#!%@$@...nagsisinungaling ka.' galit na sabi at mura nya.

' ano to? ha? joke, ok di na ko natatawa, tama na Betina, tama na... ok di magandang biro' pilit nyang kinakalma sarili..

' bat andali-dali sayong bitawan ako ng ganun ganun na lang, na parang wala lang lahat, minahal mo ba talaga ko? ang sakit sakit na Betina! time ba? space, ? sabihin mo, nasasakal ba kita. promise hindi na ko magseselos, di na ko magsusungit, susundin ko lahat ng gusto mo,lahat lahat....' papasigaw nitong sabi at niyakap ako.

' unang-una, na-realize ko na hindi pala kita minahal, na nabulagan lang ako, si Justin pa din pala ang mahal ko, na kagabi kasama kita at nameet ko ang daddy mo, naisip ko seryoso ka na nga sakin, natakot ako, kasi naramdaman ko na wala kang puwang sa puso ko, na ayokong lokohin ka pa, dahil mabuti kang tao, na ayokong gamitin ka para mapasakitan ko si Justin, maling mali, ako. Sorry ayoko ng makita ka pa kahit kailan.'Sorry sa mga sakit na naidulot ko sayo, Ayoko na kitang makita, tapos na tayo Nick, mawala ka na sa buhay ko.' dahil di ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko , pagkasabi ko tinulak ko sya at

tumakbo na ako, papasok sa bahay at naiwanan syang walang emosyon sa labas ng bahay.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon