CHAPTER ONE

71 2 2
                                    

5:24 a.m

'Haaaaaayy... girl Ihave something to tell you.... 'sabi ni James and bading na bestfriend ni Betina.

'ano na naman yun at ang aga aga napatawag ka??? 'naaburidong sagot ni Betina. Kilalang kilala ni Betina ang kanyang bestfriend hindi ito tatawag ng madaling araw kung hindi importante ang sasabihin nito.

Oh, c'mon... tell me!bilis... gigisingin mo ko ng madaling araw para bitinin lang dyan sa kwento mo??? galit na tono ni Betina.

'kalma lang girl eto na nga o, alam mo ba si Justin??? yung guy na dadapat sasagutin at pinanghinayangan mo nung college tayo ayun, nakabuntis at ikakasal na next month' .......pabitin na sinabi ni James.

sumandaling napatahimik si Betina, at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang dalawang pisngi, pinipigil nya ang sarili upang di marinig ng mahadera nyang kaibigan,dahil ito ang lalaking kaisa isa nyang ginusto at pinangarap nyang maging boyfriend ngunit ng ligawan sya nito ay lubha syang nahirapan at sa huli ay naging komplikado ang kanyang damdamin dahil mahal na nya ito ngunit dahil gusto nyang makapagtapos ng walang boyfriend gaya ng ipinangako nya sa kanyang ama ay itinaboy nya ito ngunit lihim na pa din itong iniibig at hindi ayon nawala sa paglipas ng humigit pitong taon. Tumigil lang ito ng panliligaw ng akalaing boyfriend ni Betina si James na di mo mapagkakamalang bading pala.

oy,girl....tsk...ano kumusta naman dyan? after ng breaking news... ganun na lang tulugan ulit ako??? okray pero halatang concern na sabi ni James.

' bakla ka!ana alimpungatan ako! yan lang pala ang ichiichika mo.. e kung shotgun-in kaya kita! move on move on din pag may time antagal na nun I don't even care to know kung anong pinagkakaabalahan nung tao. well, good i'm happy for him. At least ok na sya wala ng guilt feeling sa side ko.' kanyang mabilis na depensa at pagpipretend para di na ma-bother ang kanyang kaibigan sa nalaman.

' tama yan girl, maganda tayo kaya keri lang.. o sya. matulog ka na. love you sissy! malanding sabi ni James.

bagamat basag ang boses kakapigil ng iyak ay nakuha pang sabihin ni Betina na... love you girlfriend..at saka ibinaba ang telepono.

sa kwarto simula noo'y di na sya dinalaw ng antok at patuloy na umaagos ang luha at di na nya maidilat ang kanyang mata sa sobrang maga.

' ang daya daya mo.... pabulong nyang sinabi.

at muling nyang naalala lahat ng mga pangako ni Justin sa kanya, na kanyang pinanghawakan na sila na ang magkakasama sa future..bawat pahina ng kanyang scrapbook ay alaala ni Justin ang kanyang naiisip. Kung paano ang mga concerns nito, ang panunuyo pag tinotoyo sya ang mga advice pag malungkot at mga wacky pictures nito tuwing umaga. At nang kalauna'y hindi nya namalayan na nakatulugan na nya ang pag-alala sa nakaraan at iniunan ang naturang scrapbook.

Kinabukasan sa opisina...

'Betina, pinapatawag ka sa HR office.' sabi ni Cathy ang ka-close nyang officemate.

ok, malumanay at walang ganang sagot ni Betina.

Sa HR Office.

' Good morning po Maam Cruz.... bungad na bati ni Betina.

' Good morning Ms. Carlos..di na ko magpapaligoy ligoy pa no., sa loob ng 6 years kitang kasama , nakita kita kung papaano ka nagsusumikap, naggrow sa company na ito, at beyond sa work para mo na akong pangalawang nanay, sobrang responsible mong bata,that's why nagulat ako sa record mo this morning you arrived 2 hours late without any prior notice. I'll be honest with you we have pending promotion for you and I want you to get it as soon as possible cause you deserve it, you already prove yourself to me... then prove to the board na di ako nagkamali sa aking pinili.' halatang halatang alalang alala ang matandang ginang na naging nanay nanayan na nya sa opisina dahil ang mga anak nito'y pawang nasa ibang mga bansa na.

Habang tumutulo ang luha ni Betina sa halong saya at sakit na nararamdaman, siya ay humingi ng tawad at sinabing... ' Mam, di po pala balewala yung mga efforts ko... salamat po sa pag-appreciate at tiwala nyo po sa kakayahan ko, gayun pa man humihingi po ako ng paumanhin kung nasira man po ang napakatagal kong iningatang records , may personal lang po akong inayos. Patawad po at di na po mauulit.

Lumapit ang matanda at sya'y niyakap... are you ok hija??? kung masama ang pakiramdam mo you can go home...i know you really work hard... but it looks that there's something personal na nakakapagpa-bother sayo..but then I think I'm not in the right position to ask you ...basta kung ano man ang maitutulong ko..handa. akong makinig .

'Salamat po Mam..' tugon nya at mabilis na pinunasan ang mga luha at nagmadaling lumabas at baka di na nya makontrol ang kanyang emosyon.

' sure ka bang ok ka lang....' nag-aalalang tanong ni Cathy.

' yes, dear ok lang ako siguro puyat lang...' maang maangan nito.

' ok, if you say so.' biglang yumakap ng mahigpit at saka bumalik sa kanyang pwesto.

thanks Cathy! pasigaw na sabi ni Betina.. habang nangingilid ang luha.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon