Nang makalipad ang eroplanong sinasakyan nila Betina at James patungo ng airport ng Caticlan. Ay syang may di inaasahang balita ang gugulantang sa buong Pilipinas. Si April kaisa-isang anak ng General ng PNP ay natagpuang walang buhay sa kanyang silid sa mismong araw ng kanyang kasal,ayon sa pagsusuri ay ito mismo ang nagtapos sa sarili nitong buhay. Sinabi din na gumawa ito ng liham para sa nakatakdang mapapang-asawa na nagsosorry at nagiguilty dahil fi naman daw sa kaya ang batang dinadala nito at walang namagitan sa kanila. Sa sobrang pagkadismaya ng lahat sa pangyayari ang buong pamilya ni Justin ay tumungo ng London para doon mag-umpisa muli.
Sa eroplano...
' hoy bakla nasusuka ako.' pabulong na sabi ni Betina.
' hey! girl onting tiis pa.. hirap kasi di tayo magkatabi, first time mo nga pala na sumakay ng eroplano.
' sasabog na bituka ko kakatiis.' angal nito.
' kalma girl, nakakahiya sa gwapong katabi mo oh... ingay ingay mo.
at bago pa makapagsalita si Betina ay nagmistulang taong sinahog sa lugaw ang lalaking katabi nya. Nagising ito na nangangasim ang amoy at punong puno ang suka ang Armani na polo.Hindi malaman ni Betina ang gagawin. Nang magkaharap na sila ang huli nyang nakita ay galit na galit na mukha ng isang lalaki at doon tuluyan na syang nawalan ng malay.
sa Regency Hotel...
' thank you for choosing our hotel,we do hope that you will enjoy your stay here and we can give satisfaction to our valued customers.. anyway Madam and Sir I am Cindy, here's your key room 704B .pagbati ng receptionist na halatang nagagwapuhan kay James.
'thank you.' tugon ni Betina.
' di pa din ako makamove on girl sa eksena mo sa eroplano.' banggit ng kilig na kilig na bading.
' hay naku, buong buhay ko doon lang ako nakaramdam ng pagkapahoya.e sa nasusuka ako e. ano nga pala ang sabi nung lalaki? galit na galit ang mukha nya e.' sabi ni Betina
' ayun , super galit sya... pero nung nawalan ka ng malay sya kaya ang nag-asikaso sayo. Ang cute nga e. kaso suplado at antipatiko ang loko kaya ayun pagka-gising mo e. iniwan ka na.
' ah... ganun ba, di man lang ako nakapag-sorry at nakapagthank you.' may pagsisisi na nasambit nya.
Habang walang kaalam alam sila Betina at James sa mga kaganapan sa Manila ay ienjoy nila paggala, swimming, snorkling at parasailing.. at bukas ay inaasahan na makakapag-Scuba Diving sila. Dahil ang Boracay ay kilala sa night life kahit di ito gusto ni Betina ay sumama sya na mag-bar para din maenjoy ang bakasyon at makalimutan ang mga iniisip.
sa bar dahil sa angat ang kanyang ganda ay maraming umaaligid at nanghihingi ng kanyang cellphone number, at doon naman tuwang tuwa si James. First time ni Betina na mahiwalay sa kanyang pamilya at lumabas sa kanyang comfort zone at subukang diskubrihin ang sarili.
' tama yan girl, i-enjoy mo ang buhay sabi sayo maraming isda sa dagat.. . pabirong sabi ni James habang nakikipaglandian sa ibang lalaking kasayaw.
Lumalim pa ang gabi, at sobrang naparami na ng nainom si Betty.
' sissy, halika na... inaantok..na ko tama na lasing ka na. kung gusto mo bukas na lang ulit tara na....' concern na sabi ni James.
' wala ka pala e, di pa.....di paaaa ako ..lasheeeeng.... waiter isa pang Margarita! c'mon let's celebrate.. best wishes!happy new year !happy birthday! 'malokong sigaw ni Betina at walang tigil na sayaw ng sayaw.Naawa bigla si James kaya kahit di na nya kaya ay sinamahan nya ito. Habang tumutugtog ang AEGIS... ay biglang nagtaas ng kamay si Betina at sumigaw, susuray suray na naglalakad patungo sa stage...
' Betina Marie Carlos! sumusobra ka na ahhhh!' pigil ni James habang hawak hawak sya.
' bakit? magenjoy tayo at magpakasaya... makikikanta lang ako... anong masama dun.. wala akong gagawing masama. trust me.' mayabang na sabi ni Betina sabay kindat sa kaibigan.
' pero... tatawagan ko ang mama at papa mo....!enough na sis! patiling awat ni James.
habang ang mga tao ay patuloy na nagkakantyawan...
' bibitawan mo ko o hahalikan kita... ' panakot ni Betina at aakmang hahalikan ang kaibigang bakla, at ng makita ni James na seryoso ito ay binitawan na sya at hinayaan sa gusto nitong gawin.
' ladies and gentlemen may isa tayong guestna napakaganda ang gustong maki-jam sa atin ngayong gabi... ' let's all welcome Ms. Betina.
' sa lahat ng mga taong nasaktan, nawalan , nagmahal at di nasuklian sa lahat ng biktima ng di matapos tapos na krimen, ang pag-ibig....' malungkot na panimula ni Betina.
naghihiyawan ang mga tao at iba'y excited at nagpapalakpakan, confident naman si James dahil alam nya na maganda ang boses ng kaibigan. Bago pa magsimula ang kanta ay tumutulo na ang luha ni Betina pero di nya ito alintana.'
' ayoko sana, na ikaw ay mawawala mawawasak lamang ang aking mundo... ngunit anong magagawa kung talagang ayaw mo na... sino ba naman ako para pigilan ka... ang mga linya ng kanta na tagos sa puso at damang dama ni Betina ang pag-awit pagkaraan ay natauhan sya... at biglang umalis at tumakbo.. habang ang mga tao ay nanghinayang dahil sa ganda ng kanyang tinig.
tumakbo sya ng tumakbo ng tumakbo, hanggang makaabot sa station 3, di na sya nagawang abutan ni James dahil kinailangan nitong bayaran ang bill nila. sa dalampasigan siya ay sigaw ng sigaw... iyak ng iyak..na wala na halos tao dahil magaalas-kwatro na ng umaga...hanggang sa na out of balance sya..at napaluhod doon sya humagulgol at lumuha ng todo. Di nya alintana ang isang malaking bulto sa kanyang likuran na ang akala nya ay si James. Iyak sya ng iyak na parang bata, at sumbong ng sumbong.
' alam mo yun , wala akong silbi.. ang sakit sakot di ko sya naipaglaban, yung ako yung may kasalanan....(patuloy na iyak ng iyak)
habang ang lalaki ay nakikinig lamang.
' ayoko na, gusto ng mawala... at ng aakmang lulusong sa dagat ..ay bglang may pumigil sa kanya at ng pagharap nya ay di na nya. naaninag ang mukha nito at tuluyan ng nasuka at sa sobrang hilo ay nawalan ng malay .
NICK's POV
nasa clinic ng hotel.
' sir ok na po ang girlfriend nyo,medyo naparami lang po ng inom at yung pantal po ay parang allergy nya, dahil hindi naman talaga sya umiinom.' sabi ng nurse.
' ah, san magbabayan ng bill? pwede bang bayaran ko na then may stay sya dito til magkaroon sya ng malay at kayo na ang mag-alaga sa kanya. may urgent kasi akong meeting at 6am so di ko na sya maaasikaso. by the way I dont really know her, nakita ko lang sya sa shore.
' siguro malaki ang problema noong babaeng yun, for the second time ah... nahihilig syang sukahan ako.hay, nakakaawa lang talaga.' mga ideya na naglalaro sa isip ni Nick.
' Mr. Nick, are you with us??? tanong ng isang Business partner nya.
at doon lang nakita ni Nick ang sarili na magkaganoon at ma-out of focus.
'
'yes sir, sorry. ' madaling sagot ni Nick at patuloy na umusad ang meeting.

BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...