' di ako pwede magkamali, Justin dyan ka lang may susundan lang ako.' sabi ni Betina habang naglalakad sa Sm Megamall.
' NICK BELTRAN!!!!!!!!!!!! pag di ka lumingon tatamaan ka sakin.' malakas sigaw nito.
' ahhhhhhhh ayaw mo ha, bahala na....kumuha sya ng stuffed toy at binato sa lalaking nakatalikod.'nabuhay ang dugo ni Betina.
' Tin, stop it! .' awat ni Justin.
' hey, Betina, ' sagot ni Nick.
' hey hey mo mukha mo, ' tumutulo ang luha na nakasimangot.
' shhhhh... stop crying... Betina.' sabi ni Nick sabay abot ng panyo, hindi nya alam kung anong gagawin.
' hi.bro, I'm Justin, tin's....... ' pagpapakilala nito.
' yeah. I know, I'm Nick,nice to finally meet you, ' pagpuputol nito,
' sya alis na ko may pupuntahan pa kasi akong meeting.' pagdadahilan nito walang sinayang na oras mabilis na umalis.
' anong ganap yun Justin???' iritableng tanong ni Betina.
'obviously , the way he looks at you halatang gusto ka nya, so ....' pagdidepensa ni Justin.
'kelan mo ba kasi ako titigilan Justin?' tanong ni Betina.
' di ba di na ko titigil.' matigas nitong sagot.
' mag kaliwanagan nga tayo Justin, nahihirapan na ko, oo, aaminin ko minahal kita noon, sayo umikot yung mundo ko, na halos mabaliw ako, sobra yung regret ko nung hindi kita sinagot, grabe walang araw na hindi ako umiyak dahil ikakasal ka na, halos mamatay matay ako a sakit, sa kakasuka, sa pag-inom, makalimutan ka lang, at ngayong okay na ko hindi ko na magawang ibalik yung pagmamahal na meron ako sayo, akala ko dahil bumalik ka na pwede pa, na meron pa, pero nung binitawan kita ng buo, walang walang natira sakin, ang hirap hirap bumangon, ang hirap hirap harapin ng mundo ng wala kang kakampi,pero sana ngayong ok na ko, maging masaya ka na lang para sakin,'
' bakit, meron na bang iba? sya ba? ' malungkot na tanong ni Justin.
' oo.' mas lalong umiyak si Betina
' antanga-tanga ko nung pinakawalan kita, walang oras o araw na di ko sinabi sa sarili ko na sana ikaw na lang yung pakakasalan ko, it seems na nahuli na ko, meron ng iba dyan sa puso mo, ngayon alam ko na yung sakin na naramdaman ni April, alam ko na yung pakiramdam na ako yung kasama mo pero iba yung laman ng puso mo, sobrang mapaglaro ng tadhana no, andaming nasasaktan, ng love, andaming nagsasakripisyo, hangad ko na maging masaya ka tin, kasi kung saan ka mas sasaya mas gugustuhin ko yun kesa makita kang akin ka nga , pero di mo naman makuhang tumawa.' pilit na pinapaniwala ni Justin ang sarili.
' I'm sorry, really really sorry Justin, it just that, sa panahong hinahanap ko yung sarili ko, sya yung andyan, sya nakakakita ng worst ko, sya yung nagmahal sakin, di ko inakala na after kong masaktan sayo, maiinlove pa ko, alam mo yung panahong naging maramot akong pahalagahan sya, dumating sa panahong sa sobrang takot ko na mangyari samin ang nangyari satin pinipigilan ko yung sarili ko, ngayon hindi ko alam, hindi ko alam bat sya ganun sakin, sana maintindihan mo ko.'
'naiintindihan kita Tin, follow your heart, pwede mo naman akong maging kaibigan di ba.?' pampalubag ni Justin sa sarili.
' oo, naman. ' sabay yakap ni Betina.
sa bahay....
'o, Tin... anyare sayo nak??? magang maga ang mata mo.' tanong ni Mama Bea.
' ma, bat ganun? ansakit sakit?? ' hagulgol nito sabay subsob sa dibdib ng ina.
' anak, minsan talaga kailangan mong masaktan para malaman mo kung gaano kahalaga ang isang tao, kapag worthy sya sa pain, at after that pain msrerealize mo kung gusto mo pa sya mahalin.' paliwanag ng ina.
' ma, hindi naman nya ko mahal e, iniwan na nya lang ako bigla, ma ansakit-sakit, sya nga ang tumulong sakin para makalimutan si Justin, pero doble yung sakit na iniwan nya.'
' nak, minsan kasi may mga bagay na nanatiling tanong na lang, asasaatin kung may courage at ready tayo malaman ang sagot, why don't you ask him? siguro naman hindi nya ipagdadamot sayo yung karapatan mong malaman bakit ka nya biglang iniwasan.' payo nito.
' ma, what if, nag-aassume lang ako, what if di nya ko mahal.... maaaaaa, ang hiraaaappp...' iyak na parang batang inagawan ng kendi.
' anak, kailangan handa ka sa kung ano man ang sasabihin nya, ' expect the worst, but hope for the best.'
' sana ma, hindi na lang ako na-inlove kung ganito lang di naman ako masasaktan.' sabi ni Betina.
' anak, dyan naman ako di agree sayo, alam mo ba na yan ang pinaka the best na pakiramdam sa mundo, ang magmahal, may mga pagkakataong masasaktan ka, iiyak, pero gugustuhin mo pa ding umibig, kasi ang pag-ibig magandang regalo yan ng Diyos,,huwag mong pagdamutan ang sarili mo na maging maligaya anak, sundin mo sinasabi nyan, ang puso di yan titibok sa taong di nakalaan para sayo, ibig kong sabihin walang soldier na nanalo na hindi nakipaglaban, you should take the risk after all, kaligayahan mo naman yan, so nak, pray harder, and do your part para sa huli walang regret. Ok, lang ang masaktan ang mahalaga may natutunan ka.' Ang Love di yan parang math na may formula, specific methods, di mo pwedeng kabisaduhin, di mo pwedeng dayain, the mere fact that you think you play smart, dun ka pa nagiging tanga. '
' thanks mama,' at patuloy na umiyak hanggang sa maka-tulog.
BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...