CHAPTER 26

4 0 0
                                    

Betina's POV

Ambilis ng panahon... Andito na ulit ako sa nakasakay sa eroplano pauwi ng Pilipinas, parang saglit lang ang 2 years pero andaming nagbago, bukod sa chesnut na ang kulay ng buhok at kilay ko, mas pumuti pa ko dahil sa lamig sa London, excited ako na makita ang pamilya ko, balita ko may girlfriend na si Kuya Bryan, sa wakas naman, and they are getting married na daw,pinauwi lang ako para maging busy sa kasal nya, pero I'm happy naman for my kuya at least he found the right girl na. Syempre, si Nick na makulit, though everyday naman kami nagkikita through skype, 2 years ko din namiss ang amoy nya, at ang hug nya though nakasama ko sya ng 1 week sa London.e kulang na kulang pa rin yun, namimiss ko na gumala kasama sya, sa London halos binuhos ko ang oras ko sa trabaho, naging part time model din ako dun, at yun ang gusto ko ipagpatuloy dito sa Pilipinas.

Andaming nagbago, sobra may ilang fans na rin pala ko dito sa Pilipinas, haha.. nakakatuwa. na sinalubong nila ko sa airport,pero di ko pa din pinapasok sa utak ko na sikat ako. Ang mahalaga lang sakin masaya ko.

' Betiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinaaaaaaaaaa!' tili ni James, nang makita ako sabay tindi ng yakap sa akin.Pagtapos ay,kinuha ang gamit ko,sa likod nya ay andun si Mama at Kuya,lumapit at niyakap ako, si Mama ay biglang umiyak, tas nung tinanong ko kung bakit, inawat ni Kuya sabi, pagod daw ako,at pagpahingahin, sa likod nila ay nandoon ang boyfriend kong tulala, at may dalang bouquet,at panda bear.

' ano, 2 years mo kong di nakita, tas tititigan mo lang ako?' sita ko sa kanya. Nang ilang minuto pa syang tulala, lumapit ako, at tinapik yung noo nya, bigla nya kong niyakap, at naluluha sya, di ko magawang di maapektuhan, sa dami ng pinagdaanan namin, kami pa din, ' I miss you so much' , bulong nya, sabay halik sa noo ko.

' ay hala, sige mang-inggit pa. halika na at baka ulanin pa ng langgam ang airport ng dahil sa inyo.' echos ni James.

Nagtawanan ang lahat at sabay-sabay kaming umuwi. Grabe,,anlaki na ng pinagbago ng bahay talaga, bawat pinapadala ko,hindi nasayang may pinatunguhan , meron na din kaming 2ng pwesto sa palengke ng bigasan,masaya ko sa mga nakikita kong bunga ng pinaghirapan ko.Feeling WAGI.

ng may bigla akong mapansin...

' ma, asan si papa? ' tanong ko kay mama ng makauwi kami.Nagulat ako at dali-daling tumakbo si mama sa taas,at nagkulong sa kwarto.

' kuyaaaaaaaa,bakit anong nangyari? may di ba ko alam?' taka kong tanong kay kuya Bryan,na halatang natigilan sa pag-aayos ng gamit ko.

' magpahinga ka na muna,baka napagod lang si mama.' sabi ni kuya,bagamat hindi ako satisfied sa sagot nya ay nagpahinga muna ko sa kwarto, at natulog.

Gabi ng ako'y magising, naligo muna ako at bago bumaba,nakahanda ang pagkain pero wala sila mama,kaya pumunta ako sa kwarto nila.

TOK.TOK.TOK..

' ma, pwede kong pumasok?' tanong ko habang pinihit ko ang pinto at pumasok, naabutan ko si mama na magang-maga ang mata at umiiyak, ng mapuna nya ko ay bigla syang nagpunas ng luha.

' sus, ma, alam kong di ka okey, wag ka na mag-deny, tell it to me ano bang nangyari?' alalang tanong ko.

' anak ang papa mo, huhuhuhuhuhuhhu... ugh!' halos di makapagsalita si mama,sa tigas ng iyak nya,

' ma, anong nangyari kay papa?' bigla akong napapitlag sa sinabi ni mama tungkol kay papa pala ang iniiyak nya,first time ko makita si mama na ganito.

' anak, wala na ang papa mo, pinagpalit nya tayo sa iba..' at that time para kong sumali sa Ice Bucket Challenge, halos di ko marinig ang iyak ni mama, dahil nabingi at pakiramdam ko naparalisa ang buong katawan ko, ang lalaking buong buhay ko tiningnan at hinangaan ko, ay syang lalaking nakikita kong dahilan ng pag-iyak ng nanay ko ngayon.

' ma, kelan? paano ? saan ? kailan? bakit hindi ko alam? wala kong ka muwang-muwang, wasak na pala ang pamilyang gusto kong balikan, sino sino ang nakaka-alam? ma, magsalita ka please...' hindi ko na mapigilang humagulgol.

' 6 na buwan ng nakakalipas anak, ng malaman ko, ang kalokohan ng papa mo ng minsan syang magpunta sa Batangas kasama nya ang ninong mo, ay inaya syang uminon, at ng makaraay tumungo dito ang isang babae at sinabing buntis sya at ang papa mo ang ama, di namin sinabi sayo pagkat ayaw namin na mag-alala ka,' patuloy na iyak nito.

' ma, sorry wala akong nagawa, I know mahirap para sayo ito, na itago sayo lang, sorry ma kung di kita nadamayan sa panahong weak ka,' patuloy ang pagpatak ng luha na tila walang hangganan, sa isang iglap gumuho lahat, nabalot ng lungkot ang bahay, may panahong kumakain kami sa mesa na tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ag bigla bigla na lang tumutulo ang luha. Naaawa ako kay mama, she doesn't deserve na masaktan, naawa ako kasinaging mabuti sya ina at asawa kay papa, pero lahat yun binalewala ni papa, ayokong makita maski picture ni papa, kasi as much as di ko hinahayaang madala ako ng emosyon, di pa din nagsisink in sakin yung mga nangyari, dinedeny ko pa din sa sarili ko na magagawa yun ni papa, kasi para sakin Superman si papa, super maalaga, super mapagmahal, perfect.Pero hindi pala.Balita ko ay sumama si papa sa babae nya sa Batangas.

' hooooyyy,kanina ka pa tulala dyan,' puna ni Nick, dahil di ko namalayan na dumating pala sya.For the past few days sobrang bigat at nagpapakatatag ako para kay mama. Never akong umiyak, never kong pinilit pag-usapan, hindi ko kayang makita syang nasasaktan pa, lalo lang nadudurog yung puso ko.

' di ba alam mo yung nangyari kila mama at papa?' tanong ko, na wala pa ding emosyon na mababanaag sa aking mukha.

' Betina, oo, alam ko pero nakiusap ang mama bea na wag sabihin sayo baka daw mag-alala ka masyado at masakatan.' kinakabahang sabi nya.

' tingin mo di ako nasasaktan na umasa akong masayang pamilya ang dadatnan ko pag-uwi ko, ikaw lang yung kakampi ko dito, pero it seems na hinyaan mo kong magmukhang tanga.' naiinis na sabi ko.

' alis muna ko,balik na lang ako pag malamig na ang ulo mo.Ayokong sumabay, naiintindihan kita, pero sana maintindihan mo din na desisyon ng mama mo yun.' malungkot na sabi nya, sabay talikod sakin. Hinawakan ko sya sa kamay at huminto sya, niyakap ko sya sa likod at dun na ko bumuhos ng iyak, nung aakmang haharap sya pinigilan ko sya,' sorry, wag ka ng humarap, ayokong makita mo kong ganito, sorry kasi sayo ko nabuhos yung init ng ulo ko, all my life akala ko perfect yung pamilya ko, ang yabang ko pa kasi masayang pamilya yung lagi kong pinagmamayabang sa iba, pero.... pero.... huhu... wala...wala lahat,' humagulgol na ko. Humarap sya at niyakap nya ko, tight enough para macomfort ako, habang hinihimas nya yung buhok ko, ' shhhhhhhh, walang may gusto ng nangyari, I'm sorry naging insensitive ako sa nararamdaman mo, sorry wala akong magawa, wala din akong masabi na alam kong makakapagpagaan ng pakiramdam mo, kung gusto mo umiyak, umiyak ka lang mahal, naiintindihan kita,' sa mga sinabi nya somehow nakahanap ako ng strength ng kakapitan, na I feel secured. ' salamat mahal.' di ko na namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak at nanatili si Nick para damayan ako.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon