' ahhhhrggghh.... ansakit ng ulo ko.. ' mariing daing ni Betina at ng aakmang tatayo.. ay nabuwal sya.
' good morning miss, kumusta na po ang pakiramdam nyo? tanong ng nurse on duty.
' good morning po, asan po ako?? bat ako narito??? magalang na sagot ni Betina.
habang nagsasalita ang nurse sa mga pangyayari ay muling nagbalik sa alaala nya lahat ng kalokohang nagawa nya kagabi..wala syang ibang nagawa kung ang itakip ang dalawa nyang kamay sa kanyang mukha sa sobrang hiya... kung malalaman ng mga kuya nya ang mga ginawa nya ay siguradong pingot ang abot nya sa tenga.
' miss , pwede po bang makigamit ng phone, naiwan ko kasi sa hotel namin ang wallet at cellphone ko, para mabayaran ko ang bill ko rito. ' magalang na pakikiusap ni Betina.
' ah, ok na po mam, binayaran na po ni sir ang bill nyo , may pinabibigay nga po sya note e. ' sabi ng nurse at may inabot na maliit na sticky note.
' hey, miss,... next time be careful ,and please give some respect for yourself...' t.c.
at pagakabasa ng note..ay napaisip si Betina kung ganun ba kagrabe ang ginawa nya para pagsalitaan sya ng ganun ng taong yun. ' tumulong nga, ansama naman ng tabas ng dila' pabulong na nasabi nya.
Pagkatapos nyang ma-contact si James ay sinundo sya nito at dumiretso sila sa kanila hotel room at doon inusisa sya ni James sa kung ano pang nangyari sa kanya.
' ay grabe nga girl... sino kaya yan.... ' usisa ni James habang ibinabalik kay Betina ang sulat.
' nagtanong ako sa information desk... isang Nick Beltran daw ang nagbayad ng bill ko. ' naku! alam mo yun! I never felt so humiliated like this ! sino sya para i-judgr ang pagkatao ko... ni hindi nya alam ang pinagdadaanan ko. sana hindi na lang sya tumulong.' galit na galit na sabi ni Betina.
' ohh.. chillax, pusoo mo girl broken pa yan, baka di na maka-recover pag na highblood ka pa.... naiinis ka ba kasi, first time na may lalaking di naattract sayo, haha...pabirong sabi ni James.
' e kung ibaon kita dyan, kasalanan mo to e, di mo kasi ako sinundan.' paninisi ni Betina kay James.Pero somehow totoo na ego ang natapakan kaya nagagalit sya ng sobra na si Betina na sinasamba ng mga lalaki ngayon e, sinidedma na kung sinong estranghero.
' HINDING HINDI KO ITO MAPAPALAMPAS! James!get ready hahanapin natin yang antipatiko na yan. makikita nya.' sabi ni Betina habang naniningkit ang mga mata.
Lumipas ang maghapon na nagstay lang sila sa Hotel at inejoy ang pasiswimming at henna tattoo. She can say na wala talagang dull moment kapag kasama ang kanyang sirenang bestfriend.
NICK's POV
bat di maalis sakin ang mukha ng babaeng yon, ...( kahinaan ni Nick ang makakita ng babaeng umiiyak.)
..habang nag-iisip ay nabaling ang kanyang atensyon sa picture ng kanya mommy. at doon ang matigas na Nick ay unti-unting lumambot. Sinisisi ni Nick ang kanyang sarili sa trahedya na nangyari sa kanyang pamilya. Five years ago, ng magpakamatay ang kuya nya dahil sobrang selos dahil si Nick ang gusto ng babaeng mahal ng kuya nya. Si Monica. Lubhang dinamdam iyon ng kanyang ama at ina. dahil ang kuya nya ang achiever sa kanila, madalas silang makumpara at laging sinasabi ng iba na si Nick daw ay walang pangarap at walang mararating dahil ang kursong kinuha nya ay Fine Arts. Nalugi ang mga negosyo nila na ilang taong pinaghirapan ng papa at kuya nya na palaguin, nadiagnose na may cervical cancer ang kanyang ina at after a year ay namatay. Sa labis na pagkalungkot, ang kanyang ama ay inatake sa puso at ngayon ay patuloy ang medication. Simula noon ay isinumpa na Nick ang kanyang sarili at di na magiging masaya.
hindi nya namalayan na nakatulog dahil sa labis na pag-iyak.
BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...