CHAPTER 13

28 0 0
                                    

...bat di pa sabihin ang hindi mo maamin,

ipauubaya ng lang ba to sa hangin,

wag mong ikatakit ang bulong ng damdamin mo...

naririto ako nakikinig sayo.'

sa lahat ng may lakas ng loob dyan, etong Chapter na ito ay para sa atin.

' sir, meron pong babae sa labas, gusto daw po kayong makausap.'sabi ng Secretary ni Nick.

' sino daw?' tanong ni Nick.

' ayaw po pasabi yung pangalan e, URGENT daw po.' nahihiyang sabi ng Secretary.

' ok, papasukin mo.' mabilis nito sagot.

' ok po. Miss, pasok na daw po kayo.' pag kasabi'y sinara na ang pinto.

' so, ito pala ang hide-out mo Mr.Beltran.' pasungit na tanog habang nakapamewang sa harap ni Nick.

' why are you here? ' gulat na tanong ni Nick na di alam kung anong gagawin.

' so ako ang inwan, iniwasan at pinagmukhang tanga, tas ako pa ngayon ang dapat mag-explain? antatag ng panga mo Nick.' pikang pika na sabi Betina.

' Sorry.' sabay lapit kay Betina.

' Sorry! sorry lang? ano to lokohan, Nick mukha akong tanga kakaisip bat bigla kang nawala, bigla na lang di ka nagtitext , di nagparamdam, ilang beses akong tumawag nagtext, nag-aalala ako kung napano ka na, tas sorry lang sorry lang maririnig ko.'  umiiyak na sabi ni Betina.

' stop crying Betina,.. enough na. tahan na.' pag-amo ni Nic. at niyakap sya.

' ni hindi mo alam kung ano pinagdadaaanan ko, naiisip ko kung may nagawa ba kong mali sayo, hindi mo alam kung ano yung feeling ng mag-alala, hindi alam kung ano yung feeling ng binabalewal, Selfish ka, Nick! selfish ka! habang sinusuntok ang dibdib ni Nick.

' I'm sorry, Betina, sorry for hurting you, ayoko ng guluhin ka pa, ayoko ng guluhin kayo ng boyfriend mo, di mo alam kung gaano kasakit sakin ang makita kang masaya kasama yung taong pinakamamahal mo, yung taong pinagpapakamatayan mo noon, nung nakilala kita, yung taong alam ko kahit kailan di ko mapapalitan sa puso mo.'

' stop making an excuse! tulak nito.

' no I'm not! oo, I admit natatakot akong magmahal masaktan, lalo na sayo, ayokong ako ang maging dahilan kung bakit ka umiiyak, kung bakit ka nalulungkot, pinilit ko pero di ko kaya kaya nung alam kong mahal na kita umiwas na ko, kasi alam kong kahit kelan di ko mapapalitan si Justin a puso mo na kahit kailan sya pa rin. '

' napaka-unfair mo! sabihin mo duwag ka, akala ko, after ni Justin di na ko magmamahal, pero wala e, sana di mo na lang ako pinaasa na pwede pang maging masaya, tinulungan mo nga ako pero ngayon mas doble pa yung sakit na binigay mo, oo , tama Nick, minahal kita , mahal na mahal kita kaya nasasaktan ako na ganun lang kadali sayo na baliwalain ako.Sana di mo ako sinanay sa bagay na di mo kayang panindigan, sa mga bagay na mawawala din naman pala' pagkatapos ay tumalikod na si Betina.

bigla syang niyakap ni Nick sa likuran. ' mahal na mahal kita Betina Carlos di mo lang alam na halos araw araw na sinusundan kita, araw araw kong nararanasan ang pagkamatay, walang gabing hindi kita iniluhod at hingin na mapasakin ka, araw araw ng buhay ko simula ng makilala kita plinano ko na ang buhay na kasama ka, ikaw na nagpasaya sakin, ikaw na nagbago ng takbo ng puso at mundo ko.oo aaminin kong natakot akong masaktan, na wala akong laban kay Justin, sorr. dahil di ko sinadyang saktan ka, pero mas lalong di ko sinadya ang mahalin ka ng ganito ... sorry mahal na mahal kita.

' yan tayo e, di muna kasi nagtatanong, akala ko nung bumalik si Justin, mahal ko pa sya, pero wala, na-invade mo lahat ng kasulok sulukan ng puso ko, mag-sorry ka kasi nagpamiss ka, di mo alam na everyday umaasa ako na may magtitext sakin, kasabay ko kumain,'tapos ako yung susugod dito, asan na ang hustisya???durog na durog na ang pride ko ah nagtatampong sabi nito.

' haha, sorry na Ms. Carlos, sinasagot na kita. mahal na mahal kita' sabi nito sabay halik sa noo.

' wow! kapal ahhhh, e kung sikmuraan kita dyan, you like, ... ' pagtataray nito.

' haha, kung makakalusot lang, ngayong alam ko ng mahal mo ko, kahit araw-araw kitang ligawan, ok na ok lang, at your service Boss, amo, madam.™' Malambing na sabi nito.

' sus! bilis bilisan mo at madami ka pang utang na dapat pagbayaran.'

' Opo, mam. I love you Betina Carlos. ' sabay halik sa cheek.

' aba! advances mo ahhhhh! ' TARAY na sabi nito.

' hanggang dyan lang po mam, saka na yung iba pag Mrs. Beltran ka na.' kinikilig na sabi nito.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon