Natapos ang natitirang araw na na-enjoy namin ang napakagandang lalawigan ng Vigan. One week na lang at birthday na ni Nick. Noon, ang iniisip nya lang birthday ni Mama, Papa at Kuya Bryan, pero ngayon iba pala talaga ang pressure pag sa partner mo na, di dahil nag-eexpect sila kundi dahil ikaw sa sarili mo gusto mo memorable at magiging masaya talaga sila.
Betina's POV
Haaaaaayyyyy, anong gagawin ko, di ko naman kayang kabugin yung surprise nya sakin nung anniversary, hayyy...wala talagang pumapasok sa isip ko, andami ko ng pinanood sa youtube pero wala pa din hay, sabi nya masaya na sya makasama nya lang ako, pero ayaw ko na ordinaryo lang ang mangyari sa araw na yun, special syempre sya sakin kaya I will do my best para masurprise ko sya. One week na naman syang nasa Cagayan De Oro buti at sakto ang araw na balik nya dito, birthday nya. Di ko na din masyado kinakausap at tinitext para makapag-isip ako ng gagawin ko. Mabilis na dumaan ang mga araw at sumapit na ang 29th birthday ni Nick, since daddy na lang nya ang kasama nya at nasa hospital ito, di din naman gugustuhin na makita sya nito kaya, nasanay si Nick na magcelebrate ng birthday kasama ang mga taong di nya kilala, madalas sa Home for the aged, DSWD at kung saan saan pang bahay-kalinga. Grabe, ang buti ng puso nya, ngayon ko lang sya nakita na masayang masaya. After ng feeding program, hinandaan sya ng mga empleyado nila, strict si Nick when it comes to work pero sobrang mabuting boss, sabi ng halos lahat ng bumati at nagmessage sa kanya. Feeling ko sobrang blessed talaga ko, kasi mabuti ang puso nya,ako nga noon di naman nya ko kilala pero tinulungan nya ko, nalaman ko sakin lang pala nagsusungit-sungitan tong si Nick para daw makuha ang atensyon ko. Sobrang naging masaya naman sya sa isang buong araw na activity para sa birthday nya. Kaya naman ng matapos lahat ng appointment nya, kinidnap ko na sya, sa lahat naman ng kinikidnap eto ang willing.
' shall we go?' tanong ko sa kanya.
' san tayo pupunta?' excited na tanong nya.
' secret , ipagdadamot muna kita sa kanila.' sabi ko. Habang hinihila sya papalayo. Piniringan ko sya, ang kulit surprise nga e, tas tanong ng tanong. Nang makarating kami sa venue na nirentahan ko, pinaupo ko sya at hinayaang pa ding nakapiring habang siniset up ko yung AVP ko. Nang matapos ang paghahanda saka ko tinanggal yung piring sa mata nya, at laking gulat nya kasi nasa club house kami ng Villa Enocencia, kung saan andami butterflies and firelies sa paligid , habang tinutugtog yung ' Just the way you are, tas lumalabas sa big screen na pina-set up ko yung pictures nya nung growing up years nya, sa huli nilagay ko yung picture ng special na tao sa kanya, yung mommy nya, na may caption' sayang walang chance na makilala ko sya, siguro mabuti syang tao kasi napalaki ka nya ng maayos at di ko man lang sya napasalamatan dahil pinanganak ka nya.™' Wala akong kayang i-offer na material na bagay sayo mahal kasi alam kong halos lahat nasa iyo na pero ang gusto kong ibigay e yung masasayang alaala na kasama kita, Happy Birthday mahal.' Grabe, ang yakap sakin ni Nick, at sobrang naappreciate nya daw yung effort ko. Pagtapos nun nanood kami ng movie, at nagstar gazing buong magdamag.
' look! meteon shower ohhhhhhhhh! mag-wish ka bilis!' sabi ko. Pumikit sya ng matagal tas ngumiti.
' ano winish mo? parang antagal?' takang tanong ko. Humiga sya sa may tiyan ko at nakahiga kaming dalawa at nakatingala sa langit, tas sabi nya, ' wala, wala na kong mahihiling pa, binigay ka na e , sapat na sakin yun, nagpasalamat lang ako, kasi perfect timing ang pagdating mo sa buhay ko.'
Di ko talaga alam kung nagayuma ko tong si Nick at patay na patay sakin, kinaganda ko yun, pero antotoo mahal na mahal ko din naman sya e, yung tipong sya na ang nilulook forward kong makasama sa future.
' salamat mahal, sana naging masaya at special tong araw na to para sayo,' maiksi kong sabi. Sana lagi na lang ganito, masaya kaming dalawa.
' SOBRA, 29 years of my existence, ngayon lang ako nakaramdam ng kakontentuhan, yung hindi ko na iniisip what lies ahead, inenjoy ko lang ang bawat sandali kasama ka, it may sound corny but it does not lessen the fact na patay na patay ako sayo. sigurado na ako, yung mga plano ko di na lang sa sarili, I've learned how to dream big nung dumating ka, nagbago pati pananaw ko sa mundo, at masaya ako sa kung ano ako ngayon, thank you.' sabi ni Nick, ansarap pakinggan na dahil sa pag-ibig nagbago ang tao, ansarap pakinggan na sayo nya natagpuan ang contentment, sobrang seryoso nya and hindi showy but now, nasasabi nya na kung ano talaga ang nararamdaman nya ng walang hesitation.
' I'm glad to hear those words, and I am looking forward as the day passes by mas maimprove pa natin ang sarili natin.' sabi ko habang binibigay yung relo na binili ko, ' suotin mo yang relo na yan, alam kong busy kang tao, at alam kong mahalaga ang bawat minuto sayo, pero tandaan mo na gaya ng relong yan, di mo na kailangan pahintuin ang oras para makasama mo ako, hawak mo ang oras ko, walang oras, minuto o sigundo na nawala ka sa isip ko.'
' salamat, mahal, ang relong ito ay parang ikaw..' sabi nya.
' bakit?' tanong ko.
' kasi Precious.' dugtong nito.
' #boompanes! puro ka kalokohan.' habang kinukurot sya sa tagiliran.
natapos ang birthday ni Nick at masaya ako na ako ang kasama nya, and I am looking forward sa madami pang taon na isi-celebrate namin together.

BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...