CHAPTER 27

1 0 0
                                    

NICK's POV

" Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sayo, kung gaano kita gustong damayan, pero natatakot rin ako dahil malayo ako sayo, alam ko na mahal na mahal mo ang papa mo kaya sobra yung sakit na nararamdaman mo, patawad Mahal, pero kinailangan kong mangako sa mama mo," bulong kong sabi sa natutulog na anghel na napagod kakaiyak.

ugh! habang tinititigan kita mas lalo kong nakikita ang dahilan kung bakit mahal na mahal kita, yung mala-tigre mong ugali, yung uniqueness mo dun mo ako na-akit pero ngayon yung inosente mong mukha habang natutulog, wala na kong mahihiling pa. Yung mukhang gusto kong unang makikita ko paggising ko at yung mukhang huli kong makikita pagmatutulog na ko. Oh, Betina Carlos I'm so addicted to you, pangako ko na hinding hindi ko hahayaang umiyak ka pa.

Kung alam mo lang sa loob ng 2ng taon kung gaano ko pihitin ang araw, madaliin ang panahon para makasama ka lang, gabi gabi hinihiling ko sa Diyos na ingatan ka, gabi-gabi na hinihiling ko na wala kang magustuhang iba don, na walang mangungulit na gaya ko. Hindi mo alam kung gaano mo binulabog yung mundo ko ,
I never imagine na totoong pagtinamaan ka ng Love wala ka ng magagawa."
ng lumalim na ang gabi ay pinagpasyahan na ni Nick na dalhin sa kwarto nito ng makapagpahinga ng maayos.

Kinaumagahan...

" ugh! aaaaaa-ahh-uhhh..aray...aray.." reklamo ni Betina habang hinihimas ang braso nito na pakiramdam ay pagkatagal-tagal na nangalay. Ng magkamalay ay inisip nya kung ano ang nangyari.. nang maunawaan ay agad nyang kinuha ang cellphone sa may side table, ngunit bigla dyang napapitlag ng may nakita sya naka-ipit na note.

" Good morning! Mahal, I hope ay nakapagpahinga ka ng maayos... magbihis ka na ha, I'll fetch you 2pm. love you! "

"sus! talaga to walang kasing corny,." nangingiting sabi ni Betina, " infairness ahh, tumaas ang sugar level ko,..aga aga..aba, at saan naman kaya kami pupunta? "

pagtapos ay pinili nyang mag-ayos na ng sarili, at ng hindi ma-late sa usapan nila ni Nick.

LOVE TAKES TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon