Lumipas ang araw at mga buwan na masayang masaya sila Betina at Nick.
sa isang Resort sa Batangas,kung saan dinaos ang wedding anniversary ng parents ni Betina, formal na pinakilala si Nick bilang boyfriend nya. Ngunit, si Justin ang halos lahat kilala ng buing angkan ni Betina at sobrang boto sila dito kaya sa lahat ng okasyon sa pamilya lagi tong naroroon.
' tin, anak magpapicture daw tayo kasama ang tito reymond mo.' sabi ng tita menchie nya.
' ok po,' maiksi nitong sagot.
' Justin, halika dito at sumama ka, matagaltagal din tayong di nagkita, mas lalo kang gumwapong bata ka, sayang lang atttt.... ' paghinto nito ng makitang papalapit na si Nick sa pwesto.
' Nick, hijo pakikuhaan mo nga kami,' insensitive na utos ng matabil na tyahin.
natapos ang handaan na puro tuksuhan at pagpaparis kay Betina at Justin, pagkat nasa tama na itong edad para mag-settledown.
' bat antahimik mo?' nag-aalalang tanaong ni Betina .
' walaaaaa.... walaaaa to,.' pag-iiwas ni Nick sa girlfriend para hindi ito ma-bother.
Nagpasya silang maglakad sa dalampasigan, malamig ang simoy ng hangin at tanging hampas lang ng alon ang mauulinigan sa sobrang payapa ng gabi.
' panda bear sana lagi tayong ganito no, ' bigalang sabi ni Nick habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Betina.
' what do you mean Mr. Beltran?' pang-aalaska nito, ayaw na ayaw ni Nick na tinatawag sya nito ng pormal, sinula ng nainlove ang loko nalusaw lahat ng kasungitan at kapormalan nya.
' yung ganito, masaya.. ok. ' pero may lungkot at pag-aalala sa mukha ni Nick.
' alam mo, ang keso mo, anyare sayo parang may kakaiba.' rakang tanong nito.
niyakap lang sya nito sa likuran ng mahigpit na mahigpit hanggang ng minsang mapatigil sila.
' bhuuu-huh-huh... ano ba bat parang gusto mo kong patayin?'nauubong kumalas sa mahigpit na pagkakayap ni Nick.
' sorry,.' malungkot na sabi ni Nick.
' Nick , may problema ba? Tell me.'worried na tanong nito.
' wala, wala to pagod lang siguro ko.' sabi nito.
antahimik ng mga sandali, na nakaupo si Nick sa buhanginan habang nakahiga sa lap nya ang parang batang si Betina na maahimbing na nakatuog.
' Betina Carlos, bakit ginulo mo yung tahimik kong mundo, akala ko sapat lang na mahal kita at malamang mahal mo ko, akala ko ang maging girlfriend ka ang tatapos sa problema , nasasaktan ako sa pag-iisip na akin ka na yet di kita maangkin , ni di ko masabing kin ka na ng buong buo , andaming gumugulo sa isip ko, andaming takot, what if paggising mo isang araw sya na ulit ang hinahanap mo, what if isang araw iwan mo na lang ako, iniisip ko pa lang parang mababaliw na ko, iniisip ko pa lang parang kakayanin ko pa ang sakit ng kamatayan. Iniisip ko pa lang nadudurog na ang puso ko, mahal na mahal kita kahit napaka-sungit, prangka at may mga tantrums kang di ko maintindihan, minahal kita dahil nakita kitang kakaiba sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw, na nagpapaniwala na posible ang magmahal. na masarap ang magmahal, ano man ang mga takot ko siguro dahil, mas mahal kita higit sa sinasabi at pinapakita ko.'sabi ni Nick habang hinahaplos ang buhok ni Betina.
Isang linggong mawawala si Nick para sa client meeting nila sa Cebu, that means mawawalan ng personal driver si Betina, para silang bata na hirap na hirap maghiwalay dahil, simula ng naging sila lagi na silang magkasama, though di sila PDA na couple, at madaming si-net na restrictions, na bawal ang touch, at kiss, tinutulungan nila ang bawat isa na ma-develop ang relationship nila without cuddling and kissing, at bilang lalaki mahirap pero nirerespeto ito ni Nick.
' ba-bye, I have to go... ma-mimiss kita, basta yung mga bilin ko ha, sayang kasi yung leave mo e di pa inapprove, tsk! .' sabi ni Nick.
' opo, sir! noted po.. o, basta bawal tumingin sa girls, kundi ipapakulam talaga kitaaaa!' makulit na pagbabanta nito.
' YES! madam naiwan po sa inyo ang puso ko, heartless ako aalis dito.' sabay mahigpit na yakap kay Betina.
' ay grabe!Mr. Beltran aalis na po yung airplane, pag di ka pa bumitaw dyan hindi na talaga kita papaalisin.... bitaw na, ingat ka dun ha, halabsyu!' malambing na sabi ni Betina.
' bye, I love you so much!babalik agad ako.' sabay halik sa cheek at alis.
everytime na kailangan mag-out of town at out of the country ni Nick pahirapan sila magiwalay, andyan yung maya-mayang tawagan, texts, at chat. Puro bilin,at puro I love you.
Dalawang araw na lang at anniversary na nila ngunit nasa Cebu pa si Nick, kaya naman lungkot lungkutan ang peg ni Betina, pinipilit nyang intindihin pero di nya magawang di masaktan.
BINABASA MO ANG
LOVE TAKES TIME
RomanceNaniniwala ka ba na ang love ay kusang dumarating at ito`y sadyang nakalaan para sayo o kailangan mo itong hanapin at it`s a matter of a decision. Love comes to those who wait yan ang mariing paninindigan ni Betina. Ang love makakapag-antay yan pero...