KABANATA 8

552 13 2
                                    

Kabanata 8

Scary

--

I was still sipping on my frappe when I got up and immediately slung my bag on my shoulder. Nag angat ng tingin si Sarah sa akin.

"Nagmamadali?"

"Una na 'ko sayo. I'll see you tomorrow!" I said and left immediately.

"Wait, Issa! 'Yong tinatanong ko!"

"Bukas nalang!"

It's just about our project kaya bukas nalang! Sa isang linggo pa naman ang pasahan. Pero bakit nga ba ako nagmamadali? Hindi naman kailangang magmadali!

Parang gusto kong kalatukan ang sarili ko nang nakarating ako sa field. Ang bilis ko, ah? Baka mamaya wala pa si Vince dito!

Inayos ko ang aking bangs at pagkatapos sinilip ang napaka laking field. Syempre hindi ko siya makikita mula rito dahil napaka lawak talaga ng buong field. Nagtatago lang ako sa may malaking puno. Pumikit ako nang mariin.

"Damn it, Issa..." bulong ko sa sarili.

"Anong ginagawa mo dyan?"

I jumped in shock when I suddenly heard Michelle's voice behind me!

"Mina!" sigaw ko nang nakita siya roon.

Nagulat siya. Parang ngayon niya lang ako nakitang gano'n ang naging reaksyon. Napakurap kurap siya. Yakap yakap niya ang kanyang mga libro.

"What? Tinatanong ko lang anong ginagawa mo dyan. Nagtatago ka kasi sa puno. Ba't gulat na gulat ka agad?"

I took a deep breath and closed my eyes again. Put your shit together, Louissa!

"Wala... I'm just looking for someone," mahinahon kong sagot sabay baling ulit kay Mina. "Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Pauwi na sana ako. Nakita kita rito, may sinisilip. Sino bang hinahanap mo?"

"Wala!" medyo naging oa ang pagsagot ko.

Muli siyang nagtaka. Of course ngayon niya lang ako nakitang parang natataranta at gulat na gulat! I was always calm and cold to her. Damn it! Umayos ka nga, Issa!

"Okay? Hindi ka pa uuwi?" sabi niya nalang.

"Uh, hindi pa. Mauna ka na. Sa... sabado nga pala sa bahay namin sabi ni Lorie."

She nodded and smiled. "Okay. See you tom!"

"See you," pinanood ko siyang umalis.

Huminga ako nang malalim nang nakalayo na siya. Muli akong sumilip sa field ngunit kalaunan napagdesisyunang kalmahin muna abg sarili.

Okay. Magpapaturo lang naman siguro si Vince sumulat ng letter. Ibibigay niya siguro sa... crush niya or whatever. Gano'n lang naman! Hindi kami close pero... pagbibigyan ko na tutal nagkakausap naman kami minsan sa bahay at... mukhang mabait naman siya kahit minsan mapaglaro. Halatang playboy.

I took another deep breath and gripped my frappe tightly. Lumabas ako mula sa puno at hinanap si Vince. The field is too big but I'll probably see him right away because their uniform is different from ours.

Naghanap hanap ako. Maraming tao sa field. Merong nakaupo sa damuhan at merong mga nakaupo sa table na bato. Most of them are studying while others are just talking. This is just a normal day at school every time I go home. Some people are really used to hanging out here before going home. Malakas kasi ang hangin at hindi na masyadong mainit.

"Louissa!"

I turned to my left and immediately saw Vince. He's leaning slightly against the stone table as he crossed his arms, his serious eyes looking straight at me. Kumalabog agad ang puso ko.

Forgotten Letters (Agravante Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon